“BABY, try mo itong specialty nila,”saka sinubuan ang dalaga. Ngunit nag-aatubili na tanggapin iyon. At alam na niya kung bakit dahil iyon sa mga naririnig sa paligid. May mga empleyado din na kumakain doon kaya naman nauunawaan niya kung bakit ayaw nitong tanggapin. At wala naman paki si NK, kahit sino pa ang nakatingin sa kanila. “Baby, say ah!” Nilakasan pa talaga niya saka nilapit sa bibig nito ang kutsara na may lamang pagkain. At hindi napigilan ay natawa na lang siya sa dalaga nang makitang inagaw sa kamay niya ang kutsara at sinubo sa sarili. Kaya ang ginawa niya ay ninakawan ito ng halik. “Chairman, bakit ka po nang hahalik mamaya may biglang manampal sa akin dito eh.” Nilakasan din ni Hannah Reese ang boses at halos lahat ng mga nakarinig ay tumingin sa kanila. “Wala naman a