JERICHO’S POV
Dahil madali lang akong kausap, sumama ulit ako sa aking mga kaibigan na nag-group study sa Starbucks. Ayoko sana dahil bukod sa malayo ay mapapagastos pa ako. Medyo may kamahalan kasi ang presyo ng mga inumin sa naturang coffee shop.
Sa pinuntahan naming Starbucks ay mayroong dalawang level at pinili namin sa baba. Inokupa naming lima ang isang mesa doon at muling umakyat ang isang kasama namin upang umorder na kape at cake. Pagdating namin ay kaunti pa lang ang mga tao ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay may ilang grupo na nagsidatingan na rin.
Hindi nagtagal, narinig ko na ang pag-uusap ng mga tao sa kabilang mesa. Nasa networking business pala iyong isang lalaki at ka-meeting niya ang kanyang mga prospects. Todo explain and lalaki tungkol sa products nila at sa potential income. Nakinig lang ako, at hindi ko maiwasang mamangha na p’wede pala ang gano’n. Ilang buwan pa raw siya ay binigyan na siya ng sasakyan.
Nang tumingin ako sa aking mga kasama, pareho kaming napa-wow sa aming narinig.
“Hindi na lang tayo mag-aaral, magpapa-explain na lang tayo,” mungkahi noong isa.
“Nagpunta tayo rito upang mag-study, iyon ang sabi ninyo sa akin,” nagreklamo na ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi na kami makakapag-aral pa.
“Sandali lang to, Par. Kung ayaw mo ay kami na lang,” sabi ng isa pa at tuluyan na nga nila akong iniwan at nagpunta sa kabilang mesa.
Nang marinig ko na may taong pababa sa hagdanan ay kaagad akong nag-angat ng tingin sa pag-akala na ang kasamahan ko na ‘yon. Laking gulat ko nang makita ko ang babae na pababa ng hagdan! Nakatitig lang ako sa kanya ngunit nang bahagyang umangat ang kilay nito ay nagbaba na rin ako ng tingin. Nag-panic ako kung ano ang aking gagawin dahil may pangamba sa aking puso na baka mapahiya na naman ako. Masyado kasing suplada ang babae at lagi na lang niya akong tinaasan ng kilay.
Kung babaguhin ko kaya ang aking istilo sa pakikitungo sa kanya?
Pero bakit pa? May asawa na ang babae at ayokong maging kabit.
Nang muli akong tumingin sa gawi ng babae na umukopa sa katabing mesa ay nagkibit lang ito ng balikat na para bang wala itong pakialam sa akin. Well, wala naman talaga siyang kinalaman sa akin, pero ano ba naman ‘yong mag-hi man lang siya kasi ilang beses na rin kaming nagkita, di ba?
Ilang pulgada lang ang distansya naming dalawa kaya nang tumingin ako sa kanya, hindi ko inasahan na ngingitian niya ako. At ako naman na parang timang tuwing nakikita siya ay gumanti rin ng ngiti sa babae.
Inakala ko na makipag-usap siya sa akin ngunit bigla na lang itong naging abala sa dala niyang cellphone. Kagaya rin pala ang babae sa mga kaklase kong babae na nahumaling sa mga Korean drama.
Tumayo ako at nilapitan siya. “Wala ka bang kasama?” Tinanong ko siya at bahagyang nag-angat ng tingin ang babae. Muli siyang ngumiti sa akin, at dahil sa isang simpleng ngiti, ay halos mabingi na ako lakas ng pagkabog ng aking dibdib. Sobra akong kabado kapag kaharap siya.
“Gago!” Sabi niya na ikinagulat ko ng husto.
Imbes na mawalan ng kump’yansa sa sarili ay mas lalo akong naging determinado na makuha kahit ang kanyang pangalan lang. Ilang gabi na kasi akong hindi makatulog ng maayos dahil siya palagi ang laman ng aking isipan.
Tinamaan na nga yata ako ni Kupido, at sa babae pa na may asawa! Hindi ko na lang inintindi ang sinabi niya kanina at kinapalan ko na ng husto ang aking mukha at umupo sa bakanteng upuan na nakalaan sa kasama nito.
“Ano’ng pangalan mo?” Nagsimula akong magtanong.
“Wala,” inis na sumagot ang babae sa tanong ko. “P’wede ba na bumalik ka na lang sa p’westo mo?”
Malapit na akong mainis sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Pagkatapos niya kasi akong pabalikin sa aking p’westo ay ginamit pa nito ang kanyang nguso upang senyasan ako na umalis na.
Susunod n asana ako sa kanya ngunit biglang inayos ng babae ang kanyang ID sling kaya nakita ko ang kanyang pangalan. “Okay, ang taray mo naman, Kylie,” sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang ID.
“Paminsan-minsan lang,” sagot niya.
Nagkibit na lang ako ng balikat na tumalikod dahil mukhang hindi niya talaga pakikitunguhan ng maayos. Susuko na ba ako? Dapat lang yata kasi wala rin naman akong mapapala sa kanya. May asawa na kasi siya. Ewan ko ba sa pihikan kong puso kung bakit ang babae pa ang una nitong itinibok. Nang makabalik na ako sa aking kinauupuan, saka naman dumating ang kanyang kasama. Iyong babae na lumapit rin kay Kylie noon sa bookstore.
“Bakit frappe?” Tinanong ni Kylie ang babae.
“Hanggang dito ba naman, Kylie? Frappe naman para maiba,” sabi ng babae. “Tinawagan ka ba ni Brent? Nagtext siya sa akin na hindi ka raw makontak.”
Nakita kong umismid si Kylie at nahuli niya akong nakatingin din sa kanya. Sandali kaming nagkatitigan at hindi talaga ako umiwas ng tingin. Siya ang unang nagbaba ng tingin at para akong nanalo sa isang laro ng titigan. Naisip ko na hindi naman pala gano’n katigas ang babae at marunong din itong magpakumbaba.
“Bahala siya,” sinagot ni Kylie ang kasama nito sa mahinang boses ngunit narinig ko pa rin iyon.
“Hay naku, hiwalayan mo na kasi upang wala ka ng intindihin pa. Kung ako lang ang nasa kalagayan mo ngayon, dila lang ang walang latay ng Brent na ‘yon!” Galit na nagsalita ang babae.
“Shhh, minimize your voice naman, nakakahiya sa ibang tao,” sinaway ni Kylie ang kasama.
“Tayong dalawa lang naman ang narito,” sagot ng babae ngunit tinampal ito ni Kylie.
“Tayong dalawa? Ano’ng akala mo sa mga taong naririto? Multo?”
“Ang ibig kong sabihin, tayong dalawa lang ang magkakakilala dito, kaya huwag mo ng pansinin ang ibang tao,” mungkahi ng babae.
Huminga ako ng malalim at pasimpleng sumulyap sa kabilang mesa. My God! Muli kaming nagkatitigan ni Kylie at ewan ko ba kung bakit kinilig ako sa lagkit ng mga tingin niya sa akin.
“Ano’ng sinabi mo kay Brent? Sinabi mo bang magkasama tayo?”
“Syempre hindi! Sinabi kong kanina ka pa umalis ng opisina. Kapag magduda siya sayo, kabahan ka na,” sabi ng kasama ni Kylie.
“Why?”
“Sus, alam mo na ‘yon! Sige na, kalimutan na muna natin si Brent at mag-enjoy. Oy tingnan mo, may cute pala sa kabilang mesa,” mahinang nagsalita ang babae.
Narinig ko pa rin iyon kaya medyo kinabahan na ako sa aking kinauupuan. Paano kung ang kasama ni Kylie ay katulad din ng babaeng tindera sa bakeshop? Mahina nga itong nagsalita pero itinuro niya naman ako. Nagpanggap na lang akong hindi ko sila narinig at mas lalong hindi ko napansin ang pagturo ng babae sa akin.
“Sorry Par at natagalan kami,” biglang dumating ang mga kaklase ko at naupo na rin sa kani-kanilang mga p’westo kaya hindi na ako nakapag-focus sa babae sa kabilang mesa.
“Okay lang,” sagot ko ngunit biglang nanlaki ang mga mata ng kaklase ko at pasimpleng lumapit sa akin. Napakunot bigla ang aking noo nang bumulong siya.
“Hindi ba at siya ‘yong nakita natin sa bookstore noong isang araw?”
“Ewan ko,” sabi ko sabay kibit ng aking balikat. Kunwari ay wala akong pakialam pero masyado akong affected talaga sa presence ng babae. Parang ginayuma na yata ako!
“Kaya pala hindi ka mapakali,” tinukso niya ako.
“Mag-group study pa ba o uuwi na lang ako?” Tinanong ko sila at bawat isa ay ayaw sumagot. Nabisto ko kasi silang lahat na gusto lang nitong mamasyal at idinahilan lang ang pag-aaral sa coffee shop gayung may library naman sa kanilang campus.
“Wait lang par. Makinig ka muna sa akin,” sabi ng isa.
Naubos ang aking trenta minuto sa pakikinig nila at lahat ay gustong sumali sa networking. Pagdating kasi sa gano’ng business style ay medyo skeptical ako. Nang lumingin ako sa kabilang mesa, tapos na sa pagkakape ang dalawang babae at nakahanda ng umalis. Hindi ako nagpahalata ngunit balak kong kakausapin na talaga si Kylie tungkol sa nararamdaman ko.
“Nood muna tayo ng movie,” hirit ng kasama ni Kylie.
“Hoy, baka nakalimutan mo na may anak akong tao,” sagot ni Kylie at nagulat ako sa aking narinig.
“Oo nga ano, nakalimutan ko na may asawa ka na pala pero ako ay wala pa ring nobyo hanggang ngayon,” umangal ang isang babae.
“Sino ba naman kasi ang dapat mong sisihin? Hindi ba at sarili mo lang? Ikaw kasi, pinakawalan mo pa ang isang ‘yon. Anyway, available pa naman si Mr. Chavez,” sabi ni Kylie.
“No way!” Sagot ng babae.
Bukod sa pagkakaroon ng asawa ay may anak na pala si Kylie. Hindi naman kasi halata sa katawan nito. Nakiramdam ako sa aking sarili kung may nagbago ba sa pagtingin ko sa kanya. Wala yata. Kasi gusto ko pa rin siyang sundan at kakausapin.
“Mauna na ako sa inyo,” paalam ko sa aking mga kaklase nang makaalis na si Kylie at ang kasama nito.
“Others ka na talaga, Par.”
“May gagawin pa kasi ako. Next time na lang ulit,” sabi ko sa kanila.
“Kailan pa eh malapit na ang bakasyon?” Reklamo ng isa pa.
“Kita na lang tayo sa school bukas,” sabi ko at mabilis na tumayo upang sumunod kina Kylie.
“O sige, ingat ka na lang,” sabi ng babae naming kaklase.
“Salamat,” tugon ko at saka iniwan na sila.
Paglabas kon g coffeeshop ay hinanap ko kaagad ang babae ngunit hindi ko na siya mahagilap. Tumuloy kaya ito sa sinehan? Pero nabanggit naman ni Kylie na uuwi na ito sa anak niya, kaya dumiretso na ako sa terminal at nagbakasakali na magko-commute lang ang babae sa kanyang pag-uwi. Doon din naman ang punta ko kaya binilisan ko na ang aking paglalakad.
Hindi na ako nagulat nang sa pagdating ko sa terminal ay nagsiksikan na ang mga pasahero. Rush hour na kasi, pero sa dami ng pasahero, hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Kylie. Napabuntonghininga na lang ako habang nakatayo malapit sa may hagdanan.
Pipila na sana ako nang makita ko ang kasama ni Kylie kanina kaya muli akong nabuhayan ng loob. Pinagana ko ang aking dalawang mata at hindi nagtagal ay nakita ko rin ang babae sa di-kalayuan. Pasimple akong naglakad papunta sa kanya.
Malapit na ako sa kanya nang marinig kong may tumunog na cellphone at ang sunod kong nakita ay may kinuha si Kylie mula sa kanyang bulsa. Ang asawa kaya nito ang tumawag? Habang hinintay ko na magsalita ang babae ay parang piniga ang aking puso sa sakit. Anong laban ko sa asawa niya?
“O bakit? Nasa terminal pa ako,” sabi ni Kylie.
Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko ngunit bigla akong nagselos nang makumpirma ko kung sino ang kausap niya sa cellphone. Nilapitan ko siya at kinilabit ang kanyang balikat. Kaagad namang lumingon ang babae, at kaagad ding kumunot ang noo nito nang makilala ako.
“Uuwi ka na ba talaga?” Tinanong ko siya.
“Bakit?”
“Baka may free time pa po kayo, may questionnaire sana akong ibibigay sayo. Para sa thesis ng kapatid ko,” pagsinungaling ko sa kanya.
“Bigay mo na sa akin,” sabi ko.
“Online po kasi ‘yon, i-message ko na lang po ang link sa messenger mo.”
“Ulol,” sabi ng babae at bigla akong tinalikuran.