CHAPTER 11

4787 Words
“Kylie!” Bigla akong tumigil sa paglalakad ng marinig ko ang boses ng lalaking tumawag sa akin at napatiimbagang ako. Nang lumingon ako sa kanya, tiningnan ko siya ng masama. “Stalker ka ba?” “Gusto lang naman kitang makausap, eh.” “Hay naku, Brent! Magulo ang utak ko ngayon kaya tantanan mo na ako bago pa kita sipain ng sobrang lakas,” binalaan ko siya. “Okay ka lang ba?” Iningusan ko lang siya nang biglang magbago ang kanyang tono. “Kunwari ay concern ka ngayon? Hindi ko kailangan ang concern mo!” “Pauwi rin kasi ako sa probinsya, sumabay ka na,” inanyayahan niya akong sumakay sa kotse niyang bulok! “May kasama ako,” nagsinungaling ako kay Brent. “Sino?” Kumunot ang noo niya habang nagtatanong. “At kailangan ko talagang sabihin sayo kung sino? It’s none of your business, Brent.” “Kung magsalita ka Kylie, parang wala tayong pinagsamahan,” sabi ng lalaki. Ngumiti ako sa kanya, iyong ngiti na nakakaumay sa tamis. “Kung may pinagsamahan man tayo dati, wala na ‘yon sa akin. Binura ko na sa alala ko!” “Impossible! Hindi ako naniniwalang kinalimutan mo na ako ng tuluyan,” giit ng lalaki. “Eh di wow! Mas may alam ka pa pala sa tunay kong nararamdaman, manghuhula ka na pala ngaynon.” “Tara na, Kylie.”  Bigla akong napalingon sa lalaking sumali sa aming usapan ni Brent. “Jericho,” sabi ko sa kanya at upang hindi mabalewala ang ginawa niyang pagsalba sa akin mula kay Brent, humawak ako sa kanyang braso. “Umalis ka na Brent,” sabi ko sa aking dating asawa. Nagmatigas pa sana ang lalaki ngunit tinalikuran ko na siya at hinila si Jericho papasok sa terminal. “Si Brent ‘yon?” Nagtanong siya at tumango naman ako. “Sa kasamaang palad,” sagot ko naman. “Kaninong sasakyan iyon?” “S’yempre sa akin,” sagot ni Jericho. “Niregaluhan ako ni Auntie dahil sa matataas kong grades,” paliwanag niya dahil alam niyang hindi ako naniwala na ang kanyang ina ang bumili. “Ay sanaol mataas ang grades,” sabi ko naman. “Congrats, Jericho. Kailan ka ba ga-graduate?” “Sa March na,” sagot ng lalaki. “Ah malapit na pala,” sabi ko naman. “Nasaan ang sasakyan mo?” “Halika, sumunod ka sa akin,” sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay. Mabuti na lang at naka-shades ako at naka-sombrero dahil mahirap na kung may makakakilala sa aming dalawa. Ayoko talagang matsismis kaming dalawa eh.  “Ano’ng balak mo?” Tinanong niya ako habang pinaandar ng lalaki ang dala nitong Colorado na kulay orange. “Wala. Titigil din naman ‘yon kapag hindi ko papansinin at isa pa, nilinaw ko naman noon na wala na siyang babalikan.” “Paano kung muling titibok ang puso mo para sa kanya?” Natawa ako sa tanong ni Jericho dahil alam ko sa sarili ko na hindi na mangyayai iyon. “Malabo,” sagot ko. “Paano nga?” Tila ba may bahid ng inis ang boses nito kaya napatingin ako sa kanyang gawi. “Galit ka?” “Hindi ako galit. Naiinis lang ako na malaya siyang lapitan ka anumang oras. Nagselos ako kanina nang makita ko kayong dalawa dahil inakala ko na magkasama kayo.” “Never na mangyayari ang kinatatakutan mo Jericho. Wala na siyang chance dito sa puso ko,” pahayag ko sa kanya. “Paano ka nakakasiguro? Alam mo naman ang puso ng tao, hindi natin mako-control iyon,” sabi ng binata. “Gusto na kasi kita kaya malabo ang sinabi mong muli akong magkakagusto kay Brent. Loyal kasi itong puso ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Tinanong ko siya nang mapansin kong gumalaw ang kanyang mga balikat habang pigil na pigil ang paghalakhak. “Nanibago lang ako sayo, Kylie. Hindi ka naman kasi dating ganyan,” sagot ni Jericho. “Siguro dahil may asawa pa akong tao noon at higit sa lahat, na-realize kong hindi ko na dapat pang pigilan ang sarili ko dahil maikli lang ang buhay so gagawin ko na kung ano ang magpapasaya sa akin.” “Wow, that’s my girl!” “My girl ka diyan,” komento ko sa sinabi niya. “Kaya lang, pagpasensyahan mo na ako kung may mga oras na medyo lutang ako ha. Masyado pa kasing presko sa isipan ko ang nangyaring aksidente at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kung paano kami tumilapon ni Karla at kung paano nadaganan ng gulong si Marian.” “I’m sorry kung naging dahilan pa ako upang maalala mo ‘yon. Gusto mo ba ng chippy?” Nagulat ako sa itinanong niya kasi hindi naman kumakain ng chichirya si Jericho. “Kumakain ka na ngayon ng chichirya?” “Hindi. Kung gusto mo lang naman ay ibibili kita. Alam ko kasi na mahilig ka sa chippy,” sagot ng lalaki na siyang dahilan kung bakit ngumiti ako. Na-appreciate ko ang mga maliliit na bagay na napansin niya sa akin. Pati pagkahilig ko sac hippy ay napansin niya pala. “Chippy lang ang ililibre mo?” “Softdrinks na rin kung gusto mo lang,” sagot nito. “Galante ka ngayon, ah! Nanalo ka ba sa lotto?” “Hindi naman. Na-release na kasi iyong allowance galing school at may allowance rin naman ako galing kay Mama,” paliwanag nito kung bakit may pera pa siya. “Wow, tiba-tiba ka talaga. Tutal marami ka naman palang pera, take out na lang tayo ng chicken,” mungkahi ko sa kanya. “Gusto ko ‘yan,” sagot niya at muli akong napangiti kasi kilala ko naman siya na number one fan ng chicken. Kahit anong style ng pagkaluto basta manok, hindi iyon tatanggihan ng lalaki. Gaya ng napagkasunduan namin, dumaan kami isang kainan na may mga fried chicken for take out. Koreano ang may-ari kaya alam ko na masarap iyon  kasi pagdating naman sa fried chicken, expert sila doon.  “Pero kung bet mo ‘yong lechon na native chicken, p’wede rin na ‘yon na lang ang bibilhin natin,” suhestiyon ko sa kanya kasi ayoko rin namang mag-compromise siya dahil sa akin. “Kahit ano na lang tutal mas masarap ka namang kasama,” wika nito na tila nagbibiro ngunit seryoso naman ang mukha. “Jologs nito,” komento ko sa sinabi niya. “Focus ka na lang sa pagda-drive at baka kung mapaano pa tayo,” paalala ko sa kanya dahil ayokong masangkot sa isa na namang aksidente at baka isa sa amin ang mawala. Huwag naman sana kasi hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala sa akin. “Relaks ka lang diyan, baby. Ako ang bahala sayo. Mabuti pa ay matulog ka muna at gigisingin na lang kita mamaya,” sabi ni Jericho. “Oh talaga? Baka kung saan-saan mo pa ako dadalhin at magugulat na lang ako paggising ko.” “May trust issue ba tayo, girl?” Nakangising nagtanong si Jericho at s’yempre umiling ako. “Eyes on the road, baby.” “Pakiulit,” hiling nito. “Ayoko nga baby,” sabi ko at nahawa na rin ako sa pagngiti niya. “Tulog ka muna,” mungkahi ni Jericho upang hindi ako mapagod sa biyahe at na-appreciate ko ‘yon. “Ayoko,” sagot ko. “Bakit?” “Para may kausap ka at baka mapanis pa ang laway mo,” tugon ko. “Na-touch ako,” pag-amin niya sa akin. Isa sa mga katangian niya na gustong-gusto ko ay iyong pagiging open niya sa akin. Hindi ko na kailangang manghula tungkol sa nararamdaman niya kasi lahat ay kaya niyang sabihin sa akin. Galit man ito o naiinis o di kaya ay masaya, kaya niyang aminin ang lahat sa akin. “Alam mo, napakaswerte naman ng magiging girlfriend mo.” “O di ba? Sinabi ko na noon sa’yo na maswerte ka sa akin,” sagot ng lalaki at napailing na lang ako. “Ang lakas talaga ng tama mo, Jericho.” “Baby,” sabi niya. “Ano?” Tinanong ko siya dahil medyo naguluhan ako.  “Dapat baby na ang itawag mo sa akin at hindi ‘Jericho’.” “May gano’n?” “Yes naman! Basta akin ka lang dapat.” “The more the merrier,” biniro ko siya at bigla na lang nalukot ang pagmumukha nito. “Sad ka sa sinabi ko?” “S’yempre! Ayoko na may kahati,” deklara niya sa akin. “Ayoko rin naman na may kahati at noon ko pa ‘yan sinabi sayo. Teka lang, hindi ka ba galit sa akin?” Tinanong ko siya tungkol sa ilang linggo na pagkawala ko sa radar. “Hmmm to be honest, medyo nalungkot ako noong hindi kita makontak lalo na nang mabalitaan ko ang nangyari. Gusto kitang puntahan noon ngunit sinabi sa akin ni Rejil na hindi ka pa handang makipag-usap sa kahit na sino.” “Salamat ha at hindi ka nagsawang hintayin ako kahit ganito lang tayo,” sabi ko sa kanya. Mas lalo lang tuloy akong na-guilty dahil sa sinabi niya. “Bakit ba ang bait mo?” “Likas na sa akin ang pagiging mabait kaya ‘wag mo na akong pakawalan pa,” sabi niya. “Ang smooth mo talaga. Iba talaga kapag matalino, ano?” “Kaya mo bang makita ako na may kasamang iba?”  Napatiimbagang ako habang inisip ang isang tagpo kung saan ay may kasamang ibang babae si Jericho. “Baka mapatay ko kayong dalawa,” sabi ko, pero hindi ba at iyon naman ang sinabi ko kay Brent noon. Malakas na tumawa si Jericho kaya sinimangotan ko siya. “Hindi mo naman pala kaya eh di sagutin mo na ako,” sabi niya. “Ligawan mo muna ako,” pabiro ko siyang sinagot. “Alam mo Kylie, ang galing mong magtago ng tunay mong nararamdaman. Hindi ko lubos maisip kung paano mo nagawang ngumiti kahit malungkot ka?” “Ha? Hindi naman ako malungkot ngayon,” sagot ko naman pero nagulat talaga ako sa tanong niya. “Ang tigas talaga ng ulo mo. Mahirap ba talagang aminin sa akin na malungkot ka at gusto mong umiyak?” “Ano’ng pinagsasabi mo?” Tinanong ko siya dahil pinanindigan ko talaga na hindi na ako malungkot, na masaya akong kapiling siya, pero bigla ko na lang narinig ang malakas niyng pagbuntonhininga. “May problema ka ba?” “Ikaw ang may problema sa ating dalawa at hindi ako,” sagot niya.  Pinili kong tumahimik na lamang kaysa makipagtalo pa sa kanya. Tama naman kasi si Jericho, pinilit ko lang ang sarili kong ngumiti kahit malungkot ako, kaya nagbaba na lang ako ng tingin bago nagsalita. “Sorry ha at ganito ang mood ko ngayon,” humingi ako ng dispensa. “Okay lang ‘yon, naintindihan ko naman. Nami-miss ko nga ang anak mo kahit saglit lang kaming naging magkaibigan, ikaw pa kaya na kasama mo siya palagi,” sabi ni Jericho. “Huwag na lang nating pag-usapan ang nangyari. Gusto kong mag-unwind na muna upang makapag-isip ng mabuti kung ano ang susunod kong gagawin. Magulo pa kasi ang utak ko dahil sa nangyari,” paliwanag ko naman. “Magulo talaga ang utak mo kasi muling umeksena si Brent na dating mahal na mahal mo,” tugon ni Jericho. “Kahit ilang beses pa siyang umeksena sa buhay ko, hindi pa rin niya mababago ang pasya kong kalimutan siya habangbuhay,” sagot ko. “Kaya mo?” “Hindi naman mahirap lalo na kapag naiisip ko kung paano ako nagparaya noon mapasaya lang siya.” “Sigurado ako na nagsisisi na siya dahil sinayang ka niya. Kung ako kasi ang nasa kalagayan niya ha, hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba,” wika ng binata. “Mapapa-sana all na lang talaga ako sayo, baby. Huwag mo namang itodo ang ka-sweetan mo at baka masasanay ako at hahanap-hanapin pa kita,” pagkuwa’y sabi ko ngunit biglang itinabi ni Jericho ang sasakyan. “Bakit?” “Hindi naman ako mawawala Kylie, pangako ‘yan.” Ngumiti ako sa kanya kasi ang sarap pakinggan ng sinabi niya ngunit nangako rin naman si Brent dati na hindi niya raw ako iiwan kahit bayaran pa siya ng ilang milyon. Gusto kong maniwala sa sinabi ni Jericho ngunit mayroong pag-alinlangan sa puso ko. “Sana nga, baby. Tara na at baka maabutan gagabihin pa tayo sa istilo mong ‘yan.” Natawa si Jericho sa sinabi ko pero saglit lang. Pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at pinisil. “Nahihibang na nga yata ako sayo, Kylie. Alam kong hindi ka perpekto ngunit para sa akin ay sapat ka na talaga.” “Sana all, baby.” “Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko? Kung may ipagmamalaki na sana ako ngayon, pakakasalan kita kaagad, eh.” “Tumigil ka na nga at maniwala pa ako sayo. Tara na,” utos ko sa kanya. Muling pinaandar ni Jericho ang kanyang dalang sasakyan ngunit hindi na niya binitiwan pa ang aking kamay. Sinubukan kong bawiin iyon mula sa kanya dahil nagmamaneho pa siya pero kaya lang naman daw niyang magmaneho ng isang kamay. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin pero tunay ang pag-ibig ko sayo. Maaaring ikaw pa lamang ang unang babaeng nagpapatibok nitong pihikan kong puso ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ito basta-basta magbabago. Handa akong maghintay hanggang sa kaya mo ng mag-commit sa akin,” madamdamin niyang wika. “Ang daldal mo talaga, ano?” Hindi naman sa nagreklamo ako dahil sanay na akong madaldal siya. Nature na sa kanya ang pagiging madaldal pero may sense naman ang bawat linyang lumabas mula sa bibig nito. Kahit ilang oras kaming nasa biyahe, hindi ko ramdam iyon dahil sa kadaldalan niya. Ang taba ng utak, eh! Maraming laman at kung anu-ano na lang ang mga napag-usapan namin mula sa mga happenings noong bata pa sila ni EJ hanggang sa tumuntong na siya ng college at kung paano siya naging ignorante noong unang araw niya sa city. Walang dull moments, kumbaga. At sa loob lang ng ilang oras ay parang kilalang-kilala ko na siya! Nasi-sense ko naman na walang halong kasinungalingan ang sinabi niya. Pawang katotohanan lang at na-appreciate koi yon…kaya lang, gano’n din naman magsalita si Brent noon.  “Teka, saan tayo pupunta?” Tinanong ko siya dahil iba ang dinaanan namin. “Inutusan kasi ako ni Auntie na dumaan sa bahay niya. May ipinabili siya sa akin,” sagot ng lalaki. “Iyong auntie mong nasa Canada? Hindi ba at nasa bundok ang bahay no’n?”  “Sa kasamaang palad,” sagot ng lalaki. Wala akong nagawa dahil lumiko na siya eh! “Alam mo bang hindi ko pa nalibot ang bayan natin? After highschool kasi ay nagpunta na kaagad ako sa city,” paliwanag ko sa kanya at habang tumakbo ang sasakyan papunta sa bahay ng tiyahin nito, labis akong namangha sa mga tanawing nadaanan namin. Nakakatakot ang makipot na kalsada at kurbada pero sanay na yata si Jericho dahil maning-mani lang nito ang pagmamaneho. “Huwag ka ng tumingin sa bangin,” sabi niya. “Okay lang, hindi naman ako natatakot,” nagsinungaling ako pero kanina pa parang hinila ang aking bituka sa sobrang nerbiyos. Pinigilan ko lang talaga ang sarili ko na huwag masuka kahit na naduduwal na ako. “Kumapit ka ha,” sabi niya at tumango lang ako, ngunit nang makita ko kung gaano ka-delikado ang daan ay hindi lang ako kumapit kundi napapikit pa sa sobrang takot. “Ngayon lang ako nagsisi kung bakit hindi ako nagreklamo kanina,” sabi ko sa kanya ngunit tinawanan lang ako ni Jericho. “Tumigil ka, sipain kita diyan eh!” Sininghalan ko siya nang medyo kumalma na ang aking damdamin. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot eh isang pagkakamali lang ng lalaki, tiyak kong magkalasog-lasog ang aming katawan. “Magtiwala ka lang sa akin.” “Ano pa nga ba? Malayo pa ba tayo?” “Isang bundok na lang,” sagot ng lalaki at nang marinig niya ang pagkadimasya ko ay malakas itong tumawa. Tinampal ko ang kanyang braso nang marinig ko ang kanyang malakas na pagtawa. Nang huminto siya sa isang eskinita, tinanong niya ako. “Kita mo ang bahay na ‘yon?” Sinundan ko ang kanyang mata at tumango ako nang makita ko ang malaking bahay. “Iyan ang bahay nila?” “Hindi,” ang tanging sagot ng lalaki. “Bakit mo tinuro kung hindi pala ‘yan ang bahay na pupuntahan natin?” “Gusto ko lang sabihin na ganyang istilo ang bahay na gusto ko para sa ating dalawa,” sagot ni Jericho pero isang malakas na tampal sa braso ang nakuha niya mula sa akin. “Ang lakas talaga ng tama mo!” Pinagalitan ko siya dahil na-scam ako sa tanong niyang iyon. “Matagal ng malakas ang tama ko sayo, Kylie.” “Hay naku, Jericho! Tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang birada mo! Nasa bundok na nga tayo eh panay hugot ka pa diyan! Malayo pa ba tayo?” “Malapit na,” sagot niya bago muling pinaandar ang sasakyan. “Totoo ba ang mga nakita ko?” “Ang alin?” Nagtaka siya kung ano ang aking tinukoy. “Iyong mga gulay!” “S’yempre! Kaya nga dito bumili ng lupa si Auntie dahil vegetarian ang asawa niya,” sagot ng binata. “Gusto ko rin dito,” sabi ko. “Hmmm we can stay naman for a few days. Hayaan mo at tatawagan ko si Auntie pagdating natin,” pangako ng lalaki. “Salamat,” sabi ko naman. Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin kami sa pinakatuktok ng bundok na sa tingin ko ay sampong piso na lang ang pamasahe patungong langit. Hindi ko na hinintay pa na buksan niya ang pintuan at kusa na akong lumabas nang huminto siya. “Ang ginaw naman rito!” Komento ko nang makalabas ako ng sasakyan. Anong oras na pero sobrang malamig pa rin ang hangin. “Sensitive kasi sa sobrang init ng panahon ang asawa ni Auntie kaya dito nila napiling magpatayo ng bahay. Tara na,” sabi niya at sabay hila sa isa kong kamay. Magka-holding hands kami habang nagtungo sa gate ng isang napakagarang bahay! Parang nasa America lang ang design at masasabi kong bukod-tangi ang bahay ng auntie niya sa lahat ng mga malalaking bahay na nadaanan namin. Tumunog ang gate nang buksan ito ni Jericho. “Wala bang magnanakaw dito? Paano kung looban itong bahay at nakawin lahat ng mga mamahaling gamit?” “So far, hindi pa naman nangyari iyon at isa pa, may caretaker naman talaga si Auntie. Kaya nga ako narito eh upang ibigay kay Ate Masha ang kanyang birthday gift. Masha? Gusto kong tanungin kung ilang taon na si Masha pero natakot ako na baka isipin niyang nagseselos ako. Caretaker daw eh so malamang na matanda na si Masha kung sino man siya. “Alam na ba niyang pupunta ka?” “Oo, tinext ko na siya kanina pa pero s’yempre alam mo naman ang reception dito sa bukid. Pupunta iyon kaagad kapag mabasa na niya ang mensahe ko,” panigurado ng lalaki. “Gusto mo bang maligo muna bago magpahinga? Refreshing ang tubig dito sa bukid,” sabi ni Jericho. “Oo ba,” pumayag ako kasi kanina pa malagkit ang aking pakiramdam. Sa haba ba naman ng biyahe namin, wala akong ibang gustong mangyari kundi ang makaligo at matulog pagkatapos. “Sabay na tayo,” mungkahi ng lalaki na siyang dahilan upan umangat ang aking kilay. Malaki ang aking pasasalamat at sabay kaming nagtungo sa likod ng bahay kung nasaan ang liguan dahil isang balon pala ang source ng tubig sa bukid. Siya na ang bahala sa pag-iigib ng tubig mula sa balon at nag-sitting pretty lang ako habang hinintay na mapuno ang mga drum ng tubig. “Wala bang ibang source ng tubig dito? Ito lang talaga?” Tinanong ko siya dahil habang iniisip ko ang paglalaba ay parang ayoko na. “May ilog naman sa baba. P’wedeng liguan o doon maglalaba,” sagot ng lalaki. “Tapos na ako, maligo na tayo.” “Sige,” sagot ko naman. At dahil open ang area ng liguan ay nagpalit lang ako ng shorts at isang sando. Nang maghubad ang binata sa harapan ko, bigla akong nag-iba ng tingin. “Don’t me na huhubarin mo lahat ‘yan dito,” sabi ko sa kanya. “Kung gusto mong makita,” pabiro niyang sagot at nang muli akong tumingin sa kanya, hindi ko na siya inusisa kung bakit naka-boxers shorts lang siya. Maliligo nga kami, di ba? Tig-isa kami ng tabo kaya maaari naman na bilisan ko na lang ang paliligo. Anyway, naligo naman ako kanina sa bahay ni Rejil. “Ayyyy!” Napatili ako bigla nang maramdaman ko ang tubig sa aking balat. “Ang lamig naman ng tubig, parang may yelo!” “Masanay ka na kasi ilang araw tayong mag-stay rito,” nakangising sabi ng binata at parang wala lang sa kanya ang sobrang lamig ng tubig. “Bukas, dapat ay gising na tayo bago mag-alas sais upang makita mo kung gaano kaganda rito sa place ng Auntie ko.” “Oh talaga? Ano bang meron sa umaga?” “Basta lang. Sige na bilisan mo na ang paliligo upang matuyo na kaagad itong mga buhok natin. Ngumit lang ako sa lalaki habang kinagat ang aking labi dahil sa sobrang ginaw. Tanghaling tapat na at ang init pa ng araw ngunit ang tubig ay parang may unlimited supply ng yelo. Paano na lang kaya sa gabi? Natitiyak kong magiging malamig din ang gabi ko. “Sana’y bumili na lang tayo ng sapat na supply kanina kung magtatagal tayo rito ng ilang araw. Hmmm gaano ba katagal?” “One week siguro. Depende sayo kung bet mong magtagal dito sa bukid. Tungkol sa supply, as long as kakain ka ng gulay, hindi tayo magugutom rito.” “Wala akong choice, pero baka naman may mabibilhan tayo ng manok. Iyong pwede sa tinola,” sagot ko sa kanya. “Tatanungin natin si Masha mamaya,” wika ni Jericho. “O baka gusto mong tanggalin ang mga dumi diyan sa katawan mo, heto ang gamitin mo.” “Bato?” Tinanong ko siya dahil sa tingin ko ay pinagtripan lang niya ako,eh.  “Anong akala mo sa balat ko, isang pulgada ang kapal ng dumi? Nakakainsulto ka na,” tila may bahid ng pagtatampo ang aking boses. “Ang OA mo talaga. Subukan mo na lang kasi, binili pa ‘yan ni Auntie mula sa Negros,” paliwanag ng lalaki. Upang tumigil na ito ay tinanggap ko ang kulay itim na bato at nagsimulang ihagod sa aking balat. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Grabe, may mga  dumi nga talaga! Kaagad kong inabot ang tabo at nagbanlaw ng tubig bago pa ito mapansin ng lalaki. “Sabi ko sayo, effective ‘yan eh!” “Sira! O ikaw naman, baka p’wede ng magtanim ng sibuyas sa likod mo.” “Hindi ah! Subukan mo pa,” sabi ng lalaki at kaagad itong tumalikod mula sa akin. Sigurado ba talaga si Jericho sa mga ipinagawa niya sa akin? Ganunpaman, pumuwesto ako sa kanyang likuran at sinimulang ihagod ang bato sa balat nito. “Sinungaling! Ano’ng malinis eh ang dumi o!” Natatawa kong sabi sa kanya at hindi ako tumigil sa pagtatanggal ng mga dumi sa kanyang likuran. “Napaka-ewww mo talaga, baby. Hindi ka ba naligo kanina?” “Hindi pa pero sobra ka naman kung magsalita, napaka-exaggerated naman po,” sagot ng lalaki. “Po? Pino-po mo na ako? Meaning, mas matanda nga ang turing mo sa akin?” “Hala siya o, hindi na mabiro,” natatawang sabi ng binata pero biniro ko lang naman talaga siya. “Bilisan na nga natin kasi inaantok na ako,” sabi ko sa kanya ngunit bigla niya na lang akong sinabuyan ng tubig kaya napatili ako. “Ano ba? Alam mo namang sobrang lamig ng tubig,” reklamo ko. “Ang OA eh kanina ka pa naman nabasa ng tubig, eh.” “Kahit na!”Giit ko sa kanya at dahil tiningnan ko siya ng masama, hindi ko naiwasang ibaba ang aking tingin at iyon nga, napadaan ang aking inosenteng mata sa hindi dapat. Tumikhim ako upang hindi mapansin ni Jericho na sandali akong nakatitig sa ano niya. Binilisan ko na lang ang pagligo upang makapasok na sa magiging silid ko.  “O towel mo,” paalala niya nang makita niya akong naglalakad patung sa back door kung saan kami dadaan papasok sa bahay. Binalikan ko ang tuwalya at kaagad na pinunasan ang aking buhok. Pagkuwa’y muli na akong naglakad palayo sa kanya nang tinawag niya ang pangalan ko. “Bakit?” “Iwanan mo na lang sa banyo ang bas among damit,” sabi niya sabay turo sa isang banyo na nasa labas. “Shower room ‘yan?” tinanong ko siya dahil malapit lang kasi sa balon ang sinabi nitong banyo at nang tumango ang lalaki ay kaagad akong nakasimangot sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi? Diyan na sana ako naligo,” at napatiimbagang ako habang nagsasalita dahil sa tingin ko ay sinadya ni Jericho na hindi ko malalaman ang tungkol sa banyo upang malaya niyang makita ang basa kong katawan. “Matagal na kasing hindi ginamit ‘yan kaya hindi ko iminungkahi na diyan ka maliligo, at isa pa, magiging doble lang ang trabaho ko.” “Whatever,” sabi ko at kaagad na pumasok sa banyo upang makapaghubad. Hindi pa tapos ang banyo ngunit p’wede ng gamitin. “Huwag mo akong iwanan mag-isa,” bilin ko sa kanya dahil natakot ako na basta na lang ito papasok at iwanan ako. “Never,”sagot ni Jericho. Una kong tinanggal ang sando at sumunod naman ang suot kong shorts at underwear. Habang nakahubad sa loob ng banyon ay tiwala akong hindi ako bobosohan ng dalawa eh. Habang ibinalot ko sandali sa aking buhok ang tuwalya ay bigla akong tumingala dahil parang narinig ako. “AYYYYYY! Baby tulong!” Nagulat din ang lalaki nang tinawag ko at basta na lang nitong itinulak ang pintuan. Huli na nang mapagtanto kong wala pala akong suot na damit. Gamit ang aking dalawang kamay ay tinakpan ko ang pribadong parte ng aking katawan. “Ano’ng problema?” Kumunot ang noo niya habang nagtatanong pero na-appreciate ko ang ginawa niyang pananahimik at hindi pagkoment sa performance ko “May ahas,” sagot ko sa mahinang boses habang itinuro ang sinabi ko at muli akong napasigaw at tumalon-talon nang biglang bumagsak ang natutulog na ahas sa braso ko. Siguro ay natakot din ang ahas sa aking pagsigaw dahil kaagad itong umalis mula sa aking braso. Sa totoo ay kinilabutan ako ng husto kaya nagmadali akong lumabas upang makaligong muli. “Kylie, sandali lang!” Tawag ni Jericho sa akin. “Sandali lang,” sabi ko sa kanya. “Nakahubad ka!” Mahina man ang kanyang boses ngunit narinig ko naman iyon at higit sa lahat, napansin ko rin naman ang paraan ng pagtitig niya sa akin. “Oh my God!” Napasinghap ako habang tumalikod ngunit huli na ang lahat. “Nakita mo na, eh,” sabi ko habang nagmadaling kumuha ng tubig ngunit bago ko pa man ito maibuhos sa aking ulo ay itinapo na niya sa akin ang tuwalya. “Baka may makakita sayo,” sabi niya. Tama naman siya kaya kaagad kong binalot ang aking basang katawan sa tuwalya at sinundan ang lalaki papasok sa bahay. “Sanaol maganda ang abs,” pabiro kong sabi sa kanya dahil idinaan ko na lang sa biro ang aking pagkapahiya kanina. Isa pa, pagdating kay Jericho, kaya kong sabihin ang lahat sa kanya ng walang pag-alinlangan. “Sanaol walang buhok,” sagot ng lalaki at tumigil ako sa paglalakad. Pagkatapos ay binatos ko siya ng tsinelas. “At iyon talaga ang napansin mo sa akin?” “Kitang-kita eh!” “Hmmmm diyan ka na nga!” Mabilis akong pumanhik sa itaas at dumiretso sa magiging silid ko. Magkatabi lang kami ng silid pero nang makapasok na ako ay kaagad ko na ring isinara ang pintuan at nagbihis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD