Chapter 25 Marcus's PoV NAKAHARAP kami ni Yna sa isang simpleng hapagkainan. Hindi ganito ang aking nakasanayan pero ito pala ang buhay ni Yna at ang pamilya nito. Tinitignan ako ni Yna habang sumasandok ako ng adobong paa ng manok. "Bakit?" takang tanong ko rito. "Hindi ka ba kumakain nito?" kunot-noong tanong ko rito bago isubo ang paa ng manok na ngayon ko lamang matitikman. Nakauwang pa rin ang mga labi ni Yna habang nakatingin sa akin. Pinapanood niya akong kumain ng adobong paa ng manok. Hindi ito kumain at pinapanood lamang ako. Hindi kaya pinaglilihian na ako nito. Hindi bale nang maging guwapo ang anak ko tulad ko. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at nagtungo sa bintana. Humalukipkip ako roon habang nakatingin sa paligid at mga sira-sirang bahay. "Sinabi mo na se