JERICHO’S POV
Ilang buwan na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa akin ang una naming pagkikita ni Kylie. Pinilit lang akong dalhin ng aking mga kaklase noon sa bookstore ngunit nang makita ko ang isang magandang dilag ay tila tumigil na ang aking mundo.
“Kilala mo?” Tinanong ako ng isang kaklase na nakapansin sa sobrang pagtitig ko sa babae.
“Sino ang tinutukoy mo?” Patay-malisya akong gumanti ng tanong.
“Iyon o! Single mom yata ‘yon, pansin mo ba?”
Muli akong lumingon sa babae at kumunot ang aking noo dahil hindi ko naman alam kung bakit nasabi ng kaklase ko na isang single mom ang babae. Dahil sa t****k ay nahumaling na ito sa single mom at nagpantasya rin na magkaroon ng nobyang single mom. Pinili kong ignorahin na lang ang aking kaklase kaysa patulan pa ito sa panunukso sa akin.
“Par, papunta siya rito sa atin!” Excited na wika ng aking kasama at kaagad akong nataranta nang makitang papalapit nga ang babae.
“Tayo na, Par,” hinila ko siya upang lumipat na lang kami ng ibang section sa bookstore ngunit hindi nagpatinag ang lalaki at ayaw umalis. “Par, ano ka ba?” Nataranta ako dahil ilang pulgada na lang ang layo ng babae mula sa amin. Muntik na akong mabingi sa lakas ng kabog sa aking dibdib.
“Sorry, Par.” Sabi ng lalaki at nanlaki na lang ang aking mga mat anang itinulak niya ako papunta sa babae. Nang lumingon ako, pinagtawanan lang nila ako.
“Ayyy!”
Tumili ang babae nang tumilapon ang cellphone na hawak nito at nanlisik ang mga matang tumingin sa akin. Nataranta ako at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nang umirap siya sa akin, bahagya akong nagbaba ng tingin dahil napahiya ako sa nangyari.
Yumuko ako at dinampot ang tumilapon niyang cellphone at saka ibinalik sa kanya. “Miss, cellphone n’yo po,” sabi ko ngunit muli lang akong inirapan ng babae. Natakot ako habang hinintay na pagalitan ako ng babae ngunit biglang may dumating at kinausap ang babae. Hinablot nito ang cellphone mula sa akin at imbes na magpasalamat ay tinaasan lang niya ako ng kilay.
Pasimple akong umalis at hinanap ang aking mga kasamahan. Nang makita ko sila sa section ng mga sign pen, sinimangotan ko silang lahat dahil alam kong pinagkaisahan nila ako. “Pinahiya n’yo ako,” sumbat ko sa aking kaibigan.
“Malaki ba ang boobs?” Tanong ng isa at mas lalong kumunot ang aking noo sa kanilang mga pinagsasabi.
“Tigilan n’yo na nga ako,” saway ko sa kanila. Noon pa man ay lagi na lang nila akong tinutukso dahil sa pagiging NGSB ko. Hindi nila kasi maintindihan ang prinsipyo ko na ayokong pumasok sa isang relasyon na walang patutunguhan. Gusto ko iyong seryoso!
“Par, sayang ‘yong opportunity. Alam mo na sana ngayon kung gaano kalambot ang boobs ng isang babae,” dagdag pa ng lalaki.
“Hindi ako interesado,” sagot ko naman. “Mauna na ako sa inyo ha,” sabi ko dahil tuluyan ng nasira ang aking araw dahil sa nangyari. Napahiya ako ng wala sa oras at isa iyong sa pinaka-ayaw ko lalo na kung nasa publiko akong lugar.
“Galit ka ba sa amin, Par?”
“Hindi naman,” matabang kong sagot. Hindi naman ako galit pero nainis lang ako sa ginawa nila kanina. Paano kung magkita kaming muli noong babae at bigla na lang akong sasampalin at may mga taong makakakita? Umiling ako dahil hindi maaaring mangyari iyon. Ilang taong kong iningatan ang aking pangalan at ayokong masira lang ‘yon ng basta-basta!
Malapit na ako sa exit ng bookstore nang maramdaman kong may sumunod sa akin. Pasimple akong lumingon at nang makilala ko ang babaeng sumunod sa akin ay binilisan ko pa lalo ang aking mga hakbang paalis ng bookstore.
Mas lalo ko pang binilisan ang aking lakad palabas ng mall. Imbes na magji-jeep lang sana ako upang makatipid, pumara na ako ng taxi upang makasiguro na hindi niya ako susundan. “Manong, sa may Mambaling po tayo.”
“Okey, bossing!”
Nang tumakbo na ang taxi ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Sobra iyong naramdaman kong kaba kanina. Paulit-ulit akong nagbuga ng hininga upang pakalmahin ang aking sarili. “Manong, daan po tayo sa drive-thru ng Mcdo,” pakiusap ko sa driver dahil sa tingin ko ay kailangan ko na talaga ang diversion upang ma-relaks. Nangako ako sa aking sarili na hindi na kakain ng mga pagkain mula sa fastfood at magseryoso na sa pag-eehersisyo.
Isa lang naman!
Iyon ang sabi ko sa aking sarili upang panindigan ang pag-order ng float at burger sa Mcdo. “”Manong, sayo na ‘to, o!” Ibinigay ko sa kanya ang isang order ng burger at friends. Normally, ay kaya kong ubusin iyon pero bigla akong nakunsensya.
“Ang bait n’yo naman po,” sabi ng driver at ngumiti lang ako.
“Manong, sa kabilang kanto na ako bababa ha, may shortcut naman diyan. Huwag ka ng pumasok sa looban at baka pagtripan ka pa ng mga tambay,” sabi ko sa kanya.
“Salamat, Boss.”
Nang huminto ang taxi ay kaagad kong tiningnan ang metro kung magkano ang kailangan kong bayaran at pagkatapos ay dumukot ako ng one hundred fifty mula sa aking wallet. “Sayo na ang sukli,” sabi ko dahil mahigit sampong-piso ang sobra sa one hundred fifty eh.
Pinapag ko ang aking pantalon nang makababa ako ng taxi at naglakad patungo sa paboritong bakery ng lola ko. Bibili na rin ako ng tinapay para sa bahay. Habang papalapit ako sa bakery ay bahagya akong kinabahan habang sinilip ang mga naka-duty na tindera at nang makita ko ang babaeng walang modo ay kaagad akong napatiimbagang.
“Hello, pogi!” Kaagad itong nagtungo sa harapan upang asikasuhin ang aking order at pinaalis pa nito ang isang tindera.
“Sampong ensaymada, iyong munggo ang laman,” sabi ko sa kanya at kaagad na ibinigay ang aking bayad. Eksato lang ‘yon at wala ng sukli dahil nadala na ako noong una.
“Ang suplado mo naman,” puna nito sa aking pakikitungo sa kanya.
Pinili kong ‘wag na lang siyang sagutin dahil nagngitngit pa rin ang aking kalooban dahil sa ginawa niya sa akin noong huling beses na bumili ako ng tinapay. Nakiusap na ako kay Lola na sa ibang bakeshop na lang kami bibili dahil marami namang bakeshop malapit sa tinitirhan namin. Tumanggi ang lola sa aking pakiusap kaya wala akong magagawa kung hindi ang dumaan sa bakeshop na pinakaayaw ko.
“Heto na ang tinapay mo,” sabi ng babae at inabot niya sa akin ang isang supot na naglalaman ng mga tinamay. “Mag-isa lang ako mamaya sa bahay,” sabi nito at bigla na lang nitong hinawakan ang aking kamay at pinisil-pisil.
Binawa ko iyon at dinilatan siya. “Next time, baka ipa-barangay na ktita!” Binalaan ko siya dahil namihasa na ang babae sa mga kabastusang ginawa nito sa akin.
“Ay bakla!” Turan ng babae at malakas itong tumawa.
Wala akong pakialam kung babansagan nila akong bakla dahil hindi ako pumayag sa mga gusto nilang mangyari. Ang swerte naman yata nila kung papayag akong makipagtalik sa kanila. Napailing na lang ako sa sobrang inis habang naglalakad pauwi sa bahay ng aking tiyahin.
Inakala ko na tapos na ang aking kalbaryo ngunit hindi pa pala, dahil sa isang eskinita malapit sa amin, may ilang kababaihan na tumambay at hinarangan ako. “Ano’ng ginagawa mo?” Tinanong ko siya dahil hindi rin ito unang beses na hinarangan niya ako.
“Type kita,” deklara ng babae.
Tiningna ko lang siya at hindi sumagot. Hindi naman pangit ang babae ngunit masyado itong desperada. “Sorry Miss ha, pero iba kasi ang type ko.” Prinangka ko na siya upang hindi na ito uulit pa.
Habang naglalakad palayo sa kanila ay narinig ko ang tawanan at kantiyawan ng kanyang mga barkada. Sanay na ako doon at alam ko na pinag-uusapan ng mga ito ang pagiging bakla ko. Well, una sa lahat, hindi ako bakla. Mapili lang talaga ako at wala pa akong balak na pumasok sa isang relasyon hangga’t hindi ako sigurado sa isang babae.
“O apo, mabuti at nakauwi ka na. Tumawag ang ina mo kanina dahil hindi ka raw makontak. May emergency session daw bukas sa barangay,” sabi ng aking Lola.
“Sige po, La,” sagot ko at saka ibingay ang binili kong tinapay. “Uuwi ka rin ba? Sasamahan mo ba ako?”
“Hindi na. Babalik ka rin naman kaagad sa linggo dahil may klase kas a lunes,” sabi nito.
“Sabagay po. Maghahanda na muna ako ng mga gamit, La. Meryenda ka muna,” sabi ko sa kanya at nang tumango ito ay dumiretso na ako sa aking silid. Kinuha ko ang backpack mula sa cabinet at kaagad na nag-empake ng ekstrang damit para sa biyahe. May mga damit pa rin naman ako sa bahay namin sa probinsya ngunit mas mabuti na iyong sigurado kapag bibiyahe.
Pagkatapos mag-empake ay nagpahinga ako saglit at saka naligo.
Kinagabihan, sabay-sabay kaming naghapunan. Ako, si Lola, si Auntie at ang pinsan ko. Masaya ang naging kwentuhan namin habang nasa hapag ngunit hindi nagtagal ay ako na naman ang kanilang naging topic.
“May nobya ka na ba?” Tanong ni Lola.
“Wala pa ho,” sagot ko naman.
“Mabuti. Sayang ang pag-aaral mo kung uunahin ang pakikipagnobya,” payo nito.
“Pang-inspirasyon lang ho ang nobya, La.” Biniro ko lang siya ngunit bigla niya akong binatukan.
“Anong inspirasyon? Hindi mo na kailangan ng inspirasyon, Jericho! Aba’y top one ka palagi sa klase mo tapos kailangan mo pa ng inspirasyon?”
“Hay naku, La. Masyado ka lang bumilib sa akin,” sagot ko namna.
“Totoo naman ang sinabi ko, ah!”
“Ma, hayaan mo na si Jericho, malaki na ‘yan,” saway ni Auntie at kaagad na tumigil si Lola at nag-focus na lang sa pagkain.
Pagkatapos ng hapunan ay inutusan nila akong magpahinga ng maagad dahil maaga raw akong aalis kinabukasan. Nagpasalamat ako sa kanila at nauna ng pumanhik sa aking silid. Ang swerte ko talaga sa pamilya ko. Kung suporta lang ang pag-uusapan, sobra-sobra na nga ang naibigay nila.
Bandang alas diyes ng gabi ay tumigil na ako sa paglalaro ng ML at natulog na dahil maaga pa akong aalis. Siyempre, bago natulog ay nagpasalamat muna ako sa Panginoon dahil biniyayaan niya ako ng isang pamilya na sobra kung magmahal.
Sa kanila pa lang ay busog na busog na ako sa pagmamahal kaya naisip ko na kung magnonobya ako, dahil mas higit pa sa pagmamahal ng aking pamilya ang mararamdaman ko mula sa kanya.
No more, no less!
Kinabukasan, maaga akong hinatid ng pinsan ko patungo sa bus terminal. Inakala ko na konti lang ang magiging pasahero kaya nagulat na lang ako dahil sa aking pagdating ay siksikan na sa terminal ng bus.
Sabagay, weekend naman kasi at maraming turista. Nakapila na ako sa bus na sasakyan ko nang mahagilap ng aking paningin ang babaeng nakita sa bookstore, at ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko, at umalis ako mula sa pila at nagtungo sa kabila.
“Wala ka bang kasama?” Tinanong ko ang pasaherong nakatingin sa labas ng bintana ng Ceres. Ilang segundo akong naghintay na sagutin ng babae bago ito nag-angat ng tingin at napanganga nang makita ako. Gusto ko siyang tanungin kung naalala ba niya ako ngunit biglang nagsipasukan ang ibang pasahero at kinailangan na niyang maupo.
“Wala,” sagot nito.
Gusto ko sanang i-brought up ang insidente sa bookstore pero bigla akong tinubuan ng hiya. Pinilit kong ignorahin na lang ang kanyang presensya at sumandal sa aking kinauupuan upang mag-relax habang hinihintay na umalis ang bus.
Napansin ko na laging nakatingin sa labas ang babae. Hindi ba nangangawit ang leeg nito? Gusto ko sana siyang kalabitin pero tumigil sa gitna ng ere ang aking mga kamay nang maalala ko kung gaano kasungit ang babae.
Wala pang trenta minutos simula nang umalis ang bus ngunit napansin ko kaagad na parang inaantok ang babae. Ilang beses nang nabunggo sa bintana ang ulo nito dahil sa pagpipigil na makatulog.
Dinaig ng takot ang aking kagustuhan na kausapin ang babae at libangin upang hindi ito makatulog. Nang sinubukan kong tingnan ang kanyang mukha, kaagad akong umatras dahil nakasimagot na ito kaagad.
“Bwisit!”
Nagulat ako nang biglang nagmura ang babae. Para sa akin ba iyon? Tatanungin ko na sana siya ngunit naunahan niya ako, eh.
“Sorry, nadala lang ako sa lyrics ng kanta,” sabi nito at kaagad na humingi ng paumanhin.
Ngumiti ako sa kanya. Nakakaaliw kasi siya kanina noong nagmura ito. Ewan ko ba kung anong problema ko ngunit lahat na yata ng tungkol sa babae ay sobra akong interesado. Kaagad kong itinikom ang aking bibig nang mapansin kong hindi ito ngumiti at nakatitig lang sa akin.
Ano kaya ang iniisip ng babae at masyado naman itong seryoso sa pagtitig sa akin. Bahagya tuloy akong kinabahan sa naging asal nito kaya ang ginawa ko ay kaagad na umiwas ng tingin.
“Miss, excuse me!”
Nilingon ko ang babaeng nakatingin ulit sa labas at nagulat nalang ako nang bigla nitong itinaas ang kanyang kamay at halos ipaduldulan na ito ng babae sa aking mukha. Anong problema niya? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya?
“May-asawa na po ako,” sabi ng babae.
Nagkatinginan kami ni Manong konduktor dahil pareho naming hindi alam kung saan nanggaling ang pinagsasabi nito. Nagkibit na lang ako ng balikat at hinayaan ang konduktor na gawin ang trabaho nito.
“Ticket n’yo po, Ma’am.”
Nang marinig ng babae ang nagsalitang konduktor ay bigla itong lumingon at inirapan ako. Bakit ako? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. Napailing na lang ako dahil isa siyang halimbawa na mahirap nga intindihin ang mga babae.
Dumukot ito ng pera mula sa kanyang bag at ibinigay ito sa konduktor. Nang makaalis ang konduktor ay bigla akong napalunok ng laway dahil ako na ulit ang hinarap niya. Nagkibit lang ako ng balikat dahil wala naman akong kinalaman sa mga nangyari.
“Sana’y sinabi mo na dumating ‘yong konduktor!”
“Assuming ka kasi,” sinagot ko siya dahil hindi ko gusto ang ipinakita niyang attitude sa akin.
“Ano ba naman ‘yong kalabitin mo lang ako at pagsabihan na dumating ang konduktor?” Nagminaldita pa rin ang babae.
“Hindi mo ako alalay,” sagot ko naman.
“Aba’y napaka-antipatiko mong bata ka!”
“Mas maganda ka pala kung hindi nakangiti,” sabi ko sa kanya pagkatapos niyang ipakita sa aking ang kanyang pangil sa sobrang galit. Kung tutuusin ay wala naman akong kasalanan.
“Hindi ko kailangan ang opinion mo,dzong!” Galit na wika ng babae bago ito muling tumingin sa labas ng bintana.
“Ay sorry na damz,” sinagot ko siya ulit bago ko pinara ang bus upang lumipat sa kabila. Nang mga sandaling pababa ako ng bus ay sobrang laki ng aking pagsisisi kung bakit nagpadala ako sa aking emosyon kanina.