Ilang daang taon na ang lumipas matapos sumiklab ang digmaan na nagpayanig sa mga mundo ng mga asong lobo at bampira. Ang mga asong lobo at bampira na nilikha ng kaisa-isa nilang Diyosa ng Buwan. Pareho silang nilikha at lalabas lang ang kanilang totoong katangian sa paglabas ng buwan. Ngunit kahit iisa lang ang gumawa sa kanila, ang dalawang panig ay hindi magkasundo. Ang mga grupo ng bampira na sakim at uhaw sa dugo ay may katangian ng pagiging mabilis at malakas. Nanalatay sa kanilang dugo ang sumpang ipinarusa sa kanila ng kanilang Diyosa ng pagkakaroon ng malamig na dugo na sumisimbolo sa kanilang walang awang pagpaslang. Samantala, ang mga asong lobo, ay kayang pantayan ang lakas ng mga bampira lalo na kung kitang-kita sa kalangitan ang liwanag ng buwan. Ang mga warm-bl