Pagsapit ng lunes, medyo balisa ako sa harap ng aking computer. Muli na namang lumilipad ang utak ko sa magiging future namin ni Jericho. Sa mga susunod na araw ay graduation na kasi ng lalaki at alam ko na pagkatapos ng graduation ay magre-review na rin ito para sa board exam. Habang papalapit ang araw na iyon ay nagsimula na akong mangamba. Kahit na ipinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal, hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na mag-overthink. Alam ko kasi kung ano ang pangraarap niya sa buhay dahil nabanggit niya sa akin iyon noon. Bawat araw ay kabado ako sapagkat alam kong may balak na magtrabaho sa abroad ang lalaki. May uncle kasi ito sa Canada, Electrical Engineer din, at noon pa man ay nabanggit na ni Jericho na gusto nitong sumunod sa yapak ng kanyang uncle.

