Ayoko na sanang magpaliwanag ng husto tungkol kay Kylie pero nakita ko sa mga mata ng mga kausap ko na parang gusto nilang malaman kung paano kami naging magkaibigan ni Kylie. “Kapatid siya ni Rejil,” sabi ko. “Rejil Ramos?” Tanong ni Anna na para bang kilalang-kilala nito si Rejil pero hindi nito kilala si Kylie. “Grabe naman ang pag-glow up niya,” dagdag pa ng babae. “Oo nga no, di ba, ang pangit niya dati?” “Tumigil na nga kayong dalawa,” saway ko sa dalawang babae na pinag-uusapan si Kylie kahit na walang ginagawa ang babae sa kanila. “Maupo ka na doon, Anna,” sabi ko sa kanya upang mauna na itong maupo kasi kanina ko pa napapansin na kakaiba ang tinging ipinukol ni Kylie sa akin. “Tabi na tayo! Hindi mob a na-miss ang bestfriend mo?” Hirit pa ni Anna. “Mauna ka na at may titi

