Chapter 2 Lesson

2000 Words
Ashley Alzalde Nakapaghanda na ako ng agahan namin, ay mali agahan niya lang pala dahil ito na ang magiging kalbaryo ng buhay niya. Tingnan natin kung kakayanin ba ng sikmura mo ang inihanda ko sayo Lance. sabi ng isip ko, sakto namang lumabas ito sa sariling kwarto at bihis na bihis na.  "Hindi na ako kakain." sabi nito habang inaayos ang kurbata. "Edi wow!" mapang-uyam kong turan. Agad ko namang binawi ang sinabi ko nang makitang lingunin ako nito na sinabayan pa ng nakamamatay niyang tingin, then I exaggeratedly say, "Ha! Bakit? (sabay kunwari'y umiiyak saka upo sa sahig) kailangan mong kumain (abot ng kamay) pano kapag nalipasan ka ng gutom?" pagdadrama ko. "Tss." Yun lang? Yun lang ang isasagot niya?! Tumayo na ako saka tumakbo para lapitan siya, hindi pwedeng hindi niya to kainin, masasayang ang plano ko, "kailangan mo tong kainin!" disperadang pamimilit ko. Nakita kong nangunot ang noo nito, "at bakit kailangan ko yang kainin?" cold na tanong nito. "Ha?" ang tanging nasagot ko ng marealiz       e kung gaano ako kareckless 'omo?! ba't ba nagiging bobo na ako, ang talino ko naman dati ah,' sigaw ng isip ko. "Why?" pagtatanong nito ulit. "Ah e kasi, kailangan mong kumain, pano kapag nalipasan ka ng gutom? pano kapag may nangyari sayong masama kasi hindi ka nakakain?" pangangatwiran ko. "The last time I checked, you are not my concerned wife." nakangising sabi nito, patay!, baka nahuli na niya ang plano ko. "Last time yun, ngayon concern na ako." pagsisinungaling ko. Pero di na to umimik sa halip ay tinalikuran na ako para umalis, nakaka depress naman to palpak ako, anyway may susunod pa naman kaya niligpit ko na lang yon lahat. ** Stacy Calling... Dinampot ko ang phone ko nang makitang tumatawag si Stacy, isa sa mga kasamahan ko sa modeling. Nakahiligan ko na ang pagsali sa modeling bagay na hindi nila alam pati na rin ni Aliya, ba't ko ba hindi sinasabi? kasi mas gusto kong sinasarili. Pero sa palagay ko ngayon ay kailangan ko ng sabihin kay Lance kasi kapag di ko sinabi di ako makakalabas. ["Ash ba't wala ka kanina?"] panimula agad nito. "May inasikaso kasi ako Stacy." pagrarason ko, di ko naman pwedeng sabihin na kasal na ako. Tumagal ng ilang minuto ang usapan namin bago ko ibinaba ang phone. Nakakabagot, madilim na sa labas ay andito parin ako sa loob ng bahay, para akong preso na naghihintay lang ng dalaw, napatingin ako sa orasan alas-otso trenta na pala, ang tagal naman ni Lance. Nanonood ako ng TV nang biglang dumating si Lance, umakyat to sa kwarto niya at paglabas ay nakabihis pambahay na to. Nakita kong dumiretso to sa kusina, sa palagay ko ay uminom lang to ng tubig, alam kong di na to kakain dahil nagtext siya kanina na sa labas na siya kakain. Maya-maya lang ay nasa sala na to at umupo sa kabilang sofa nakikinood rin ng TV. "Lance..." I lowered my voice, hindi dahil takot ako kundi dahil may kailangan ako. "..." siya. "Ahm ano kasi, may sasabihin ako..." kinakabahan kong sabi. "..." siya. Bumuntong hininga muna ako, "Nagmomodeling kasi ako, kaya may pagkakataon na kailangan kong lumabas kas..." di ko na natapos. Lumingon to sakin, "modeling? Pft! ikaw??? model?, bwahaha pft (habang hawak-hawak ang tiyan)... Sorry, haha seriously? sa payat at pandak mong yan naging model ka pft?! how come?!" grabeng tawa nito. Nakakainis tong taong to nakakainsulto na to ah, pinepersonal niya na ako at saka hindi naman ako pandak ah mas mataas nga lang siya sakin. "Aba! Pas..." I stop myself from blustering so I just clenched my fist. 'Kumalma ka Ash, ikaw ang nangangailangan.' pakikipag-usap ko sa sarili. "Okay, pwede ka namang umalis, hindi kita ikinukulong ang akin lang magpaalam ka, kapag nagustuhan ko papayag ako at kapag hindi, mananatili ka talaga dito, pero tulad ng kasunduan kapag ka pinayagan kita kailangan 6pm sharp nasa loob ng bahay ka na." sabi nito saka tumawa ulit. Sa sobrang inis ko ay binato ko na to ng unan dahilan para matahimik to, padabog akong umakyat sa sariling kwarto saka pabagsak na isinara ang pinto. Pabagsak akong nahiga sa kama "Okay ako na! #badvibes! Bw*s*t ka talagang panget ka!, nakakainis ka! panget ka talaga! Ahrg!" inis kong sabi sa sarili saka isinubsob ang mukha sa unan, sinuntok-suntok ko pa to. Matapos yon ay tumayo ako, "mahanap nga yong voodoo dolls ko." I grinned wickedly. Napalingon ako sa pinto nang may marinig akong nahulog, pero binalewala ko na lang. *baba sa kama* *halungkat sa bag* *halungkat sa drawer* *halungkat here* *halungkat there* *halungkat everywhere* (kamot sa ulo) "hehe, wala pala akong ganun." dun na ako bumalik sa pagkakahiga. ** Howell Lance's POV "Ouch!" I murmured when she throw the pillow on me. I followed her, mataman ko lang siyang pinapakinggan mula sa labas, natatawa ako sa kanya dahil alam kong inis na inis na siya sakin, nagpipigil ako ng tawa habang idinidikit ang tenga sa pinto para marinig siya, "Okay ako na! #badvibes! Bw*s*t ka talagang panget ka!, nakakainis ka! panget ka talaga! Ahrg!" rinig kong sabi nito. Tumahimik saglit bago ko siya narinig nagsalita ulit, "mahanap nga yong voodoo dolls ko." dun na ako pinanlakihan ng mata, naihulog ko pa ang remote control ng TV dahilan para lumikha to ng ingay. 'Sabi ko na nga ba mangkukulam talaga tong babaeng to.' I said at the back of my mind then I ran downstairs. Kinuha ko lahat ng gamit ko, bag ko, ballpen ko, tsinelas ko, sapatos ko, damit ko, kahit na ano na pwede niyang gamitin sakin at inilagay ko sa loob ng kwarto... Di naman sa naniniwala ako, naninigurado lang. Inilock ko na ang pinto saka humiga sa kama. ** Ashley's POV "Lance, sabay ako sayo." pakiusap ko dito. "No." sagot nito. "Ha? Pano ako sasakay e wala akong sasakyan." reklamo ko dito. "Maghanap ka ng masasakyan mo, basta ayoko." sabi nito habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. "Sige na." pamimilit ko. "I said, No! Can't you understand?!" doon na ako tumigil nang magtaas na to ng boses. Pinaharurot na ni Lance ang sasakyan hanggang sa di ko na to matanaw, si Stacy na lamang ang tinawagan ko na agad namang dumating. ** Matapos ang photo shoot ay nagsimula na akong magtanggal ng make-up, sasabay ako ngayon kay Stacy dahil nga wala akong sasakyan. "Ash..." napalingon ako nang tawagin ako ni Stacy. "...sira ang sasakyan ko." malungkot na sabi nito. Pano na to, mapipilitan akong magtaxi. "Pero ok lang naman, sabay na lang tayo kay Drake." nakangiting sabi nito. Si Drake ay isa rin sa mga model at ang may-ari ng pinakakilalang resort sa Pilipinas. "Hi Drake..." nagtitiling sambit ni Stacy saka sumakay agad sa harap, alam kong may gusto si Stacy kay Drake. Tahimik lang akong naupo sa bandang likuran habang masigasig na nagkikwento si Stacy kay Drake ng mga walang kwentang bagay, pamin-minsan lang sumasagot si Drake pero mas madalas siyang tumingin sakin through the rearview mirror. Nauna niyang inihatid si Stacy kasi mas malapit ang bahay nito kumpara sa impyernong inuuwian ko. "Dun parin ba?" tanong nito sakin, alam niya kasi ang dating tinutuluyan ko noong hindi pa ako kasal kay Lance. "Lumipat ka?" tanong nito. "Ah oo." tipid kong sagot. "San bang bago mong address?" tanong ulit nito na agad ko namang tinugon. Tahimik lang akong nakatingin sa labas nang biglang huminto ang sasakyan, "kain muna tayo." pang-aanyaya nito. Napatingin ako sa oras, may one and half hour pa bago mag 6pm, "tara." sabi ko, isa pa'y gutom na rin kasi ako. Nagulat talaga ako, madaldal pala si Drake, sa trabaho kasi ay napakatahimik nito kabaliktaran sa inaasal niya ngayon. Marami tong kinikwento hanggang sa namalayan ko na lang na madilim na, naalala ko ang rules, kailangan ko ng makauwi agad. "Ah Drake pwede mo na ba akong ihatid?" pakiusap ko dito. Agad naman tong tumayo saka nagpunas ng bibig gamit ang table napkin, "sure, bakit? may curfew ka?" pagtatanong nito. "Oo." wala sa isip na sagot ko. "Sino namang nagku-curfew sayo?" napatigil ako sa tanong na yon. "Ah... yong kuya ko." kasinungalingan. "As far as I know, wala kang kuya?" sabi nito. Matagal pa bago ako nakapagsalita, "p-pinsan ko." napakasinungaling ko na talaga. Tumango lang to saka pinaandar ang sasakyan. Huminto sa isang pet shop si Drake saka nagpaalam na saglit lang siya. Mga ilang minuto rin akong naghintay, maya-maya lang ay lumabas na to na may dala-dalang tatlong supot at isang cute na puppy na sa tingin ko ay isang Yorkshire Terrier, ang puti-puti ng balahibo nito... Hangang-hanga talaga ako sa asong dala niya. "Take this." nakakabingi ang sinabi niya. "H-ha?" ako. "This is for you." nakangiting sabi nito saka ipinatong ang aso sa lap ko. "S-sure?" di makapaniwalang tanong ko. "Yeah, pagkain niya rin to.." sabi niya habang ipinapakita sakin ang tatlong supot na dala-dala niya. "This is too much Drake." sabi ko habang tinitingnan ang aso. "Don't mind it." tanging sabi nito saka pinaharurot na ang sasakyan. Nakarating ako sa bahay eksatong alas-sais, inihinto niya lang ako sa harap ng gate. Bumaba pa si Drake para pagbuksan ako at para bit-bitin ang pagkain ng aso. "You're late!" nagulat ako nang marinig ang boses na yon, ang aga niya naman ata. "I guess you're Ashley's cousin? I'm Drake." nakangiting sabi ni Drake habang inilalahad ang kamay. Nakita ko kung papano kumunot ang noo ni Lance, "I am not referring to you." matigas na sabi ni Lance kay Drake, alam kong napahiya si Drake dahil binawi nito ang pagkakalahad ng kamay. "Pare baka iniisip mong may namamagitan samin ng pinsan mo, well nagkakamal..." Lance cut him off. "I know, and nothing will be." matigas na pagkakasabi ni Lance. "Get in!" hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya. "Ako ba ang sinasabihan mo?" pagtatanong ko habang tinuturo ang sarili. Nakita ko kung papano niya ako tinitigan, "ako nga." sabi ko na lang saka nagpaalam kay Drake. Narinig ko ang papaalis na sasakyan ni Drake. "Sino yon?" rinig kong tanong ni Lance, hindi ko malaman kung ano ang pinapahiwatig ng tono nito. "Kasama ko sa trabaho." sabi ko dito sabay harap, nakita kong napadako ang tingin niya sa asong karga-karga ko. "Bigay niya?" tanong nito. "Oo, diba ang cute." nakangiting sabi ko. "Pangit! kasing pangit nung nagbigay sa kanya." mapanlait na sabi nito. Di ko na to pinansin. "One week kang maglilinis ng bahay." biglaang sabi nito. "Ano?! Ang kapal mo! Ayoko!" I crossed my arm as a sign of disapproval. "Late kang umuwi kaya parurusahan ka." sabi nito. "Baliw ka ba? Alas sais ako dumating, tumingin ako sa relo ko Lance, nakarating ako saktong alas-sais." pagpapaliwanag ko. "Ang usapan, eksaktong alas-sais nasa loob ka na ng bahay, nakapasok ka sa loob ng bahay 6:02 now tell me... Natupad mo ba?" matigas na turan nito. "Two minutes?! Di mo ba pwedeng i-consider?!" di makapaniwalang sabi ko. "Ngayon mamili ka, maglilinis ka o maglilinis ka?" ha? Ano bang sinasabi nito. "Tanga ka talaga! pareho lang yong sinabi mo! Pano ako pipili?" singhal ko dito, nabitawan ko ang aso kasi tumalon to. "I know, kaya nga mamili ka sa dalawa... Maglilinis ka o maglilinis ka?" nakangising turan nito. "Ikaw na talaga ang pinaka engot na panget na nakilala ko sa tanang buhay ko!" bulyaw ko dito. Nakita kong niluwagan nito ang bandang leeg, "mamimili ka na ba o hahalikan kita?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Isa..." nagsisimula na tong magbilang, napaatras ako ng lumapit to "Wala nga akong mapagpipilian!" bulyaw ko parin, humakbang pa to palapit, umatras ako pero ramdam ko na ang paglapat ng likuran ko sa pader. "dalawa..." mas nagiging malapit na to, itinukod niya ang isa niyang kamay sa pader dahilan para makulong ako, iniiwas ko ang mukha ko para hindi kami magkaharap. Umiling ako, alam kong sinasadya niyang pareho ang pagpipilian ko, ayokong maglinis no! Mahigpit niyang hinawakan ang pisngi ko saka sapilitang iniharap sa kanya dahilan para mapatitig ako sa mga singkit nitong mata, "mamili ka na, seryoso akong halikan ka." hindi ko alam pero parang may bultaheng dumaloy sa katawan ko nang marinig yon, amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. "Tatlo..." sabi nito. "Ayoko nga!" singhal ko saka sinipa ang 'kanya'. "F**k!" rinig kong pagmumura niya, dali-dali akong kumawala mula sa pagkakayakap, pero sadyang maagap siya nahawakan niya agad ang kamay ko saka buong lakas na hinila, napasubsob ako sa dibdib nito at naramdaman ko ang pagbagsak namin sa sahig, kitang-kita ko rin ang pamumula ng mukha nito dahil sa sobrang galit. Nagpambuno kaming dalawa, hanggang sa pumaibabaw siya, nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya, "you're such a pain in the head, Ashley. You must learn your lesson!" nanggigigil na sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero siniil niya na ako ng halik, halik na nagpatigil sa mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD