Napadaan kami sa kinauupuan ni Kylie ngunit may kausap ito sa phone habang kumakain kaya hindi ko na lang siya tinawag at dumiretso na kami sa cooler ni Anna. Pinagtulungan naming dalhin ang isang case ng malamig na beer pabalik sa kinauupuan ng mga kaklase ko. Hindi pa rin tapos si Kylie sa kanyang pagtelebabad at nagsimula na akong magtaka kung si Brent ba ang kausap niya o ibang lalaki. Nakita ko kasi siyang ngumiti. Nang maupo na ako, hindi ko inasahan na tatabi sa akin si Anna dahil hindi naman iyon ang kanyang pwesto kanina. At mas lalo lang akong nagulat nang umakbay siya sa akin. Pasimple kong inalis ang kanyang kamay mula sa balikat ko dahil ayokong ma-misinterpret ito ng makakita sa amin. Paglingon ko ay nakita kong kausap ni Kylie si Marian at nang tumayo ang babae ay kaagad

