CHAPTER 10

4216 Words
Masaya kaming nag-uusap habang kumakain ng kamote nang dumating si Marian at napansin ko na balisa siya. “Ano’ng nangyari?” Kaagad akong nag-alala na baka may masamang nangyari sa isa sa kapamilya nito. “May nasagap kasi akong balita,” sagot ni Marian. “Masyado ka namang pa-thrilling, sabihin mo na kaagad!” Pati kasi si Jericho ay naghihintay rin sa sasabihin ni Marian ngunit mukhang nag-enjoy ang bruha na ibitin ako. Nag-alala ako na baka ang nasagap nitong balita ay tungkol sa amin ni Jericho. Kinabahan ako bigla at napatingin sa gawi ng lalaki. Pinakaayaw ko talagang madawit sa kahit anumang gulo ang pangalan nito dahil ayokong ma-badshot sa parents ng lalaki. “Naghahanap daw ng buyer ang in-law mo,” sabi ni Marian. “Hayys, di ba sinabi ko na sayo na ayokong makarinig ng kahit ano tungkol sa pamilyang ‘yon?” “Ibebenta raw ‘yong bahay na pinatayo mo doon sa barangay nila,” dagdag pa ni Marian. “ANO?” Hindi na ako nahiya kay Jericho at talagang tumaas ang boses ko. “Ang kapal naman ng mukha niya! May pinagmanahan talaga si Brent,” galit kong sabi dahil una sa lahat, ni isang kusing ay walang naiambag si Brent noong ipinatayo ko ang bahay na ‘yon. Supposedly ay doon kami titira after akong mag-ten years sa kumpanyang pinapasukan. Balak ko kasing mag-avail sana ng early retirement upang matutukan ng husto ang pagpapalaki kay Karla. “Gusto mo bang puntahan natin ngayon?” Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang puntahan o hindi. Kumukulo ang aking dugo na hindi ko maintindihan. Sinubukan kong kumalma ngunit wala pa rin, eh. Kung ibebenta nila ang property na ‘yon ay mahihirapan akong habulin ang aking karapatan kasi nakapangalan ang naturang bahay sa parents ni Brent. “Hindi ko pa alam, naguguluhan ako,” sabi ko. “Samahan na kita,” alok ni Jericho sa akin. “Magpapalit lang ako ng damit,” paalam ko kay Jericho kasi maikli ang suot kong shorts at baka masabihan pa akong malandi ng matandang ‘yon. “Huwag na. Okay lang naman ang suot mo pero magsuot ka ng jacket para hindi ka mababad sa sobrang init.” “Sana all concern,” tinukso ko siya. “Syempre! Parte ka na kasi ng buhay ko,” sagot ng lalaki na siyang dahilan upang tumirik ang mata ni Marian habang nakikinig sa amin. May kalayuan ang barangay kung saan nakatira ang mga magulang ni Brent at tama naman kasi ang sinabi ni Jericho na mababad ako sa init kung hindi ako magsusuot ng jacket. Grabe kasi ang init, eh! Iyong nuot to the bones ang sakit kapag ma-expose ang skin. Isang hoodie na kulay yellow ang aking napili. May print itong rabbit sa likod. May pagka-jologs tingnan ngunit nakukyutan kasi ako noong tiningan ko siya sa shopee. Paglabas ko, nakatingin sa akin ang lalaki at pati na rin si Marian. Teka lang, wala naman akong inilagay sa aking mukha, ah! Siguro nga ay bagay sa akin ang hoodie. “Ganda naman ng kulay. Dilaw na dilaw. Mukha kang bird,” sabi ng babae at biglang natawa si Jericho. “Anong bird?” Nagtanong ako kasi hindi naman ako pamilyar sa mga uri ng ibon. Maya lang ang kilala ko. Tumayo si Brent at ipinakita niya sa akin ang isang imahe sa kanyang phone; isang dilaw na ibon. “Ano’ng nakakatawa?” “Never mind na,” sagot niya. “Sumama na rin kayo, Ate. Convoy tayo,” suhestiyon ni Jericho. “Oo nga, Yani. Tara, sumama ka na. Baby, hindi ka ba pagagalitan sa inyo?” “Hindi naman siguro,” sagot ng binata ngunit biglang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha bago pa man ako makasakay sa kanyang motorsiklo. “Bakit?” “Tingnan mo,” sabi niya at itinuro ng kanyang nguso ang paparating na lalaki. “Ano’ng ginagawa niya rito?” Tinanong ko si Jericho ngunit hindi na siya nagkaroon ng tsansang sumagot dahil bigla na lang sumulpot sa aming harapan si EJ at niyakap ang kanyang kapatid. “Sabi ko na nga ba at narito ka lang,” sabi pa nito na tuwang-tuwa dahil nakita niya ang lalaki. “Ano’ng ginagawa mo rito, EJ? Iniwan mo sila?” “Umuwi na. Pinauwi ko na bago pa kami malasing,” sagot ng binatilyo. “Ilang shots ang ininom mo?” “Parehas sayo. One shot lang,” tugon ni EJ. Habang nag-uusap ang magkapatid, natawa ako sa sinabi ni EJ. One shot lang naman pala pero sobrang big deal na kay Jericho. “Sasama ka ba sa amin EJ?” “Saan kayo pupunta?” “Sa giyera,” biniro ko siya. “Di nga! Totoo?” “Basta. Sasama ka ba o hindi? Kasi aalis na kami,” sabi ko sa kanya. “Bakit hindi pero saan ako sasakay?” “Ikaw na ang magmaneho sa kabilang motor. Kylie, ilipat mo rito si Karla.” Utos ni Jericho. Tumango lang ako pero infairness ha, may authority talaga sa boses niya at kahit na mas matanda ako ng ilang taon. Sumunod din si EJ sa iniutos ni Jericho sa kanya at pagkalipas ng ilang minuto ay magkasunod na kaming bumibiyahe patungo sa kabilang barangay. Panay ang aking pagbuntonghininga dahil kinabahan talaga ako. Ano kaya ang gagawin ko kung may buyer na sila Mama do’n? Huwag naman sana kasi ipinatayo ko ‘yon para sa anak ko. Kung alam ko lang na mamrublema lang ako sa bahay na ‘yon, sana’y sinunod ko na lang si Rejil. Pero syempre, matigas kasi ang aking ulo noon at sobrang minahal si Brent. Nakahanda kasi akong gawin ang lahat, mapasaya lang siya. “Ewww!” “Bakit?” Nagtanong si Jericho. “Wala. May naalala lang ako,” sagot ko. Bwisit talaga si Brent sa buhay ko! Ewan ko na lang kung ano pa ang gusto niyang makuha mula sa akin, pero ang kapal, ha! Hindi man lang ito nahiya sa kanyang ginawa. One hour later, sabay na pumarada ang dalawang motorsiklo sa harap ng isang bungalow na katamtaman lang ang laki. Sakto lang kasi iyon sa isang maliit na pamilya. May tatlong kwarto at dalawang banyo sa loob. Spacious din ang kusina at sala namin, higit sa lahat, ang pinakagusto kong parte sa bahay na ‘yon ay ang nakapalibot na service area malapit sa sala. Hindi pa nga kami nakababa ay lumabas ang aking biyenan na sobrang plastic ang pag-uugali. Dati-rati, super maalaga siya sa akin pero sa ibang manugang ay sobrang makunat. Ekis sa akin ang istilo niyang favoritism, eh. Nang makilala niya ako ay ngumiti siya, iyong ngiti na hindi abot sa mata ang kasiyahan. Bagkus, parang may takot pa nga eh pero pilit nitong itinatago. Akala siguro nito ay hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya. Kawawang nilalang. Ngumiti ako sa kanya habang si Karla ay inutusan kong magmano sa matanda. “Dito na muna kayo ha,” sabi k okay EJ at Jericho. Ayaw sana akong payagan ni Jericho na pumasok sa bahay ngunit kailangan kong gawin iyon. Hindi ko rin naman kasi siya pwedeng isama sa loob kasi bawal ‘yon. Hindi magandang tingnan. Naglakad ako papuntang main door nang biglang hinawakan ni Mama ang aking braso. “Sandali lang, Kylie,” sabi niya. Awtomatikong tumaas ang aking kilay sa kanyang ginawa at tiningnan ko siya ng masama hanggang sa kusa na niya akong binitawan. “May kukunin lang ako sa kwarto ko tapos mag-uusap tayo. May nasagap kasi akong balita mula sa ibang tao at hindi ko nagustuhan iyon,” sabi ko sa kanya. “Ano kasi,” muli niya akong hinarang na para bang ayaw niya akong papapasukin sa loob. “Ayokong maging bastos sayo, Ma kasi matanda ka na. Pero tumabi ka muna at baka masapak kita diyan,” galit kong sabi sa kanya. “Kaya ka iniwan ni Brent kasi ang sama ng ugali mo. Lahat ng bagay kahit maliit ay ginagawa mong big deal.” “At kasalanan ko na ngayon kung bakit hindi siya nagpakalalaki at tumupad sa pangako niyang mamahalin ako habangbuhay? Jusko naman, Ma! Kung ayaw na niya sa akin, ayoko na rin sa kanya. Kaya nga pinoproseso ko na ang annulment namin upang magkanya-kanya na lang kami!” “Bilang babae, dapat magpakumbaba ka. Ipagdasal mo na balikan ka ni Brent,” suhestiyon niya sa akin. Ewan ko lang pero natawa talaga ako sa sinabi nya. “At bakit ko naman gagawin iyon? Kung mayroon man akong dapat hilingin mula sa maykapal, siguro ay iyong bayaran na ako ng mga taong nangutang sa akin ng pera!” Eh di bigla siyang kinabahan? May utang kasi siya sa akin at base sa mukha niyang biglang nawalan ng kulay, hindi niya nakalimutan ang perang inutang niya sa akin upang itulong sa ibang kapatid ni Brent. Utang ang sinabi niya noon kaya may karapatan akong singilin kahit na naging in-law ko siya. Buti sana kung may-ari ako ng isang malaking korporasyon at tumatae ng pera pero hindi kasi iyon ang kaso.  At least, malinis ang loob ng bahay nang makapasok ako. Dumiretso ako sa masters bedroom upang kunin ang mga papeles na naiwan ko doon. Pagdating kasi sa mga resibo ay masinop ako at lahat ng mga materyales na ginamit sa bahay ay personal check ang ipinambayad ko. Pangalan ko lang. Eh kung makipag-argue sila na conjugal iyon, eh wala akong magagawa kasi conjugal naman lahat. May karapatan si Brent at p’wede n’yang i-claim iyon kung kasing kapal ng hollowbloks ang mukha niya! Kinuha ko ang susi sa aking bag dahil alam kong naka-lock ang pintuan pero nang masagit ito ng aking tuhod, saka ko lang nalaman na hindi pala naka-lock. Mas lalo akong kinabahan! Paano kung nasa loob pala si Brent? Paano kung pagkatapos naming mag-usap doon sa bahay ni Jestoni ay umuwi ito sa kanila. Umatras ako. Saka ko na lang siguro kukunin ang mga papers kapag sigurado na wala si Brent sa bahay. Habang nakatayo ako sa labas ng kwarto ay biglang bumukas ang pintuan at lumabas si…Aika! Biglang namutla ang babae sa takot at akmang babalik sa loob ngunit bago pa man siya makapasok ay nahawakan ko na siya. Malas lang niya kasi kanina pa kumulo ang aking dugo. Sumigaw si Aika nang mahawakan ko ang kanyang buhok at posibleng narinig ito ni Brent dahil bigla na lang sumulpot ang lalaki sa aking harapan. Nagpang-abot ang makapal nitong kilay at puno ng galit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Sa akin pa talaga siya galit? Wala na yatang mas kakapal pa sa mukha ni Brent, eh! Ewan ko ba kung bakit nahulog ang loob ko sa lalaking iyon noong unang panahon. “Hindi ba at malinaw naman ang usapan natin kanina na huwag na huwag mong bastusin itong bahay natin, ano’ng ginawa mo? Dinala mo rito ang kabit mong mukha namang ewan!” “Nagkita kayo kanina?” Sumali sa usapan si Aika ngunit kaagad ko siyang binara. “Tumahimik ka Aika kung ayaw mong masampal kita ng left at right,” binalaan ko siya at mukhang masunurin naman ito. “O ano Brent, umalis na kayo ni Aika bago pa magdilim itong paningin ko at baka mapatay ko kayong dalawa. Tatlo pala dahil hindi ko palalampasin ang ina mong kunsintidor,” nagparinig na rin ako sa aking biyenan na alam kong nakikinig lang sa di-kalayuan. “Wala ka na ba talagang respeto para sa ina ko?” Galit na nagtanong si Brent na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit nakapagsalita ako ng hindi maganda. “Nirespeto ba niya ako, Brent? Simula noon, alam kong nakipag-close lang siya sa akin dahil sa pera. Kung hindi mo pa rin alam o ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan na mukhang pera ang ina mo, eh di bahala ka. Problema mo na ‘yan,” sabi ko sa kanya. “Hindi ko alam na may itinago ka palang pangit na ugali,” napailing na sabi ni Brent na para bang na-amaze  pa siya sa nadiskubre nito.   “Eh di ikaw na ang perpekto, Brent. Paalisin mo si Aika ngayon din o kayong dalawa ang papaalisin ko. Baka naalimutan mo kung sino ang gumastos para ipatayo itong bahay!” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na sumbatan siya. Sobra na kasi ang ginawa niyang pang-alipusta sa akin. “Conjugal naman itong bahay, Kylie,” sumagot si Brent na tila ba ipaglalaban talaga nito ang kamaliang nagawa. “Isa pa, huwag mong isumbat sa akin kung wala akong naiambag dito kasi iyon ang gusto mo. Ikaw na lang kasi lagi ang nasusunod!” “Conjugal nga, meaning, bahay nating dalawa. O anong ginagawa ng hitad na iyan dito?” “Lumabas ka muna Aika at mag-uusap lang kami ni Kylie,” sabi ni Brent at pinapaalis nito ang kanyang nobya. “Sinong maysabi sayo na mag-uusap tayo, Brent? Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Ang gusto ko lang mangyari ay huwag ninyong bastusin itong pamamahay ni Karla! Binastos mo na ako, ginago mo na ako kaya please lang, irespeto mo naman itong bahay,” pakiusap ko sa kanya. “May karapatan naman ako sa bahay na ito, eh,” nangatwiran si Brent. “Ah kaya pala naghahanap kayo ng buyer nitong bahay dahil sa kakarampot na karapatang sinasabi mo! Aanhin mo ang pera? Pambayad sa nahiram mo noong nasa hospital ka? O para sa annulment?” Hindi kaagad sumagot si Brent sa mga tanong ko kaya mas lalo lamang tumingkad ang aking pagdududa na iyon nga ang dahilan kung bakit naghahanap sila ng buyer para sa bahay. Kung nagkataon, eh di parang ako lang din ang gumastos sa lahat. “Masyadong malaki ang kailangan at hindi naman gano’n kalaki ang sahod ko,” sagot niya. “Buti ka pa nga eh may sahod. Ako wala,” sabi ko sa kanya. “May savings ka naman, eh.” “O ngayon? Kasalanan ko pa kung masinop ako sa pera? Ewan ko Brent, ayokong sabihin ‘to sayo pero nagsisisi talaga ako kung bakit nakilala kita. Siguro kung hindi kita pinili noon, mas maganda pa ang aking buhay.”Natigilan ang lalaki dahil sa sinabi ko. Siguro ay hindi niya inasahan na gano’n ang sasabihin ko sa kanya.  “Naging masaya ka naman noon sa akin,” pahayag ng magaling ng lalaki at ngumiti na lang ako. “Naging masaya ba talaga ako? Siguro iyon ang paniniwala ko dati pero nang magloko ka, saka ko lang na-realize na hindi mo naman talaga ako minahal. At ako namang si tanga ay naniniwalang masayo tayo.” “Minahal din naman kita, Kylie. Ewan ko kung bakit bigla na lang naglaho ang pagmamahal ko sayo,” katwiran ni Brent. “Minahal mo ako? Eh wala nga akong matandaan na nag-effort ka para sa ating dalawa, eh. Ako lahat ang gumawa ng paraan upang may bonding tayo, lahat na! Anyway, hindi ako nagpunta rito upang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan natin, Brent. Tungkol sa bahay ang sadya ko rito,” paliwanag ko sa kanya. “Hindi ka papayag na ibebenta natin?” “Natin? Kailan ka pa humingi ng permiso? Kung wala pang nakapagsabi sa akin ay hindi ko malalaman! Payag akong ibenta itong bahay pero 70-30 ang sharing natin. Alangan naman kung 50-50 eh mahiya ka naman, di ba?” “50-50 Kylie,” giit ng lalaki. Napatiimbagang ako noong iginiit nya na 50-50 dapat ang sharing namin. “Fine,” pumayag na rin ako upang matapos na. “Saka ko na lang babayaran ang inutang namin kapag naibenta na itong bahay,” humirit si Brent. Talagang nagpanting ang taynga ko sa sinabi niya. “Nahihibang ka na ba? Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Brent at baka mapilitan akong kausapin si Jestoni o di kaya ay ang taga HR ng kumpanya ninyo. Binalaan na kita,” sabi ko bago umalis. Nang mapadaan ako sa sala, nakita ko si Aika at ang plastic kong biyenan na nagkukwentuhan na para bang walang nangyari. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Aika kung babalikan ko si Brent sa kwarto at hahalikan?  Bago pa man magiging kumplikado ang lahat sa pagitan namin ni Brent, ako na lang ang nagparaya at umalis pero binalaan ko silang huwag masyadong bastusin ang bahay. Hindi rin ako pumayag na saka na lang ako babayaran  kapag maibenta na ang bahay. Siguro noon ay isa akong dakilang tanga ngunit nagbago na ang pananaw ko sa buhay simula nang makilala ko si Jericho. “Umuwi na tayo,” sabi ko sa aking mga kasama. Kay Jericho pa rin ako sumakay at si EJ naman ang nagmaneho ng isa pang motor. Malayo na kami sa bahay nang biglang tumigil si Jericho. “Bakit?” Tinanong ko siya dahil kinabahan ako. Hindi kasi matao ang lugar eh. “May problema ba, bro?” Nagtanong din si EJ nang maabutan kami. “Mauna na kayo at may titingnan lang ako sa motor. Mukhang may problema, sige na.” Inutusan ni Jericho ang kapatid nitong si EJ na mauna na at gano’n na rin ang ginawa ko kay Marian. Nang makaalis na sila, mulang sumakay si Jericho at sinabihan akong sumakay na rin. “Akala ko ba ay sira itong motor mo,” reklamo ko sa kanya. “Joke lang ‘yon. Mamamasyal muna tayo para matanggal na yang wrinkles sa mukha mo,” nagbibiro ang binata. Kinurot ko ang tagiliran niya kasi may para-paraan din siyang nalalaman, eh! “Kabahan na ba ako sa plano mo?”  Biniro ko siya. “Napaka-dirty minded mo talaga,” komento ni Jericho. “Ha? Bakit naman? Natatakot lang naman ako na baka may plano kang i-salvage ako sa daan,” paliwanag ko sa kanya ngunit biglang sumeryoso ang mukha ng lalaki at muling bumaba mula sa motorsiklo. Akala ko ay nagalit siya ngunit bigla na lang siyang tumayo sa gilid ko at nakatitig sa akin habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa akin. “Hala, grabe ka naman Kylie. Hindi nga kita kayang kurutin eh, ganyan kasi kita kamahal,” pahayag ni Jericho sa seryosong tono na siyang dahilan upang muntik na akong mabilaukan sa pagkabigla. Hindi kasi ako sanay sa mga style ng atake niya sa akin. Ewan ko ba ngunit para akong kinikiliti sa tuwa nang marinig ko ‘yon. Kaya lang, sa likod ng kasiyahan na may nahanap na akong lalaki na bagay talaga sa akin, hindi rin nawala ang takot sa puso ko na tuluyang mahulog sa kanya. Alam ko kasi na masasaktan lang ako balang araw. “Speechless ka na,” napansin niyang hindi ako makapagsalita pagkatapos ng kanyang deklarasyon. “Ikaw kasi, lagi mo na lang akong pinapakilig,” sabi ko sa kanya. “Ha? Kinilig ka do’n?” Gulat na gulat siya, eh! Siguro ay simpleng atake lang iyon na normal sa mga kabataang tulad niya ngunit para sa akin na galing sa isang magulong relasyon, syempre, big deal na sa akin iyon. “Umalis na nga lang tayo,” suhestiyon ko sa kanya. “Saan mo gustong pumunta?” “Kahit saan basta uuwi tayo kaagad. Hmmm sigurado ka ba na hindi ka pagagalitan ng Mama mo?” “Huwag kang mag-alala, kaya naman kitang ipagtanggol sa Mama ko kung sakali, eh. Pero huwag mo ng isipin iyon,” wika ni Jericho. “Hmmm nag-aalala lang ako para sayo, alam mo namang mali itong pinasok natin, baby.” “Pakiulit nga ng sinabi mo,” sabi niya. “Hmmm nag-aalala lang ako para sayo, alam mo namang mali itong pinasok natin, baby.” “Iyong baby lang ang gusto kong marinig ng paulit-ulit,” nakangiti niyang wika at tinampal ko kaagad ang kanyang braso. “Scam lang pala ‘yon,” nakangiti ko rin sabi sa kanya. “Tara na!” Nang makaalis na kami ni Jericho, swabe lang ang pagpapatakbo niya ng motorsiklo. Nang lumiko sa isang eskina, hindi na ako nagtanong kung saan kami patungo. Hinayaan ko siyang dalhin ako kahit saan man nito gustong magpunta. “Bakit dito?” Tinanong ko siya kung bakit dinala niya ako sa tabing-dagat. “Tahimik,” sagot ng binata. “O tapos?” Kaagad akong nagduda nang sinabi niyang tahimik daw ang lugar. “Akala ko kasi ay gusto mong magwala dahil sa eksena doon kanina. Dinala pala ng asawa mo ang kanyang girlfriend doon,” wika niya. “Oo,” ang tanging sagot ko. “Feeling mo ba ay binastos ni Brent ang bahay na yon dahil kay Aika?” Napansin ko na medyo may bahid ng kalungkutan ang boses ni Jericho. Kaya nga ayoko sanang pumasok sa isang relasyon na wala pa ang resulta ng annulment dahil ayokong maramdaman niya na isa siyang kabit. “No really. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang paghahanap niya ng buyer para sa bahay na hindi kumunsulta sa akin. Nando’n na ako na hiwalay na kami pero ano kasi, eh, ako ang nagpatayo ng bahay na ‘yon!” Napatiimbagang si Jericho nang marinig ang sinabi ko. Well, kahit sino naman siguro ay maiinis kay Brent dahil sa ginawa nito sa akin. “Heto pa ha, sabi niya, saka na lang daw ako babayaran sa inutang niya at sa share para sa annulment kapag naibenta na ang bahay namin. Anak ng tipaklong naman, o!” “Sinabi niya iyon?” Maski si Jericho ay nahirapang paniwalaan ang sinabi ko pero iyon talaga ang totoo kaya nag-alburoto ang sistema ko. “Sinabi nga. Di ba ang kapal naman niya?” “Hindi ko lubos maisip na kaya ka niyang saktan ng ganito. Sa ilang taon na kasal ka sa kanya, may times ba na naging masaya ka? Iyong legit na saya?” Nakakaloka naman iyong tanong ni Jericho na legit daw na kasiyahan. Meron ba? Tumingala ako sa bughaw na langit at pilit na inaalala kung mayroon ba kaming gano’ng tagpo ni Brent. Ang totoo, matagal ng hindi active ang aming s*x life. Noong una ay naninibago ako dahil from active to sedentary to zero na kasi. Ewan ko ba kung bakit, wala naman siyang ibang babae, tumitigas pa rin naman ang kanyang p*********i tuwing hinahaplos ko, sadyang busy lang talaga siya sa barkada. May mga panahon na nagtatampo na nga ako sa kanya dahil hindi niya ako pinagbigyan. Mantakin n’yo yon? Ang ibang lalaki, nagagalit kapag ayaw magpagalaw ni misis. Sa amin naman ay baliktad, ‘apaka sad naman ng buhay talaga. “May naisip ka na ba?” Tanong ni Jericho sa akin. “Wala,” ang tanging sagot ko. Nang makauwi kami ni Jericho, umalingawngaw sa utak ko ‘yong tanong niya. Ewan ko ba kung bakit tumatak iyon eh simple lang naman ang katanungan niya. “Yani, noong magkasama pa kami ni Brent, masaya ba talaga ako no’n?” Hiningi ko ang opinion ni Marian kasi siya ang lagi kong kasama noong mga panahong iyon. “Sa totoo lang ay ewan ko. Pero napansin ko na sobrang effort mo do’n sa tao. Naiinis na nga ako sayo dati eh kung bakit gano’n ang istilo mo, parang mama sang ang dating.” “Hoy grabe ka naman, mama sang talaga?” “Oo at hindi lang ako ang nakapansin no’n kundi pati na rin ng ibang tao. Bigay-todo ka sa lalaking iyon eh hindi naman nag-effort para sayo. Akala ko nga noon ay tatanga-tanga ka,” dagdag pa ni Marian. “Minahal ko lang talaga siya ng sobra,” sabi ko. “Hindi pagmamahal iyon. Alam mo naman sa sarili mo na may mali pero natakot kang bumitaw sa kung anong dahilan na ikaw lang ang nakakaalam, Kylie. Naala mo ‘yong malapit ng magpasko? Inis na inis ako noon sa asawa mo,” sabi ni Marian.  Kumunot ang aking noo habang inaalala ang sinabing nangyari ni Marian. “Alin doon? Iyong inutusan niya akong magluto ng marami pero umalis din at nakipag-inuman?” “Mismo!” “Naalala mo pa pala ‘yon,” nakangiti kong sabi. Ilang pasko na kasi ang dumaan kaya namangha ako at naalala pa niya. Muntik ko na ngang makalimutan iyon, eh. “Ano’ng balak mo ngayon?” Tinanong ako ni Marian. “Sa ngayon ay wala pa. Enjoy ko na lang muna ang time namin ni Karla habang hinihintay ang resulta ng annulment,” sabi ko. “Eh si ano?” “Sino?” Nagtaka ako kung bakit hindi niya mabanggit ang pangalan ng tao. “Si Jericho,” sabi niya. “Friends lang kami ni Jericho,” sagot ko. “Friends lang talaga? Eh ang sweet niya sayo,” komento ni Marian na parang may bahid ng panunukso sa akin. “Sweet lang talaga siya at sa tingin ko ay normal lang iyon para sa kanya,” nangatwiran ako. “Ay sus, ayaw pang umamin nito. May relasyon na ba kayong dalawa?” “Wala pa nga,” sagot ko. “Ayokong gawin siyang kabit, napakabait no’ng bata para maging kabit lang,” paliwanag ko kay Marian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD