Chapter 26 Brye's PoV NANDITO kami ngayon sa bahay ni Marcus, ang taong kinaiinisan ko at sininusumpa ko. Hindi ako nagpunta rito para kay Marcus kun'di para kay Yna. Nasabi sa akin ni Lance na nag-propose na si Marcus kay Yna. Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Yna, ang mapansin at mahalin ng taong mahal na mahal niya. May parte ng puso ko ang nasasaktan habang nakikita itong masaya. Pilit ko man na iwasan ang nararamdaman ko pero sadyang heto ako, nasasaktan kahit hindi naman dapat. Masaya ako kay Yna dahil hindi ko na siya makikitang umiiyak at naghahabol sa isang lalaki. Si Yna lamang ang babaeng nakita niya na gumawa niyon sa isang lalaki. Kahit paulit-ulit na saktan ay nagmamahal pa rin. Noong sinabi ko kay Yna na mahal ko siya, seryoso ako sa bagay na iyon. Pero noong ma