Labag man sa kalooban ko ay sinunod ko pa rin ang utos ni Boss sa akin. Isa pa, may ticket na ako. Gusto ko sanang isama si Jericho ngunit may mga inasikaso pa rin kasi ang lalaki kaugnay sa paghahanda nito para sa nalalapit niyang board exam. “Bumalik ka kaagad baby. Alam mo naman na may paparating na bagyo, baka ma-stranded ka pa doon,” paalala niya sa akin. “Don’t worry, baby. Balikan na rin kasi itong ticket ko kaya huwag ka ng mag-alala dahil uuwi ako kaagad,” panigurado ko sa kanya na makabalik agad ako. “Sigurado ka ba na ihahatid mo ako bukas sa pier?” Tinanong ko siya at nang tumango ang lalaki ay kaagad na akong yumakap sa kanya. Ilang buwan na rin kaming magkarelasyon at ni minsan ay hindi niya ipinaramdam sa akin na nagsawa na siya sa akin. Hindi katulad ni Brent na nagsawa

