Chapter 24 Yna's PoV HINDI muna ako nagpakita kay Marcus matapos niya akong itulak at muntik na akong bumagsak sa sahig mabuti na lamang at nasalo ako ni Lance. Bigla na lamang siyang nagalit sa akin at pakiramdam ko tuloy ay hindi niya ako gustong makasama. Isang linggo na akong nagmumukmok sa bahay namin. Palagi akong umiiyak at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang kalagayan ko ngayon. Napansin ako ni Mama na nakatanaw sa bintana ng aking kuwarto. Ibinaba nito ang basket ng mga labahan nito. "Fran, okay ka lamang ba anak?" tanong sa akin ni Mama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ito nang mahigpit. "Ma, sorry po...." Humahagulgol na sabi ko. "Buntis po ako... ang tanga-tanga ko." Nagulat si Mama sa sinabi ko at inilayo niya ako. "Si Marcus... s