CHAPTER 9

4357 Words
Dalangin ko na sana, kung may darating man na bago ay iyong kaya akong mahalin ng sobra pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya. Si Jericho kaya? Oh my God! Kaagad akong bumangon at kinuha ang aking cellphone nang maalala ito. At hindi nga ako nagkamali dahil dahil sangkaterba na mensahe ang dumating sa akin galing sa kanya. Hindi ko na muna binasa ang lahat dahil may hinala naman ako na bawat mensahe ay nagtatanong lang kung nasaan na ako. “I’m home na, sorry kung hindi kita na-text kaagad. You can come here lang anytime,” sabi ko sa text at paulit-ulit ko pa itong binasa bago ko ipinadala kay Jericho. Since bumangon na rin naman ako, naisipan kong maligo na muna dahil ang lagkit kasi sa pakiramdam kapag galing sa biyahe. Maalikabok ang daan at mainit pa ang panahon. Double kill ang nangyari at kawawa naman ang aking beauty. Simula nang ipinagpalit ako ni Brent, nagkaroon lang ako ng confidence nang manumbalik ang aking alindog. Bata pa naman ako at isa pa lang ang anak kaya hindi gano’n kalosyang ang aking katawan. Ganunpaman, nagsikap pa rin akong mag-glow up kahit kaunti lang naman. Pumasok ako sa banyo upang mag-shower. Ang plano ko sana ay saglit lang ngunit nang maramdaman ko ang malamig na tubig na humahaplos sa aking balat, nag-enjoy ako ng sobra. Ang nangyari, nakalimutan ko ang oras at sa aking tantiya ay mahigit isang oras din akong nagkulong sa banyo. Mabuti na lang at hinati-hati ko ang kojic soap upang hindi maubos kaagad kaya okey lang kahit nakatatlong-piraso pa ako ng mga maliliit na cuttings ng sabon. Pagkatapos ay saka ako nag-scrub gamit ang milk salt na nabili ko kay Ma’am Jessica. Kung hindi pa ako kinatok ni Marian ay hindi pa ako titigil sa paliligo. “Sandali lang,” sigaw ko habang nagbabanlaw. Pagkatapos ay nagpunas na ako sa aking basang katawan bago sumilip sa labas. Nakasimangot ako habang nakiramdam sa paligid kasi sobrang tahimik, eh.  Nasa kama pa rin si Karla at natutulog kaya napailing na lang ako. Siguro ay pinaglaruan lang ako ng aking imahinasyon kanina kasi wala namang ibang tao sa silid maliban sa amin ni Karla. Nagtungo ako sa harap ng tokador at dinampot ang blower. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko naiwasang tingnan ang aking dalawang dibdib. Katamtaman lang ang laki nito pero totoo kaya iyong mga narinig ko dati sa mga kasamahan ko na masarap daw maging girlfriend  ang isang babae kapag malaki ang boobs. Kaya ba ako iniwan ni Brent dahil naliliitan siya? Shuta naman kung gano’n lang ang basehan. Naiinis ako habang bino-blowdry ang aking buhok. Pagkatapos ay saka ako naglagay ng mga skin moisturizer at pabango. Nang marinig kong may kumatok sa lumabas, kaagad akong nagtungo sa may pintuan at binuksan ito. “Jericho? Ano’ng ginagawa mo rito?” Sobra akong nagulat sa kanyang presensya kaya pansamantala kong nakalimutan na wala akong suot na damit. Kaagad kong pinagkrus ang aking mga braso sa aking dibdib upang hindi ako makitaan. “Nakita ko na,” nakangiti niyang sabi. “Hmmmmp!  Bakit ka nga narito? Dapat sa sala ka lang naghintay!” “Eh kanina pa nga ako naghihintay kaya nagpaalam na ako kay Ate Marian na puntahan ka o gisingin dahil baka nakatulog ka na.” Nagpunta nga siguro si Marian kanina sa aking silid upang ipaalam sa akin na dumating si Jericho pero hindi ko kasi iyon pinansin kaagad. “Hintayin mo ako diyan at magbibihis lang ako,” sabi ko sa kanya ngunit bago ko pa maisara ang pintuan ay naiharan na niya ang kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang kapangahasan dahil ano ba ang alam niya sa mga bagay na posibleng mangyayari sa aming dalawa? “Sa loob na ako maghihintay,” pagkuwa’y sabi ng lalaki. “Nahihibang ka na ba?” “Hmmm siguro. Baliw na baliw ako sayo, eh.” “Oh my god, tumigil ka nga! Lumabas ka muna,” muli kong sabi sa kanya. “Huwag ka ng mahiya pa, nakita ko na ang lahat kanina,” tugon niya na parang hindi big deal ang nangyari. “Ang tigas talaga ng ulo mo!” “Mas matigas ang ano, ang ulo mo.” Kinabahan ako nang makapasok siya dahil kapag kaming dalawa lang kasi ay para akong makukuryente sa tension. Siguro dahil attracted ako sa kanya at gano’n din yata siya. Pareho lang kaming nagpipgil dahil sa komplikado naming sitwasyon. “Kylie…,” mahinang tawag ni Jericho sa akin. Lumingon ako sa kanya at tinanong siya ng, “Bakit?” “Ang ganda mo ngayon,” sagot ng lalaki. “Lagi naman akong maganda, hindi mo lang napapansin. Gwapo ka rin naman,” sabi ko. “Kung maganda ka at gwapo ako, ibig sabihin ay bagay tayo?” “Nice try, Jericho. Ayaw mo ba talagang umalis? Bahala ka,” binalaan ko siya.   “Joke lang. Hihintayin kita sa labas,” sabi nito at mabilis pa sa alas-kwatro na umalis. Napailing na lang ako nang umalis si Jericho dahil sa tingin ko ay hindi naman talaga nito kakayanin ang balak kong gagawin mamaya kung hindi siya umalis. Pero infairness ha, ang cute niya sa kanyang suot kanina. Binatang-binata ang dating! Kung hindi ko lang alam ang tunay niyang edad, mukhang mapapasubo pa ako. Binilisan ko na ang pagbibihis dahil ayokong maghintay siya ng matagal. Marami kaming dapat pag-usapan at sa tingin ko ay masasabon ako mamaya. Habang nagsusuklay ako ng buhok, nakita ko si Karla na gumalaw sa kama. Hindi nagtagal, naupo na ito at napakamot sa kanyang magulong buhok. Napangiti ako nang makitang nakalabas pa rin ang kanyang dila. Naging habit na kasi nito na ilabas ang dila kapag natutulog at ang laway nito ay malayang dadaloy papunta sa paborito nitong unan na kulay pink.   “Annyeong Karla,” binati ko siya at gaya ng nakasanayan na nito ay ngumiti ang bata. Sa murang edad nito ay mukhang mas mauna pa nitong matutunan ang salitang banyaga dahil sa panonood ko ng mga kdrama. “Okey keeyoh!” Natawa na lang ako sa kanyang isinagot sa akin. Ginaya lang naman niya ang napanood sa isang vlog sa youtube at simula noon ay lagi ko na itong naririnig sa kanya. “How’s your tummy? Hungry?” Tumango lang ang bata ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay narinig kong binanggit niya ang salitang cake at yakult. Pagkatapos kong magbihis ay sabay na kaming lumabas ni Karla. Timing naman na nasa sala si Marian at nagbabasa ng mga magazine. “Pupuntahan ko lang muna si Jericho sa labas, kakain daw siya.” “Go, Kylie! Basta support lang ako sa love life ninyong dalawa,” biniro ako ni Marian at iningusan ko siya bago lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa likod ng bahay kung saan ay mayroong puno ng Talisay kung saan nagpapahangin si Jericho. “Hello, sorry ha at medyo natagalan ako,” sabi ko sa kanya nang makalapit ako. “Okay lang, handa naman kitang hintayin kahit kailan.” “Oa nito. Lahat na lang may hugot, no!” “Maupo ka Kylie,” utos nito sa akin. Sumunod naman ako kaya  lang ay may naaamoy akong kakaiba. “Nakainom ka?” “Konti lang. May mga bisita kasi si EJ sa bahay,” sagot ng lalaki. “Gano’n ba? Bakit ka pa umalis sa inyo kung may kasiyahan naman.” “Eh ikaw kasi ang kasiyahan ko,” sagot niya na may halong hugot. Syempre hindi ako nakahuma sa mga matatamis niyang hugot. “Isa pa, ayokong malasing ng todo dahil kailangan pa nating mag-usap. Saan ka galing, Kylie? Bakit bigla kang umalis? Tinakot mo ako,” sabi niya. Habang nakatingin ako sa kanyang mga mata ay nakita kong hindi siya nagsinungaling. Ramdam ko ang sakit na kanyang dinanas dahil sa biglaan kong pag-alis. “Sorry na,” humingi ako ng paumanhin dahil biglaan kasi ang pag-alis namin ni Marian. Imbes na sumagot siya ay bigla na lang tumulo ang luha nito. “Ang sakit kasi nang malaman kong umalis kayo ni Marian at hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Akala ko ay hindi ka na babalik pa.” Gumaralgal ang kanyang boses habang nagsasalita kaya medyo sumikip na rin ang dibdib ko. Hindi ako sanay na makakita ng lalaking umiiyaka kaya iyon siguro ang dahilan kung bakit lubos akong nasaktan sa aking nakita. “Tahan na please,” pakiusap ko sa kanya kasi kung hindi pa siya titigil ay baka maiyak na rin ako katulad niya. “Huwag mo ng gawin ‘yon, mangako ka sa akin.” Natigilan ako kasi hindi ko pa alam kung kaya ko bang panindigan ang isang pangako para sa kanya ngunit gusto kong tumigil na siya sa pag-iyak dahil masakit din sa akin ang makita siyang nahihirapan sa paghinga. “Tumahan ka muna,” sabi ko. “Mangako ka muna,” sagot niya kahit nahihirapan na itong magsalita. “Pangako,” tugon ko upang tumigil na siya. “Kukuha lang ako ng tubig sa loob,” sabi ko ngunit bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya.   Kinabahan naman ako sa kanyang ginawa. Inakala ko kasi na hahalikan niya lang ako bigla, hindi naman pala. Pero bakit parang disappointed ako? Pagbalik ko, may dala na akong tubig at snacks para aming dalawa. “Alam kong ayaw mo sa may carbs kaya nagpahanda na ako kay Marian ng makakain mo.” Chicken salad lang naman ang ihinanda ni Marian ngunit natuwa na ang lalaki kaya masaya na rin ako.       “Salamat pero mamaya ko na ito kakainin,” sabi niya habang itinabi sa gilid ang chicken salad na nakalagay sa isang microwavable container. “Ayyy unfair naman kung gano’n, baka masabihan mo pa akong malakas lumamon.” “Hindi kasi ako makakain ng maayos kapag galing ako sa pag-iyak. Isa pa, hindi mo pa sinagot ang tanong ko kanina,” paalala niya sa akin habang pasulyap-sulyap sa suot nitong relo. Malaking tulong ang kanyang presensya kaya ayoko na munang uuwi siya. “Nagmamadali ka ba? Dito ka na muna, please. Ano naman ang gagawin mo sa inyo?” “Matulog,” sagot niya. “Boring naman. Magkwentuhan na lang tayo,” hiling ko sa kanya kasi kailangan ko ng matinong kausap. Iyong hindi ako pagagalitan dahil sa ginawa ko kanina. “Iyon naman talaga ang pakay ko kanina pa pero hindi ka kasi nagsasalita eh. Hindi mo pa nga sinagot ang aking tanong,” reklamo ni Jericho.  “Saan tayo magsisimula?” Tinanong ko siya dahil marami na kasi ang nangyari eh. “Akala ko talaga ay bumalik ka na sa city at hindi na kita makikita pa,” simula ng lalaki. “Mag-uusap lang naman tayo, kailangan pa ba ang ganyang titig?” Naasiwa naman ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. “Hindi ko mapigilan, ang ganda mo kasi.” Inismiran ko siya dahil paulit-ulit na lang nitong sinabi ang linyang iyon as if mauuto ako. Hindi ako pangit pero hindi naman pang-miss universe ang ganda upang titigan niya ng sobrang intense. Nakakaloka talaga siya. “Para-paraan ka rin ano,” sabi ko. “Hindi na, promise. Seryoso na ‘to. Mag-uusap lang tayo bilang magkaibigan.” “Bakit, magkaibigan ba tayo?” Biniro ko siya ngunit napansin ko na nag-iba kaagad ang kanyang mukha. “Hoy, joke lang, ikaw talaga,” sabi ko at kukurutin ko na sana ang kanyang tagiliran ngunit para siyang action star, ang galing umiwas kaya ang resulta ay nawalan ako ng balance at nadaganan ko siya. “Sorry, mabigat pa naman ako.” “Hindi naman,” sagot niya habang ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa aking baywang upang tulungan akong bumangon. “Hindi ka sana umiwas,” sinisi ko pa siya sa nangyari. “Kung ikaw kaya ang kukurutin, hindi mo ba gagawin ang ginawa ko?” “Ewan ko,” bigla akong natameme at hindi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kanina kasi, habang magkalapit ang aming katawan ay bigla akong nakaramdam ng pagnanasa. Natakot ako bigla kasi ayokong may mangyari talaga hangga’t wala pang update sa annulment ko. Masyado na ba akong attracted sa kanya o sadyang tigang na tigang na talaga ako dahil matagal na kasi noong huli akong nadiligan. Habang nagtitigan kaming dalawa ay saka naman lumabas si Marian at tinawag ako. Natawa ako sa reaksyon ni Jericho dahil para siyang naagawan ng laruan. “Saglit lang ha,” paalam ko sa kanya. “Sige lang.” Imbes na hintayin ako ni Marian na makalapit sa kanya, naunahan niya ako at kaagad na kumunot ang aking noo nang makita kong nakabihis si Karla. “May kukunin lang ako sa amin, nagluto raw sila ng puto.” “Cassava?” “Yup at alam kong paborito mo iyon kaya maiwan na muna kita. Hi Jericho,” bumati pa ito sa aking bisita. “O sige, hindi ba kami pwedeng sumama?” “Huwag na kasi babalik naman ako kaagad, eh.” Nang makaalis si Marian ay medyo kabado ako. Ewan ko ba kung bakit, pero bigla na lang kumabog ng malakas ang aking dibdib. “Kinabahan ako,” sabi k okay Jericho. “Bakit naman?” “Ewan ko, biglaan eh.” Sinubukan kong huminga ng malalim upang maibalik sa normal ang pagtibok ng aking puso ngunit wala pa ring nangyari. Kaya ininom ko na ang natira niyang tubig. “Huwag ka ng kabahan, wala naman akong balak na gawan ka ng masama.” “Wee, di nga!” “Ayaw mo bang wala?” “Tse! Umuwi ka na lang kaya? Tayong dalawa lang kasi ang nandito,” mungkahi ko sa kanya. “Sabihin mo muna sa akin kung saan ka nagpunta.” “Ah iyon ba? Nakakahiya kasi, eh. Hmmm dumating si Brent,” sabi ko ngunit kaagad na napatiimbagang ang lalaki nang marinig ang pangalan ng aking asawa.  “Nakipagkita ka sa kanya? Nakipagbalikan siya?” “Patapusin mo muna ako,” sinaway ko siya pero sa tono ng kanyang pananalita ay ramdam kong hindi niya nagustuhan ang pagkikita namin ni Brent. Well, naintindihan ko naman kasi iyon naman ang magiging reaksyon ko kung sakali man na mabalitaan ko na may kasama siyang iba. Oo nga at wala kaming label pero masasaktan pa rin kasi ako. Pagdating kasi sa mga ganyang bagay ay territorial ako masyado. Kapag akin ay akin lang unless mas gusto niya sa kabila.    “Hindi ako sigurado kung kaya ko bang pakinggan ang kwento mo na kasali ang pangalan ni Brent.” “Ayaw mo bang marinig kung ano ang sinabi ko sa kanya bago namin siya iniwan?” Hindi siya sumagot kaagad, ganunpaman, kailangan niyang marinig iyon upang mapanatag na ito. Una sa lahat, ayokong magdamdam siya. Ayokong saktan siya dahil kay Brent. Mahal ko na yata siya? “Patatawarin mo ba siya?” “Alam mo, ang cute mo talaga.” Nakita ko kasi kung paano siya lumunok ng laway habang tinanong ako. Alam kong masakit sa kanya ang marinig na kaya kong patawarin si Brent pero gano’n naman talaga ang mangyayari in the near future. “Syempre, patatawarin ko rin siya soon.” Natahimik si Jericho at umiwas ng tingin sa akin. Kinalabit ko ang kanyang braso ngunit inignora niya ako kaya lumipat ako ng upuan hanggang sa magkaharap na talaga kaming dalawa. “Bakit pa, Kylie?” “Bakit ko siya patatawarin? Bakit naman hindi?” Biglang tumayo si Jericho at nagulat ako. Akala ko ay iiwan na lang niya ako bigla kaya hinawakan ko ang kanyang kamay. “Huwag ka munang umalis, makinig ka muna sa akin.” “May nakita akong ipis,” sabi niya na natakot lumingon at baka makita pa nitong muli ang kinatatakutang nilalang. Gusto ko sanang matawa sa reaksyon niya pero nag-alala ako na baka magalit siya. “Hanep ka talaga. Ang laki ng katawan mo ngunit  takot ka sa ipis,” sabi ko sa kanya at tumayo na rin ako. “Doon na tayo sa loob mag-usap.” Sumunod siya sa akin at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Habang naupo siya sa sofa ay dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng makakain. Alam kong naglaga ng sweet potato si Marian dahil may nabili kami noong isang araw. Hindi ko na kailangang anyayahan si Jericho na kumain ng kamote dahil kumuha na ito isa. Napailing na lang ako sa kanyang pagkapihikan sa pagkain. Nang maubos nito ang isang piraso ng purple na kamote ay bumalik na ito sa pagiging seryoso. Napalunok ako ng laway kasi pagdating sa pagpapaliwanag ay medyo kulelat ako at kay Jericho pa ako kailangang mag-explain kaya nakakatakot. “Bakit kailangan mo siyang patawarin sa kanyang ginawa sayo? Niloko ka niya! Sinaktan ka niya! Magpapaloko ka pa bang muli?” Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi dahil naguguluhan ako. “Dapat lang naman na patawarin ko siya, Jericho.” “Masasaktan ka lang,” binalaan niya ako. “Nope. Malabong mangyari ‘yon. Patatawarin ko siya soon dahil iyon ang tama. Isa pa, ayokong magtanim ng galit sa kanya. Gusto kong kalimutan na lang siya ng tuluyan at magagawa ko lang iyon kung pati ang galit ay mawawala sa puso at isipan ko.” “I’m sorry at iba ang inisip ko. Akala ko kasi ay makipagbalikan ka pa sa kanya,” tugon ng lalaki at sa tingin ko ay para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Tumawa ako ng malakas dahil naaliw ako sa sinabi niya. “Sa mga pocketbooks lang nangyayari ang gano’n. Kasi ako, bakit ako makipagbalikan sa taong nanakit sa akin?” “Paano kung madiskubre mo na mahal mo pa rin siya after ilang years ng paghihiwalay ninyong dalawa?” “Tapatin mo nga ako, Jericho! Wattpader ka ba? Kung anu-ano ang pumasok diyan sa isip mo,” saway ko sa kanya. “May nagkabalikan naman talaga sa totoong buhay, Kylie.” “Hmmm siguro meron pero sa amin ni Brent, malabong mangyari iyon. Alam mo kasi, kaya kong patawarin kahit anong kasalanan pa ‘yan, huwag lang ang cheating.” “What if manumbalik ang pagmamahal mo sa kanya? Kasi di ba, ilang taon mo rin siyang minahal,” sabi pa niya sa akin. Talagang sinubukan ni Jericho ang aking katinuan. Ngunit imbes na magalit at dapat pa akong magpasalamat sa kanya. Kung hindi pa niya ako tinanong, hindi ko malalaman na fixed na pala ang desisyon kong makipaghiwalay talaga kay Brent. “Posibleng manumbalik pero malabong mangyari,” sabi ko. “Bakit?” “Dahil may mahal na akong iba,” sagot ko ngunit huli na nang ma-realize kong nahuli ako sa bitag. “Sabi ko na nga at mahal mo rin ako,” nakangiti niyang wika sa akin at abot-taynga ang kanyang mga ngiti dahil sa nadiskubre. “Konti pa lang,” sabi ko kasi hindi na ako p’wedeng magkamali pa sa pagpili ng lalaki. “Lahat ng qualities sa isang lalaki na type ko ay nasa sayo na…well maliban sa isang bagay.” “Tulad ng ano?” “Iyong edad mo, my dearest Jericho. Malaking issue ‘yon dahil babae ako at ako ang mas matanda sa ating dalawa. Higit sa lahat, magiging issue rin ang pagiging may-asawa ko.” Napabuntonghininga na lang ako dahil wala na kasi akong magagawa tungkol sa aking nakaraan. “Age doesn’t matter naman, eh.” “Talaga ba? Sa tingin mo ba ay gagana sa atin ang linyang iyan? Anyway, nagsisimula pa lang naman tayo kaya pasensya ka na at advance lang ako mag-isip.” “Naintindihan ko naman kung bakit ganyan ka mag-isip,” wika niya habang kumuha ng isa pang kamote. “Wait lang at ikukuha kita ng maiinom,” sabi ko at baka mabulunan siya sa pagkain. Alam ko na tubig lang ang gusto niya pero may nabili kasi akong fit n right eh kaya nagdala na rin ako bukod sa tubig.”  “Ito lang ba ang gagawin natin ngayon? Ang kakain?” Iba ang dating ng kanyang tanong kaya dinilatan ko siya. “Hoy Jericho, kung may masama kang balak sa akin ngayon, naku ha, sinasabi ko sayo ay kalimutan mo na ‘yan!” “Ano’ng pinagsasabi mo? Gusto ko lang naman sanang magtanong kung may balak ka bang buksan ang tv mo.” “Iyon lang?”   Medyo napahiya ko do’n sa part na ako pa talaga ng nag-isip ng masama. Gusto lang pala nitong manood ng telebisyon pero ang isip ko ay napunta kaagad sa chukchakan. My god, kaagad akong nagbaba ng tingin habang siya naman ay tawang-tawa sa nangyari. Nang makabawi na ako, may naisip akong ipagawa sa kanya. “Hmmm Jericho, patingin naman ng mga daliri mo,” sabi ko sa kanya at kaagad na kumunot ang kanyang noo. Well, isa lang talaga ang masasabi ko. Hindi pa niya ako lubusang kilala at hindi ako papayag na maisahan. “Bakit?” Nagtanong siya. “Basta lang,” sabi ko. Akala ko ay hindi siya papayag sa gusto kong mangyari. Akala lang ‘yon kasi pumayag din naman ito sa huli at inilahad sa aking harapan ang kanyang kamay. Nabanggit kasi nina Lorena at iba pang kaibigan na kapag mahaba raw ang daliri ng isang lalaki ay mahaba rin ang manoy nito. Pero paano ko naman malalaman kung tama ba ang theory nila? “Bakit ba? Kung may balak kang lagyan ng kulay ang aking kuko, itigil mo na.” Gusto kong matawa sa sinabi niya ngunit pinigilan ko lang ang aking sarili dahil nag-alala ako na baka mahalata niya. “Ang cute naman ng mga daliri mo,” sabi ko ngunit bago ko siya mabitawan ay nagulat naman ako sa intense ng kanyang mga titig sa akin. Pagkuwa’y ngumisi ito at dinala ang aking kamay patungo sa kanyang malapad na dibdib. Kinabahan ako do’n, ah! Akala ko kasi doon niya ito dadalhin sa kanyang manoy.   “Mas cute ka kaysa mga daliri ko,” sabi niya habang nakatitig sa akin. Umismid ako at binawi ang aking kamay mula sa kanya. “Ikaw talaga, kung ano-ano na lang ang iniisip mo.” “Ako lang ba? Eh ikaw kaya itong mas advance mag-isip,” tinukso niya ako. “Ano ba ang inisip mo kanina at bigla ka na lang namula?” Aba at may gana pa talaga siyang tanungin ako. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo na inimagine ko na may gagawin kaming milagro na posibleng makabuo ng bata? Napailing na lang ako sa takbo ng aking isip. “Mabuti pa umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo,” suhestiyon ko. “Mamaya na. Hintayin ko ng makabalik si Ate Marian upang may kasama ka na,” wika niya at lihim na natuwa ang aking puso dahil sa concern niya. “Huwag mo ng galingan ng husto at baka mahirapan akong ipamigay ka sa iba kapag dumating na tayo sa punto na mag-aasawa ka na.” Sa wakas ay na-voice out ko rin ang isa sa mga kinatatakutan ko kung bakit ayoko pang mag-commit sa kanya. Hindi ako hipokrita na kukumbinsehin ko ang aking sarili na magiging okay lang kung mapunta siya sa ibang babae. “Advance ka talaga mag-isip. Nag-aaral pa ako at wala pa sa isip ko ang pag-aasawa,” sagot niya. “Tama ‘yan, Jericho.” “Huwag na Jericho ang itawag mo sa akin, ang haba kasi,” reklamo niya. “Eh ayoko rin naman sa Jericho pero ayaw mo kasing sabihin sa akin ang palayaw mo,” paalala ko sa kanya. “Pangit kasi ‘yon. Baby na lang ang itawag mo sa akin, at tatawagin na rin kitang baby ko.” “Seryoso?” Natawa ako sa suhestiyon niya. As in ‘baby’ talaga? Nakaka-ano naman ‘yon, masyadong pabebe. “Yes baby ko,” sagot niya sa akin at muntik ko na siyang mahampas ng purple na kamote dahil sa kakulitan niya. “So, baby na rin ang itawag mo sa akin?” “Ayoko nga!” “Mamatay man?” “Hoy grabe ka naman, huwag mo nga akong pini-pressure sa mga ganyang call sign,” sabi ko sa kanya dahil nakakaasiwa kasi na iyon ang tawagan namin. “Iba na lang,” pakiusap ko sa kanya. “Honey?” Honey ang dati naming tawagan ni Brent kaya hindi pwede ‘yon. “Ewww!” Sabi ko sa kanya. “Honey ang bet mo no?” “Baby na lang,”pagkuwa’y pumayag na rin ako kaysa patuloy niya akong kukulitin sa ‘honey’ na call sign. “Baby ano’ng gagawin mo mamaya?” “Ha?” Nagulat naman ako sa tanong niya. “As in effective kaagad?” Tinanong ko siya dahil inakala ko kasi nab aka sa susunod na araw na naming gamitin ang call sign na pabebe. “Yep,” sagot niya. “Bukas na lang, hindi pa ako sanay,” sabi ko sa kanya. “Paano ka masasanay kung hindi ka magsisimula ngayon?” Sabagay ay tama naman si Jericho. Paano ako masasanay kung hindi ko muna susubukan? Kaya lang ay naasiwa talaga ako sa call sign na ‘baby’ like it’s ewww lang para sa akin. “Tama ka,” sumang-ayon ako ngunit hindi pa rin kayang banggiting ang salitang ‘yon. “Hayaan mo at masasanay ka rin.” “Paano kung ma-inlab ako sayo ng todo-todo?” “Problema ba ‘yon eh todo-todo na nga itong nararamdaman ko para sayo,” sagot niya at napangiwi akong muli. “Loko-loko ka talaga, baby.” Wait, why naman gano’n? Kanina lang ang sabi ko ay mukhang matatagalan pa akong masanay na tawagin siyang ‘baby’ pero bakit sobrang easy naman palang banggitin? Napangiti ang lalaki dahil sa sinabi ko at pati rin naman ako ay natawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD