Alexis' POV
Mabilis akong nakaalis mula sa trabaho dahil may kapalit naman ako sa shift ko. Sumaglit pa ako sa cancer ward para tignan ang isa sa mga pasyente ko do'n bago ako umalis.
Kasalukuyan akong nakasakay sa taxi nang biglang sumagi sa isipan ko kung anong ibig sabihin ni Pablo Vermado sa sagot niya sa tanong ko noong niyaya niya ako. May alam na akong sagot pero hindi ko gusto na iyon nga ang maging katotohanan.
Aminado ako na masaya din siyang kasama. May mga pagkakataon na napapangiti niya ako sa mga weird gestures niya pero ayaw kong umasa na magtatagal 'yon dahil takot akong magkaroon ng kaibigan.
Pinalaki ako ni Tita Xekrea na sanay mag-isa at mas lalo pa akong naging aloof sa mga tao nang i-kuwento sa akin ni Tita Xekrea ang nangyari sa mga magulang ko.
Ayon sa kuwento ni Tita Xekrea, isang mayamang babae ang Ina ko samantalang isa namang hardinero ang Ama ko. Pareho silang nahulog sa isa't isa pero hindi iyon nagustuhan ng mayayamang magulang ng Ina ko kaya nang magtanan sila ay agad silang pinahanap.
Isang taon makalipas noong nagtanan sila Ina at Ama, nahanap sila ng mga tauhan ng mga magulang ni Ina ngunit bago 'yon mangyari ay ipinaiwan ako ng aking Ama at Ina kay Tita Xekrea. Ibig sabihin ay maaaring alam na ng magulang ko ang pagdating ng mga naghahanap sa kanila pero mas pinili nilang harapin ang mga humahanap sa kanila.
Nang matunton ang Ina at Ama ko, sapilitan nilang kinuha si Ina pero nanlaban si Ina kung kaya't namatay siya sa kamay ng mga taong iyon samantalang si Ama ay nakulong ng ilang taon hanggang sa magkasakit daw ito na dahilan ng ikinamatay nito.
Itinuro sa akin ni Tita na ang mundong kinagagalawan namin ay puno ng mga taong sakim at mapanghusga. Walang magbabago do'n kung kaya ipinayo niya sa akin na maging ingat sa mga taong nakakasalamuha ko.
Payo lang 'yon ngunit tumatak iyon sa isipan ko kung kaya't nagkaroon ako ng self-preservation na hindi ko napansing ginagawa ko pala sa tuwing may lumalapit sa akin at nakikipagkaibigan.
Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga nang muling sumagi sa isipan ko ang mata ni Pablo na bakas ang sinseridad.
Ayaw kong umasa.
Ayaw kong umasa na hindi siya gano'ng klaseng tao.
Napayakap ako sa aking lab coat nang humampas sa akin ang simoy ng hangin pagkatapos kong bumaba sa taxi. Napatingin ako sa aking relong-pambisig. Ala-una na nang madaling araw.
Binuksan ko ang gate at agad din itong sinarado nang makapasok. Natigilan ako nang makaamoy ako ng dugo.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba habang naglalakad papunta sa pinto. Geez, ngayon pa talaga ako nakaramdam ng ganito.
Nang nasa harap na 'ko ng pinto, agad kong isinuksok ang susi sa knob at mabilis pa sa alas-kuwatro na isinarado ang pintuan na para bang may humahabol sa akin.
In-on ko ang ilaw sa sala. Tumambad sa akin ang tahimik na kapaligiran kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kuwarto ko. Agad kong inilapag ang bag at lab coat ko sa couch pagkatapos ay ibinagsak ang sarili ko sa kama.
Napahilamos ako sa mukha. "Pagod ka lang, Alexis." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ng parang bang may bumagsak na bagay mula sa ibaba.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang walis na para lamang sa kuwarto ko pagkatapos ay tahimik na tinungo ang hagdanan paibaba.
Napatago ako nang makakita ng anino mula sa kusina. Katabi lang kasi nang hagdanan ang daanan papuntang kusina.
Dahan-dahan akong naglakad at maingat na sumilip sa kusina. Napatakip ako ng bibig nang makita na kinakalkal ng tao ang refridgerator ni Tita Xekrea kung saan nakatago ang mga natitira na blood bank ni Tita.
Tahimik akong umatras pero agad akong napatigil nang maramdaman ko na nagalaw ko ang drawer na tinataguan ko pagkatapos ay nalaglag ang isa sa mga frame na kinalalagyan ng picture ni Tita.
God, help me. Tanging naiusal ko sa aking isipan bago napatakbo papunta sa pinto para sa likod ng bahay.
I keep running as I head out of the house. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang marinig ko ang mabibigat na yabag ng sumusunod sa akin.
Hindi ko napansin na wala akong sapin sa paa kaya naman nang makaapak ako ng bato at natalisod, naramdaman ko pagsidhi ng sakit mula sa sugat kong nahiwa dahil sa matalas na batong naapakan ako.
Hindi na ako makatayo kaya gumgapang na napatago ako sa likod ng makakapal na halaman.
Muli akong sumilip pagkalipas ng ilang segundo. Napatakip ako ng aking bibig nang makita ang sumusunod sa aking lalaki. May kalakihan siya. Nakasuot siya ng bonnet habang sa suot naman nitong t-shirt at faded jeans ay mahahalata mong para itong mobster.
Napakunot ako ng noo nang mapansin ko na may kakaiba sa kaniya. Mabilis ang paghinga niya at parang may hinahanap habang bumabaling sa magkakaibang direksyon.
Napaurong ako nang makita ko nang malinaw ang mukha niya sa tulong ng liwanag na galing sa buwan.
Pale skin, red lips, icy blue eyes, and lastly, his fangs.
Ayaw kong maniwala sa naiisip ko kung ano uri ng tao o nilalang ang humahabol sa akin pero hindi ko mapigilang mapahikbi dahil sa takot na baka nga isang bampira ang humahabol sa akin.
Tahimik akong napaiyak nang makarinig ng alulong samantalang ang lalaking sumusunod sa akin ay biglang naging alerto.
Dahil sa nasasaksihan ko ngayon, hindi ko mapigilang mapaisip tungkol sa mga sabi-sabi ukol sa mga bampira at taong-lobo dito sa Styg City.
Ayon kasi sa mga naririnig ko sa aking mga kaklase, may history ang Styg City na pinanahanan ito ng mga bampira at taong-lobo. Though, hoax lang 'yon, marami-rami ang nagsasabi na may kakaibang sikreto na tinatago ang Styg city.
Napatitig ako sa lalaki na ngayon ay humahaba na ang kuko habang palipat-lipat ang tingin sa iba't ibang direksyon.
Maaari nga kayang totoo sila o nanaginip lang ako?
Nasagot ang tanong ko sa biglang pagdating ng isang napakalaking lobo mula sa isang madilim na parte ng gubat. Tinalon nito ang distansya papunta sa lalake at nakipagbunuan dito.
Napahikbi ako ng tuluyan habang pinapanood silang maglaban.
otoo nga. Ang kuwento ng mga bampira at lobo ay totoo. Totoo sila ngunit hindi sila nagpapakita o nagpaparamdam man lang sa lahat. At ako, saksi ako sa nangyayari sa pagitan ng bampira at lobo.
Lakas sa lakas.
Liksi sa liksi.
Bangis sa bangis.
Pareho silang may angking kakayahan na parehong makatatapos sa isa't isa pero nang magkaroon ng tsansa ang lobo ay kinagat niya ang buong leeg ng bampira at ubod ng lakas na hinila ito hanggang sa sumirit ang dugo nito.
Para akong nanghina matapos makita ang pagdaloy ng dugo na mistulang dinidiligan ang mga damo mula sa katawan ng lalakeng bampira.
Huli na ang lahat nang maramdaman kong nagsirado ang talukap ng mga mata ko. Nakita ko pa ang pagliwanag ng kapaligiran pero hindi na ako nakabangon pa.
Naiinis na ngumiti ako. Mukhang sumusugod na naman ang pagkatakot ko sa kulay ng dugo.
LAHAT ay gimbal at pagkamangha ang nararamdaman habang nakatingin sa babaeng walang malay na nakahiga sa malawak na damuhan ng kaharian ng mga taong-lobo.
May ilan na sinubukang lumapit sa babaeng walang malay pero agad din naman silang umaatras dahil sa mga mandirigma ng hari ng mga werewolf na rumesponde nang ibalita 'yon.
Isang malakeng kaguluhan na 'yon kung titignan dahil ito ang unang beses na may nakapasok na mortal sa kanila sa pamamagitan ng portal na nasa kaharian ng mga taong-lobo.
Ang portal na 'yon ay para lamang sa mga werewolves na may permiso na makalabas-masok sa mundo ng mga mortal kung kaya't ang iba sa kanila ay natatakot dahil sa ideya na puwede silang madiskubre ng mga mortal at maging kaaway na nito.
Hindi sila kagaya ng bampira na susuungin ang kahit anumang klase ng problema na hindi nag-iisip.
Silang mga werewolves ay ang klase ng nilalang na ginawa ng Diyosa ng Buwan upang maging pala-kaibigan kung kaya't sila ang may warm blood.
Nagbigay ng daan ang lahat sa paparating na tatlong lobo na galing sa pack nang kinikilala ng kanilang kaharian.
"Woah! Totoo nga! Isang babae mula sa mundo ng mga mortal!" mangha na sabi ng gamma ng DarkClaws pack na si Acero.
Tulala namang nakatingin ang delta ng Dark Claws na si Nexxus sa babaeng mortal at para bang hindi pa ito makapaniwala sa nakikita.
"Nanalo ako! Ngayon, nasaan na ang sampung libo ko?" nanunudyong sabi ng Beta na si Dello kay Nexxus na ang tinutukoy ay ang pagkapanalo sa kanilang pustahan na maaaring may makadaan na mortal sa portal nila.
"Pa-beer ka, Dello," nakangising bulong ni Acero na sinusundot ang Beta.
Binatukan na lang ni Dello si Acero at tinadyakan. Mabilis namang gumanti si Acero at nakipagbunuan kay Dello.
Sa mata ng iba ay para na silang nag-aaway pero hindi nila alam, iyong ang way ng kanilang biruan lalo na't mapanakit ang Beta.
Hindi pinansin ni Nexxus ang kaniyang mga kasamahan at dahan-dahang lumakad palapit sa babaeng mortal saka lumuhod sa tabi nito.
Nagkatinginan ang beta at gamma sa isa't isa saka sabay na napakibit-balikat dahil sa inaakto ng delta ng kanilang pack.
"Anong nangyayari? Bakit hindi niyo siya maipasok sa portal?" Nexxus said in his serious face to the king's warriors.
Lumapit ang isa sa mandirigma ng hari na nando'n at sinalubong ang seryosong mata ni Nexxus.
"Sinubukan namin ang lahat ng aming makakaya ngunit pilit binabalik sa mundo natin ang babaeng mortal na 'to tuwing naipapasok na sa portal. Sumuko na kami kung kaya't hinahantay na lang namin ang utos ng Hari Leonard sa oras na makarating siya dito." Ulat ng mandirigma.
Ininspeksyon ni Nexxus ang katawan ng babae. Natigilan ito nang makakita ng hiwa sa kaliwang paa nito. Napabuntong-hiningang tumayo si Nexxus at hinarap ang mandirigma na nakausap.
"Ako na ang bahala sa taong ito."
Samu't saring reaksyon ang bumalatay sa mukha ng mga werewolves na nakarinig sa sinabi ng delta ng Dark Claws pack. Maging si Acero at Dello ay napanganga dahil sa sinabi ng kanilang delta at parehong mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga matapos magpagulong-gulong sa lupa
"What the heck, Nex? Are you out of your mind?" Asik ng binatang beta.
Tinignan lang ni Nexxus si Dello. Not minding the shock and anger that's visible to the face of their beta.
"Patawad pero hindi mo maaaring kunin ang babaeng mortal hanggat walang permiso ng hari," sagot ng mandirigma.
Umiling-iling si Nexxus at nagulat ang lahat ng mag-shift si Nexxus into his dark brown wolf form. Pagkatapos nitong mag-shift ay lumapit ito sa babaeng walang malay at dahan-dahang inaangat ang katawan nito gamit ang kaniyang malaking ulo upang mahiga ito sa kaniyang likod.
Ang mga mandirigma ay sinimulan nang itutok ang kanilang espada sa delta.
"Ano bang ginagawa mo, Nexxus?!" galit na tanong ni Acero.
Nexxus is acting agression. Ready to attack if necessary ngunit tumalikod ito sa kanilang direksyon at nagsimula nang tumakbo ng mabilis.
Nang makalayo na ang delta ng kinikilalang Dark Claws pack, ang siyang pagdating naman ng Hari sa lugar na 'yon.
"Nasaan na ang babaeng mortal?" tanong ng hari at bumaba sa kabayo nito.
Si Dello na ang sumagot. Kailangan niyang maging responsableng beta ng kanilang grupo lalo na ngayong may kasalanan ang kanilang delta.
"Itinakas po siya ng aming delta. Patawad kung nangyari pa ang bagay na 'to. Maging kami ay naguguluhan kung bakit niya ginawa 'yon."
Hindi sumagot ang hari. Tinitigan lang nito ang malawak na damuhan ng kanilang kaharian.
Mga ilang segundo pa ang lumipas bago muling nagsalita ang hari. "Kung gano'n, sa inyo ko na iaatas ang babaeng mortal na 'yon. Hindi basta-bastang makakapasok ang babaeng mortal na 'yon ng walang dahilan," Bumuntong-hininga ang hari bago hinarap si Dello. "At iyon ang gusto kong alamin niyo. Kailangan niyong malaman kung paano nakapasok ang babaeng mortal na 'yon sa mundo natin."
Tumango ang beta bago nagpakawala ng malalim na hininga at tinalikuran ang hari.
Sa mga sandaling iyon, mabilis pa rin ang pagtakbo ni Nexxus kahit na wala namang humahabol sa kaniya. Iisa lang kasi ang nasa isip niya. Kailangan niyang ilayo ang babaeng mortal sa lugar na 'yon.
Ibinaon niya ang kaniyang kuko sa lupa at tumigil sa pagtakbo nang makita ang kanilang alpha na nakaharang sa kaniyang daanan.
"Saan ka pupunta?" tanong ng kanilang alpha na si James.
Napakunot ito ng noo nang makita kung ano ang nakasakay sa likod niya. "Sino 'yang nakasakay sa likod mo, Nexxus?"
Alexis' POV
Gusto kong masuka nang magising ako na parang nagkaka-earthquake. Nahihilo rin ako kaya nakapikit pa rin ako.
Ano bang nangyari? Naitanong ko sa aking sarili habang hinihimas ang hinigaan ko.
Agad na nanlaki ang aking mata nang bumalik sa alaala ko ang lahat.
Bampira at lobo. Naglalaban at parehong malakas.
"Saan ka papunta?"
Agad akong natigilan nang makarinig ng boses. Dahan-dahan akong tumingin sa harap. Nanigas ako nang magtama ang mata namin ng isang estrangherong lalake.
"Sino 'yang nakasakay sa likod mo, Nexxus?"
Teka. Ito bang hinihigaan ko ang kausap niya?
Dahan-dahan akong lumingon at tinitigan ang higaan na kaninang hinihimas ko.
Nanlaki ang mata ko nang makitang mabalahibong likod ng isang napakalaking asong lobo ang hinihigaan ko.
Para akong nabalot ng yelo nang makita nang mabuti ang hinihigaan ko. Isa iyong ulo.
Ulo ng napalaking lobo!
Mabilis akong tumalon at tumakbo ng pagkabilis-bilis dahil sa takot.
"Anong nangyari? Bakit nangyayari 'to? Nasaan ako? At paano ako nakapunta dito?" sunud-sunod kong bulong sa aking sarili habang may pagmamadaling tumatakbo.
Naramdaman ko pa ang hapdi ng sugat ko sa paa dahil naitatapak ko sa mga tuyong dahon na naapakan ko pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Buhay ko na ang nakasalalay dito at hindi ko hahayaang mamatay ako dahil sa mga lobo at bampira.
For goodness sake! Gusto ko pa maging psychologist!
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko habang naaalala ang mga nangyari bago ako makarating dito.
Lumingon ako sa likod ko. Hindi ko sila nakitang nakasunod sa akin kaya medyo binagalan ko na ang takbo ko.
Hinihingal na tumigil ako sa isang puno at sumandal dito. Gosh. Bakit ba nangyayari sa akin 'to?
Pinapakalma ko pa ang mabilis na tumitibok kong puso nang makarinig ako ng alulong. Napamura na lang ako sa kaba bago muling tumakbo.
Habang tumatakbo ay may nakita akong mansion. Mabilis akong tumakbo para makapasok do'n.
Nang makapasok na ako sa loob ay agad kong sinirado ang may kalakihang pinto. Hinihingal na nilibot ko ng tingin ang paligid. Medyo may kalumaan na ang loob ng mansion pero malinis ang paligid saka mukhang bago at may kamahalan ang mga kagamitan.
Baka may mga tao rito. Kailangan kong sabihin sa kanila ang mga nasaksihan ko dahil baka nasundan ako ng mga werewolf na 'yon.
Bahala na ang self-preservation ko. Kailangan kong ma-warning-an ang mga tao rito.
"Tao po! May tao ba rito!" sigaw ko.
Agad akong napatahimik nang mapansin kong nag-dim ang mga ilaw. Gumapang sa buong pagkatao ko ang takot at kaba kaya hindi ko napigilang mapalunok habang nakikiramdam sa paligid.
Agad akong napatili nang may humawak sa magkabilang braso ko mula sa likod ko at ibinalya ako sa pader.
Nanginig ako nang maramdaman kong hinawi ng kung sinumang hudas na inipit ako sa pader ang aking pulang buhok paalis sa aking leeg at pagkatapos ay nilapit ang kaniyang ilong sa aking leeg.
Shit! Baka bahay ng bampira itong pinasok ko. Mamatay na ako!
Nanindig ang balahibo ko habang nararamdaman ang ilong niyang dumidikit sa leeg ko.
"Where do you think you are going, human?" bulong niya sa aking tainga.
Sinubukan kong kumalas at tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa magkabilang braso ko. Impit na napaiyak ako nang mas sinandal niya pa ako sa pader at pinadaan ang kaniyang ilong sa aking pisngi.
"Le-let me go. Please," nagmamakaawa kong sabi.
I felt him smirked. "No, baby. I've planned to keep you in my pack. Welcome to Dark Claws pack. Starting tonight. You will stay here." Hinawakan niya ang panga ko at pilit na pinaharap sa kaniya.
I swallowed hard when the man's face who's talking to the wolf earlier welcomed me. He have this seductive grin on his face that's made my breathing hitched.
"You will stay here beside me, pretty baby so be a good girl and behave," he said in a low baritone voice before biting my right ear in a gentle but sensual way that made my heart stop beating and made me lost my consciousness.