Chapter 23 Yna's PoV HABANG pinagmamasdan ko si Marcus na nakahiga at nakabenda ang ulo nito patuloy pa rin ako sa pagdarasal na sana maging maayos na ito at maalala na niya ako. Akala ko noon mawawala na siya nang tuluyan sa akin. Halos mabaliw ako nang sabihin sa akin ni Brye na naaksidente sina Jasmine at Marcus. Sa kwento ng mga nakakita sa aksidente paliko-liko raw ang takbo ng kotse na minamaneho ni Marcus hanggang sa makakasalubong nito ang isang truck. Sinabi sa imbestigasiyon na mukhang nag-aaway sina Marcus at Jasmine sa loob ng kotse kaya iyon nangyari. Naikuwento rin ng mga staffs sa hospital na bago umalis sina Marcus at Jasmine ay nagtatalo ang mga ito. Alam kong ako ang dahilan nang pag-aaway nila dahil sa sinabi sa akin ni Marcus at pagtatanggol nito sa akin bago mang