Allured 1 ※ Whys

2292 Words
Alexis' POV Hindi ko mapigilang sipain ang isang lata na nasa daanan ko dahil sa inis. Nanggigigil na kasi talaga ako dahil kay Tita.   Hiniram niya kasi ang motorbike ko pagkatapos ay ibinalik na wala ng gas.   Hindi ko kayang magalit kay Tita kaya hindi ako nagsalita. Basta lang akong umalis kanina at hindi na nagpaalam pa.   "Alexis!"   Agad akong napatigil at tumingin sa lalakeng tumawag sa akin. Nakangiting kumaway siya sa akin at nilapitan ako.   "Puwedeng makisabay?" nakangiti niyang tanong.   Napakunot ako ng noo. Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko pa siya nakikita sa kung saan man ako pumupunta.   Tinignan ko ang kaniyang damit. Simple pero nakatulong para ilabas ang angking kagwapuhan niya.   Natigilan ako nang makuha ng aking atensyon ang ID lace niyang kagayang-kagaya ng ID lace ng university na pinapasukan ko.   I looked into his eyes. "Do I know you?" seryoso kong tanong.   If a man is a bad person, I can see it by just looking at him or her but while looking at this guy in front of me, I can only see light aura.   Well, hindi ko alam kung keen-observer lang ba talaga ako o malakas talaga ako makaramdam ng mga taong dapat iwasan at hindi iwasan. Plus, the fact that I'm learning psychology to became a psychologist. It's making me easier to read a person like an open book.   "Ang laki pala talaga ng binago ng itsura ko. Ikaw na inaakala kong makikilala ako, hindi ako makikilala," sabi niya at tumawa.   Tinitigan ko lang siya.   Nababaliw na ba 'tong lalakeng 'to? Napailing na lang ako bago nagsimulang maglakad.   "Wait!"   Natigil ako sa paglalakad dahil sa kamay niyang naramdaman kong biglang hinawakan ang braso ko. Agad kong tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya at umiwas ng tingin.   Ang totoo niyan ay hindi ako sanay na may humahawak sa akin. Okay lang sa akin kapag babae dahil lumaki akong kasama si Tita pero sa mga lalake, kung ako ay tatanungin, masasabi kong para akong sensitive sa kanila.   Lumaki ako na walang kaibigan. Oo, may mga kaklase akong nakakausap pero hindi ko sila kaibigan. Kahit sa mga nagdaang paaralan sa akin, walang naglakas ng loob na makipagkaibigan sa akin dahil sa angkin kong kamalditahan. Kaya ang itinuring ko na kaibigan ay tanging si Tita lang.   "So-sorry." Hingi niya ng paumanhin.   "Sino ka ba talaga?" tanong ko.   Ngumiti siya bago kinuha ang kaniyang bag at naglabas ng burger saka ibinigay sa akin. "Pablo Vermado."   Napataas ang aking kaliwang kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago muling ibinalik ang tingin ko sa pagmumukha niya.   "Anong nangyari sa 'yo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya saka kinuha ang burger na hawak niya.   Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at napanganga. "Hindi mo ba nagustuhan?"   Napakibit-balikat ako. "Okay lang," sagot ko bago muling naglakad at binuksan ang burger na binigay niya saka kinagatan.   "Teka, sasabay ako!" rinig kong sabi niya bago nakisabay sa akin.   Walking distance lang naman ang university namin. Kahit na kaya ko namang lakarin, lagi ko pa ring ginagamit ang motorbike ko para maging service. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga nang maalala ko na naman ang motorbike ko.   "Masarap?" tanong ni Pablo sa tabi ko.   Tumango-tango ako bilang sagot saka muling kinagatan ang burger.   Pareho kaming nabalot ng katahimikan habang binabagtas ang daanan papunta sa university na katabi lang naman ang library. Agad akong napadighay pagkatapos kong maubos ang burger at uminom ng tubig na baon ko.   Nagtatakang napatingin ako kay Pablo nang marinig siyang tumawa. Kami ay nasa tapat na ng gate nang mapansin ko na ang daming nakatingin sa amin, lalo na kay Pablo.   "So unladylike," wika niya na ikinataas ko ng kilay.   "Ako ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kaniya sa asar na tono.   Medyo natawa pa siya bago sumagot. "No. Them." sabay turo sa isang grupo ng babaeng nakatingin sa kaniya at OA kung kiligin.   Napailing na lang ako. Alam ko na ang mangyayari simula ngayong araw sa buhay ng lalakeng 'to.   "Hindi ko pa siya nakikita. Ang gwapo niya."   "Transferee siguro siya,"   "Pero sino 'yong kasama niyang babae?"   "Parang nakita ko na 'yang babae sa fourth building. God! Kaano-ano niya kaya si pogi?"   Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga naririnig ko. Grabe. Kahit naiilang ay hindi ko na lang inintindi.   Hinarap ko si Pablo. "Sige, salamat sa burger." Paalam ko nang marinig ko siyang magtanong.   "Saan ka ba pupunta?"   Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ayaw kong madagdagan pa ang isipin ng mga tao sa aming dalawa ni Pablo.   Agad kong pinasok ang library matapos kong mag-log-in. Natural na ang katahimikan sa library pero hindi ko mapigilang ma-creep out nang mapansin ko na ako lang ang estudyante na nandito ngayon.   Kunsabagay, school hours naman ngayon at wala akong pasok. Siguradong mamaya pa darating ang mga estudyante dito.   Pumunta ako sa section ng mga libro na tungkol sa psychology lesson namin dalawang araw na ang nagdaan. Napag-isipan ko kasi na wala naman akong gagawin hanggang mamayang tanghali kaya instead na maburo sa bahay ay pag-aaralan ko na lang ang topic namin na hindi ko binigyang pansin noong nakaraang araw.   Ipinasada ko ang dulo ng hintuturo ko sa bawat libro na maayos na nakahilera sa shelf. Agad akong napatigil nang makita ang aking pakay.   Kinuha ko ang libro pero agad akong napatalon sa gulat nang biglang bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Pablo na parang baliw na nakangiti mula sa kabilang bahagi ng shelf.    "Gusto mo na bang mamatay?" asar kong tanong sa kaniya sa mahinang boses.   Ngumisi lang siya pagkatapos ay lumapit sa akin. "Fine with me basta ikaw ang papatay,"   Tsk. "Dumb dumb. Bakit ka ba nanggugulat? Hindi ba dapat nasa klase ka?"   Ngumisi si Pablo. "Maingay do'n. Masyado akong dinadaldal ng mga babae," may pagmamayabang niyang sabi na ikinaikot ko na lang ng mata ko.   "Feeling. Tch!" Pagkatapos ay tinalikuran ko siya pero iisang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ko siyang magsalita.   "Mall. Libre ko,"   Nakataas ang kilay na hinarap ko siya. "Bakit ako niyaya mo?"   Napatanga naman siya. "Wala naman akong sinabi na niyaya kita, a." inosente niyang sabi na talaga namang ikinainit ng ulo ko.   "Maghanap ka nga ng ibang makakausap!" sigaw ko sa kaniya na agad ko namang ikinatahimik matapos marinig ang pagsita sa amin ng librarian.   Shit! Sira na nga ang umaga ko dahil kay Tita, dadagdagan pa ng lalakeng 'to. Anong tingin niya sa akin, laruan?   Damn him!   Asar na naglakad ako papalayo sa damuhong si Pablo. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko nang madinig ko na nakasunod pa din siya.   Mabilis akong nag-log out sa log book ng librarian kasama na ang paghiram ng libro na kinuha ko.   Agad kong hinarap si Pablo nang makalabas ng tuluyan sa library.   "Subukan mong lumapit. Tatamaan ka sa akin!" sigaw ko sa nagbabanta kong tono.   Malamlam ang mata na tumigil siya sa paglapit at tinitigan ako. "Hey, sorry na. Hindi ko intensyon na galitin ka. Hindi naman kasi talaga kita niyayaya. I take no for an answer kaya dapat talaga na sumama ka sa akin dahil nagpa-reserved pa ako ng resto para kumain."   Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya.   Seryoso ba siya? Resto? Ibig ba sabihin nito ay date?   "Pinagloloko mo ba ako?" tanong ko na agad naman niyang sinagot ng iling.   "Seryoso. Oks lang kung ayaw mo itong tawagin na date. Bayad mo na ito sa paghiram ng notebook ko. Ayaw mo no'n, all you need to do is eat with me and we're done."   Napatahimik ako sa sinagot niya. Hindi ko maisip kung ano ang totoo niyang intensyon habang pinapakita sa akin ang sinseridad sa mga sinabi niya gamit ang kaniyang mga mata.   "Sabihin mo, bakit mo ito ginagawa?" tanong ko na ikinatigil niya.   He's intently looking at me. Tila nag-iisip kung sasagutin niya ang tanong ko.   Napakunot ang aking noo nang biglang siyang ngumiti.   "I told you, you will freak out once that you heard the answer. So please, come. Nag-effort pa ako para lang mai-labas ka, e."   I heaved a heavy sigh. Ang weird talaga ng lalakeng 'to.   Hours later... Ang plano kong pagri-review ay nauwi sa isang date. Yes, I accepted his invitation to eat with him.   Buong araw na iginala ako ni Pablo sa mall pagkatapos ay nagpunta kami sa isang park. I was shocked when I found out na hindi lang pala sa restaurant nagpa-reserve si Pablo. Pati rin sa ferris wheel na sinakyan namin kanina. Mahigit apat na oras din kaming nando'n at in-enjoy ang view lalo na't sunset na nang mga oras na iyon.   I can't help but to feel overwhelmed and confused lalo na't ang pagsama ko sa kaniya sa buong araw ay kapalit ng paghiram ko ng notebook niya although I choosed not to think how weird he is.   Two hours before I go to work, we eat to the restaurant he's talking about. Romantic ang lugar and I like how warm to my feeling the ambiance is. Hindi lang puro couples ang makikita sa lugar. May makikita rin na magkakapamilya and I can't help but to suddenly feel emotional every time I looked at them.   Sa nangyari, nawalan ako ng gana. Pinaglalaruan ko na ang pagkain sa harapan ko at pilit na iniiwas ang aking paningin sa mga taong nasa loob ng restaurant na ito.   "You okay?" may pag-aalalang tanong ni Pablo.   "Yeah. Pakibilisan na lang ang pagkain. May pasok pa ako mamaya."   Tumango na lang siya bilang sagot kahit na kita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sagot ko at panaka-panaka ay ramdam ko ang mga pagtitig niya sa akin.   True to his words, after I go out and eat with him then we're both done. Pagkatapos niyang kumain ay agad kaming lumabas ng restaurant.   Pareho kaming hindi nag-usap hanggang sa maisakay niya ako ng taxi at agad na sumibad. Halata niya naman siguro na wala ako sa mood makipag-usap though I felt guilty a litte bit dahil hindi ako nakapagpasalamat sa effort na ginawa niya para lang mailabas ako.   Aaminin kong maldita ako pero hindi ako gano'n kamaldita para hindi maka-appreciate ng effort ng tao.   Cross Hopital Almost midnight...   Agad akong napahinto sa aking ginagawa nang biglang may pumasok na tatlong nurse at isang doctor na tulak-tulak ang isang stretcher na may nakahigang lalaking pasyente sa ward kung saan kasalukuyan kong tsini-check ang vital records ng isa sa mga pasyente ko.   Idiniretso nila ang pasyente sa ICU kung kaya't mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at pagkatapos ay nagtanong sa isa sa mga nurse na nakikiusyoso sa panibagong pasyente na ipinasok sa operating room.   "Anong nangyari?" tanong ko na sinagot ni Leila, isa nurse na naka-assign sa cancer ward.   Sinabi niya sa akin na nasaksak ng katana ang batang pasyente na tumagos sa likod nito pagkatapos binali habang nakasaksak ng gumawa no'n sa kaniya. Kailangan niyang operahan dahil sa medyo nakadikit ang patalim ng katana sa puso at sagad pa ang pagkakabali sa magkabilang bahagi kaya sa tingin ko ay medyo mahihirapan sila sa pagtanggal ng shard ng katana.   Umiling-iling si Leila pagkatapos sabihin iyon. "Gawa siguro 'to ng mga yakuza na nababalitaang sangkot daw sa mga nawawalang bata dito sa city natin."   Napailing na lang din ako ngunit agad akong natigilan nang makita kong biglang nataranta ang mga nurse maging ang doctor sa loob.   Nanlaki ang mata ko nang makilala ang doctor na nasa loob ng operating room.   Shit!    Mag-iisang linggo pa lang doctor na 'yon dito sa Cross Hospital kaya naman napamura ako sa isiping kailangan kong um-extra sa loob.   Mabibigat ang yabag na pumasok ako sa loob ng operating room at sinimulang tumulong.   Pagod naman akong lumabas ng operating room at sumandal sa pinto makatapos kong itong isarado makalipas ang anim na oras.   Nakakapagod. Inabot kami ng anim na oras sa loob at napaka-exhausting pero hindi ko mapigilang maging masaya dahil success rin naman ang operation.   "Well, I guess that smile is a good sign."   Napalingon ako sa lalakeng nagsalita. Napataas ang aking kaliwang kilay nang lumapit siya sa akin at tumigil sa harap ko.   "Anong ginagawa mo dito, Pablo?"   "A friend of mine has been kidnapped a week ago. He's now saved because of you," nakangiting sabi niya na agad ko naman naintindihan.   "How can you smile even though you're friend is inside this room?" tanong ko.   "You should know. Doctor ka dito at alam kong hindi na bago sa iyo ang nangyari ngayon."   Napabuntong-hininga ako. Right, I should know.   "Alexis!"   Napalingon ako kay Tita Xekrea na tumawag sa akin. Nakangiti siya habang papalapit sa akin pero napansin ko ang pagkawala ng ngiti niya nang mapansin niya si Pablo na kaharap ko.   Muling ngumiti si Tita nang tumigil siya harapan ko though ramdam ko ang tensyon na nakikita ko sa mata nilang dalawa habang nakatingin silang dalawa ni Pablo sa isa't isa.   Why the heck they're looking to each other like that? Do they know each other?   Tumikhim ako. "Tita, meet Pablo Vermado. My nerd classmate."   "Hey!" biglang sabi ni Pablo na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.   Napangisi na lang ako dahil sa naging reaksyon niya. "And nerd, meet my Tita Xekrea. Night shift doctor dito sa hospital."   "No doubt," dinig kong bulong ni Pablo na bigla naman ngumisi.   "What did you say, hijo?" tanong sa kaniya ni Tita Xekrea na sinagot naman ng iling ni Pablo saka umalis.   Humarap ako kay Tita. "Sorry about his attitude. Nasa loob kasi ng operating room ang friend niya. Kakatapos ko lang operahan."   Ngumiti lang si Tita. "I don't like him. Don't talk to him, Alexis. I can see that he is not a good guy for you," sabi ni Tita na agad ko namang ikinaikot ng mata ko.   "Oh, for goodness' sake! He's a nerd, I don't like him!"   Natawa na lang si Tita bago pumunta sa aking likod at tinulak ako paalis. "Off you go." rinig kong sabi niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD