NGINGITI ba siya sa mga taong kaharap o dapat seryoso lang at maghintay kung ano ang itatanong sa kaniya? “Bakit seryoso ka wala naman tayo sa trabaho?” Nakangiting tanong ng chairman sa kaniya. Hindi siya nagsasalita at pinaglalaruan lang ang sariling mga kamay. “Ms. Hannah, nahihiya ka ba sa aming lahat?” Tanong ni Micah sa dalaga. “Ahm… o-opo senyora.” Saka umayos ng upo at tumingin sa mukha nito. “Iniisip mo ba dahil empleyado ka ng aking anak kaya naiilang ka sa amin?” “Totoo po senyora, ahm… hindi ko nga po alam bakit dinala ako dito ni Chairman.” “Torpe yata ang anak ko kaya hindi makapag sabi sayo…” “Mom! Ano ba ang sinasabi mo baka mamaya iyon nga ang isipin ni Ms. Hannah Reese?” “Kuya NK, iba yata ang sinasabi mo ngayon? Samantalang nang tumawag ka sa akin sabi mo baka n