Ashley Alzalde
"Stand up, Stupid!" ibinuka ko ang isang mata nang marinig sigaw ni Lance.
"Don't tell me you want more?" nakangising turan nito habang nakatingin sa akin, kanina pa pala 'to nakatayo habang ako ay nakahiga pa rin, agad-agad akong tumayo saka dinampot ang aso.
Naiinis na ako sa mga pinaggagawa nito, "Naparusahan mo na ako, kaya di na ako maglilinis!" singhal ko dito but he just answered me with a smirk. Tinalikuran ko na 'to saka dinampot ang sariling bag para pumusok na sa sariling kwarto.
Napatigil ako nang magsalita 'to, "sa susunod 'di lang 'yan ang aabutin mo." pambabanta nito na hindi ko na pinansin, tinalikuran ko na lamang 'to.
Greg's POV
"May ipapagawa ako." lumapit sa akin si Leo, isang private detective, isang kaibigan at naging kaklase ko rin noong nasa highschool pa ako.
"Hindi 'yan libre." pagbibiro nito.
Bahagya akong tumawa saka siya sinagot "kaya nga ikaw ang tinawag ko." pabirong sagot ko.
Ngumiti lang 'to bago nagsalita, "ano ba yan?" tanong nito saka umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng mesa ko.
Inilapag ko ang isang envelope saka niya binuksan at kitang-kita ko kung papano kumunot ang noo nito, "Si Alona Alzalde to 'di ba?" tanong nito habang salubong ang mga kilay.
"Noon, ngayon hindi na. She changed her name in to Ashley Alzalde." sabi ko.
"Pare, high school pa tayo nito ah, akala ko ba nakamove-on ka na?" tumatawang tanong nito.
"Move on? Hindi ko yan nagawa at hinding-hindi ko magagawa." seryosong sagot ko.
Tumango lang ito kaya nagsalita ulit ako, "gusto kong alamin mo lahat ng tungkol sa kanya. Lahat-lahat." pag-uutos ko.
"Okay, I'll do my best. I'll get back to you soon," Tumayo na ito saka nagpaalam na aalis na. Napahilot ako sa sintido, pilit na pinipiga ang isip kung saang lupalop ko mahahanap si Alona. Kalkip no'n ay ang pagbuhos ng nagdaang ala-ala.
"Greg!" awtomatikong napalingon ako sa babaeng tumatawag sa akin. Sinalubong aggd ako nito ng malawak niyang mga ngiti kaya nginitian ko rin ito.
"Ang tagal mo naman!" pagbibiro ko sabay agaw ng dala niyang bag.
"Sorry, may inutos pa kasi si ma'am," nakangusong sagot nito "galit ka ba?" dugtong nito, napaka-cute niyang tingnan kaya hindi ko na napigil ang sarili at nakurot ko ang pisngi nito.
"Aray naman!" pagrereklamo nito. Saka gumanti at kinurot din ako.
Tahimik kaming nahiga sa damuhan, "Greg?" pagbasag nito sa katahimikan.
"Hmm?" ang tanging nasagot ko.
"Talaga bang hindi mo ko iiwan?" pagtatanong nito.
Ngumiti ako saka nilingon siya, "Oo naman." sagot ko.
"Promise?" parang ayaw pa nitong maniwala.
"Promise," I confirmed.
Kasalanan ko. Nangako ako. pangakong hindi ko natupad dahil umalis ako, iniwan ko siya at ipinagpalit sa mga pangarap ko, mga pangarap na natupad ko man ay kulang pa rin at kahit na ano pang idagdag ay di pa rin sapat, dahil wala siya at siya lamang ang pupuno sa lahat ng kulang na ngayo'y pinagdurusahan ko.
"Alona." ang tanging nasabi ko saka humagolgol ng iyak.
Ashley's POV
"Miss sa'n ba dito ang lipstick niyo na scented, flavored caramel?" nakangiting tanong ko.Binigyan niya ako ng isa saka napangiti nang makita ang ibinigay niya.
Bigla kong naalala ang pag-uusap namin ni Lance kanina.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Lance na nagkakape sa may pool area, nilapitan ko 'to at tinanong, "Lance anong flavor ang ayaw mo?" nakita kong kumunot ang noo nito, halatang nagtataka sa tanong ko. Mababakas din ang pagdududa sa mga tingin nito.
"Don't get me wrong, kasi 'di ba ako na naghahanda ng makakain mo? Pano pala kapag naihanda ko ang maling pagkain. Pano kung ayaw mo 'yong flavor na inihanda ko, edi masasayang lang." mabilis kong paliwanag. Sana bumenta.
"Bakit napaka-defensive mo?" nanliliit ang mga matang tanong nito.
"Nagpapaliwanag lang." sagot ko. "Sige na, sagutin mo na!"pamimilit ko.
"Caramel. I hate caramel, para akong masusuka sa amoy at lasa." sabi nito. Ngumiti lang ako saka umatras, atras lang ako ng atras nakita kong nag-iba ang mukha nito hanggang sa tumayo 'to at nanlaki ang mga matang tinitigan ako, napakunot-noo ako dahil sa reaksyon niya pero di na ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin siya dahil nahulog na ako sa pool, ramdam ko ang malamig na tubig. Pero ang mas ikinabahala ko ay hindi ako marunong lumangoy.
"Lance!" paghingi ko ng tulong.
Pilit kong inaahon ang sarili, "Lanrfklfce hindi ako marunjshlfgtr lumangoy." pinipilit kong magsalita kapag nakakaahon ako, pero lumulubog lang ako.
Hindi siya kumikilos, hinahayaan niya lang ako, "your not going to drown, Stupid!" sabi nito saka tinalikuran ako.
"Lanceeeeeee!" sigaw ko. Pero parang wala siyang narinig, natahimik lang ako nang makaapak ako ng matigas na bagay, doon ko lang nalaman na mababaw lang pala. Humarap ito sa akin at tinitigan ako, titig na para bang nagsasabing 'ENGOT' ako. Tumayo ako at narealize kong, hanggang bewang ko lang pala ang tubig.
"Oops sarey." at umahon ako na para bang walang nangyari. Tama na sana ang isang kahihiyan pero sa sobrang katangahan ay nadagdagan. Nadulas ako at aaminin kong masama talaga ang bagsak ko, tumingin ako sa kanya at kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang mapang-uyam nitong mga mata.
"What!" tinaasan ko 'to ng kilay na sinagot niya lang ng ngisi. Ba't di ko ba naisip na mababaw do'n banda at sa kabilang banda pa ang malalim.
Natigil lamang ako sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ng sales lady, "Miss, kukunin niyo ba?" pagtatanong nito, halatang naiinip na.
"Oo." nakangiti kong sagot.
Greg Adamson Santillan
Nakauwi na ako ng bahay nang dumating si Leo, pinatuloy ko 'to sa loob at ibinigay nito ang mga inpormasyong kailangan ko.
"Ashley Alzalde-Monteverde." panimula nito, panimulang ikinagulat ko. Parang guguho ang mundo ko.
"M-monteverde?" pag-uulit ko.
"Yes, Monteverde. Kasal siya kay Howell Lance Monteverde, grandson of Don Alberto Monteverde." tumigil to saglit.
"That man?!" bulalas ko. Bahagya pa akong pumiyok nang sabihin yon, "h-how come?!" di ako makapaniwala, imposible.
"They tie the knot two weeks ago." sabi nito.
"Kasinungalingan!" bintang ko.
"I'm sorry pare, but that's the truth." malungkot ang boses nito.
"No, that can't be. W-wala ngang balita, d-dapat sana'y alam ko na." ayokong paniwalaan ang mga sinasabi niya.
"Of course, you didn't and nobody else except the closest relatives of the Monteverdes. It's an unwanted marriage Greg." doon ako napatigil.
"Unwanted?" pag-uulit ko.
"Yeah, unwanted. Nagpakasal sila dahil sa kagustuhan ng Don, kaya nga palihim 'di ba? Dahil ayaw ni Lance sa kanya." sagot nito.
"P-pero bakit?" pagtatanong ko. Marami akong tinatanong pero hindi na magkamayaw ang puso ko, I feel so hopeless.
"I don't know what's the reason behind but let's take the possibilities. Pwedeng dahil sa mana?" sabi nito.
"Pero bakit si Ashley? M-maram-marami namang iba diyan." napatayo na ako sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, hindi ko maintindihan.
"Pare, marami ngang iba pero hindi sila katulad niya." ang sagot nito.
"No!" napasigaw na ako saka buong lakas na sinuntok ang pader.
"Don't lose hope. They dont love each other, mauuwi rin yan sa hiwalayan." napatigil ako sa sinabi niya.
"Sa tingin mo? Pwede kaya?" naiiyak na ako. Nasasaktan ako. Bakit ang baabeng mahal ko pa?
Nakita kong ngumisi 'to, "kung ang matatag na relasyon nga ay nasisira paano pa kaya ang mahina." sagot nito bago tumayo, bahagya pa nitong tinapik ang likuran ko bago tuluyang umalis.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, alam kong di pa siya nakakalabas. Nagsalita ito, "ikaw ang nauna, ikaw ang minahal niya, kung ako sayo kukunin ko siya," aniya bago nito isinara ang pinto.
Pabagsak akong naupo sa sofa, mariin akong napapikit, unti-unting dumaloy ang mga luha mula sa aking mga mata hanggang sa di ko na kayang pigilan pa, napasuklay ako sa sariling buhok saka tumayo at kumuha ng inumin.
Dinampot ko ang envelope na iniwan ni Leo, binuksan ko 'to at mula dun ay nakakuha ako ng mga iilang litrato ni Alona, sa lahat ng litrato niya ay may isang litratong nakakuha ng atensyon ko, ang litrato niyang nasa isang mall at may hawak-hawak na lipstick habang nakangiti, napakalinaw ng kuha, marami nang nagbago sa kanya, base sa mukha nito ay wala na ang dating matatakutin na Alona. Hindi ko na maaninag ang dating siya, siya na laging nakadepende sa akin. Ibang-iba na, kung titingnan ko ang mukha niya, masyado na siyang palaban. Malungkot akong napangiti, "naabot ko nga ang pangarap ko nawala ka naman sa akin, mahal ko."
Nalaman ko rin na isa siyang modelo, at least alam ko na ang mga gagawin ko.
Ashley Alzalde
Nag-apply muna ako ng lipstick bago lumabas, tapos na ang trabaho kaya kailangan ko ng umuwi. At syempre, dahil makikita ko nanaman si Lance, dapat doble ingat.
"Hey Ash." napalingon ako sa pinagmumulan ng tinig.
"Drake?" sabi ko nang makitang ibinaba nito ang bintana ng kotse.
"Sabay ka na? Hatid kita." alok nito.
"Hindi na.May dadaanan pa kasi ako." pagsisinungaling ko. Ang totoo ayokong sumabay sa kanya dahil baka matagalan nanaman ako, pagnagkataon, patay nanaman ako kay Lance.
"Saan ba? Idadaan na lang din kita." pangungulit nito. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakabuntot pa rin siya sa akin.
Tumigil ako saka hinarap siya, "huwag na lang muna, next time na lang, please," pakiusap ko.
Nakita kong kumunot ang noo niya pero ngumiti naman, "are you sure?" ang tanging nasabi nito.
"Yeah." ang tanging sagot ko. Nakahinga lang ako nang umalis na si Drake, malapit lang naman ang kabilang kanto. Doon an lang ako sasakay. Napatingin ako sa relo, malapit ng mag alas-sais. Napahawak ako sa labi nang maalala ang ginawa sa akin ni Lance kahapon.
'Bakit hanggang ngayo'y ramdam ko pa rin, bakit ganito ang epekto mo sa akin Lan...'
"Ahhh!" napasigaw ako dahilan para matigil ako sa pag-iisip, abot-abot ang kaba ko nang may humintong itim na kotse sa harapan ko, iniharang nito ang kotse sa daraanan ko kaya naisipan kong bumalik na lang, parang nagsisi tuloy ako sa di ko pagpayag sa alok ni Drake kanina.
Tumalikod na ako at akmang aalis ngunit napatigil ako nang tawagin nito ang pangalan ko. I mean, ang lumang pangalan ko...
"Alona!" bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig 'yon, parang kilala ko na kung sino ang tumatawag sa akin at ayoko ang ideyang 'yon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at binalewala ito, pero laking gulat ko nang may humawak sa braso ko at pilit akong inihaharap sa kanya...
Iniwas ko ang tingin ko mula sa mga mata nito. "No! Look at me Alona, look at me, please." sabi nito.
"Stop calling me that name Greg!" matigas kong sabi.
"Why should I? Kung ang pangalang 'yan ang laging tumatakbo sa utak ko araw-araw." hindi ko maintindihan ang mga pinapahiwatig ng mga titig nito.
"Please, let go of me." pilit kong tinatabig ang kamay niya.
"I will never do that." he firmly said.
"Greg ano ba, nasasaktan na ako." pagrereklamo ko.
"Please, mag-usap tayo. Give me a chance to clean those mess Alona." malungkot ang boses nito.
"I said stop calling me that name!" singhal ko.
"Bakit? Ikaw pa rin naman 'yan ah." bahagya pang nabasag ang boses nito nang sabihin 'yon.
"Kasama ng pagpapalit ko ng pangalan ang siyang paglimot ko sa mga alaala mo at kasama ng paglimot ko sa mga alaalang 'yon ay ang pagtutol kong makapasok ka pa ulit sa buhay ko dahil kapag pinapasok kita ulit, nangangahulugan lang na tanga ako at nagpapaalala sa akin kung gaano ako kawalang kwenta sayo." nagpipigil lang ako ng iyak dahil naaalala ko nanaman kung papano ako nagmakaawa noon para lang hindi niya maiwan.
"Ashley please." he pleaded calling my name, mamulamula na ang mga mata nito.
Itinulak ko iito pero niyakap niya ako, pilit niya akong inihaharap saka nito marahas na hinablot ang mukha ko para halikan, nagpumiglas ako pero malakas siya.
Napapikit na lamang ako sa sobrang takot, hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to. Nabigla ako nang lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin.
Nagmulat ako ng mata at tumambad sakin ang nakahilatang si Greg, nagulat ako dahil duguan na ang labi nito, napatingin ako sa may gawa at kitang-kita ko si Lance na nagpupuyos sa galit.
Bakas ang galit sa mga mata nito nang damputin si Greg, hinawakan niya to sa kwelyo saka pinatayo. Inis na pinunasan ni Greg ang duguang labi. Nakita ko kung papano ngumisi si Greg na tila ba hinahamon nito si Lance, "what now?" mapang-uyam na tanong nito.
"The next time you'll do that, make sure you have enough money to fix your broken face or shall we say, you should make sure you've fully paid your life insurance so that they can bury you when they found you dead, idiot." sabi ni Lance bago nagpakawala ulit ng malakas na suntok.
"Get in the car!" utos ni Lance sa akin habang itinuturo ang sasakyan niya, agad ko naman itong sinunod.
Agad akong umayos ng upo nang makita kong pabalik na si Lance sa sasakyan. Ramdam ko ang galit nito nang sumampa siya ng kotse at pabagsak na isinara ang pinto. Matulin ang takbo ng sasakyan ni Lance kaya nakauwi kaagad kami, 'yon nga lang halos maiwan ang kaluluwa ko.
Napatingin ako sa relo, 'patay 6:39 na' I murmured.
Agad akong bumaba at pumasok ng bahay, "where do you think you're going?" napatigil ako saka napakagad ng labi.
"Sa kwarto Lance," sagot ko.
He steped forward, "kaya ba mas pipiliin mong labagin ang batas ko dahil sa kanya?" bakit napakagwapo niyang tingnan, kahit napakasuplado ng mukha nito.
"Anong siya--" He cut me off.
"Anong ibig kong sabihin?" pagdurugtong nito.
"sinuway mo ang batas ko para lang makipaglandian sa lalaking yon!" alam kong galit siya. Niluwagan nito ang kurbata, "o baka naman gusto mo ang mga parusa ko kaya sinusuway mo." nakangising sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang hablutin niya ang bewang ko sabay kabig ng batok ko then he kissed me, "f*ck! What was that? Uh, caramel! Sh*t!" gusto kong matawa sa naging reaksyon nito. Tila ba maduduwal ito. Well bagay lang naman 'yan sa kanya, at least hindi niya na ako mahahalikan, ang sarap tumawa.
"Kaya ba tinanong mo ko kanina kung anong flavor ang ayaw ko?!" nakakatakot ang mga titig nito.
Napalagok na lang ako saka nanatiling tahimik, akala ko'y tapos na ang kalbaryo ko pero hindi pa pala, "why Ashley? Do you really think that lips was the only thing I could kiss?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Hindi mo ba alam na pwedeng kitang halikan dito?" sabi nito saka hinaplos ang leeg ko, "O dito?" habang pinaparaan ang daliri sa dibdib ko, "O di kaya'y dito," saka hinaplos ang tiyan ko, "O pwede namang dito," napaigtad ako nang dumapo ang mga kamay nito sa hita ko.
"No!" pagtutol ko saka siya itinulak. Pero hinila niya ako ulit dahilan upang mapadikit ang katawan ko sa kanya, napatitig ako sa mga singkit nitong mata na ngayo'y namumula.
Masyado ng magkalapit ang mga katawan namin, napaigtad ako nang hawakan niya ang labi ko at binura ang lipstick mula dito, "so, never use this kind of lipstick again, I'm warning you!" puno ng pagbabanta niya'ng turan bago ako siniil ng halik at hindi ko alam kung ano bang nagtulak sa akin para gumanti sa mga halik na yon.