Nang makababa ako mula sa kanyang motorsiklo ay sinabihan ko siyang sumunod sa akin. Nagtungo ako sa aking silid at kumuha ng tuwalya at ibinigay ko sa kanya. “Maligo ka na rin doon sa silid ni Rejil. May mga damit pa naman siya doon, okey?”
Hindi nagsalita ang binata na sumunod sa sinabi ko at nagpunta sa silid ng aking kapatid at ako naman ay pumasok na rin sa aking silid. Kaya lang, makalipas ang isang minuto, kapwa kami lumabas na bitbit pa rin ang tuwalya. Walang tubig sa loob. “Naubusan siguro ng supply. Normal naman ito sa atin,” sabi ko. “Sa labas na lang tayo maligo,” at nauna na akong lumabas.
Kahit na may gripo na kami, hindi pa rin nawala ang istilo ng pang old school; ang pag-iimbak ng tubig ulan sa mga malalaking drum na nasa labahan namin. Kumuha ako ng tabo mula sa lagayan at binigyan si Jericho ng isa.
“Mauna na lang po kayo,” sabi nito.
“Sus, gusto mo bang magkasakit? Huwag ka ng mahiya, hindi naman ako maninilip, eh.” Pagkasabi ay bumunghalit ako ng tawa. Sa unang pagkakataon ay nakalimutan ko si Brent pero saglit lang.
“Hindi kasi tama,” reklamo nito.
“Ano ang hindi tama?”
“Na sabay tayong maligo,” sagot ng lalaki.
“Wee di nga! Ikaw, bahala ka, basta ako ay maliligo na kasi kanina pa ako giniginaw, eh.” Nagsimula na akong maligo nang biglang namatay ang ilaw. Brownout yata.
“Doon na muna ako sa loob,” sabi niya.
“What? Iiwan mo ako rito?” Tinanong ko siya at tumango lang ang lalaki. “ Paki-on na lang ang flashlight sa cellphone ko at ilagay mo diyan,” utos ko sa kanya. Baka may ahas sa paligid, at least makikita ko kaagad. Pagbalik ni Jericho, bitbit na nito ang aking cellphone ngunit imbes na ilagay lang sa cellphone ay hinawakan lang ito ng lalaki at nakatayo lang siya malapit sa akin. “Ngeh, doon mo iharap ang ilaw, huwag sa akin.” Napailing na lang ako ng tumalikod ito.
“Matatagalan ka pa ba?”
“Malapit na akong matapos. Ikaw kasi eh, kung ipatong mo na lang kaya ang ilaw upang makaligo ka na rin. Baka magkasakit ka pa niyan sa sobrang lamig. Sige na, maligo na lang at huwag mo akong intindihin.”
“Okay po,” sagot ng lalaki.
Kinabukasan ay maaga akong gumising at kaagad na nagtungo sa kusina upang magsaing ng kanin ngunit nasa kusina na pala si Jericho. Kagabi ay pinakiusapan ko siyang samahan ako sa pagtulog.
“Good morning, ang aga mong gumising, si EJ?”
“Tulog pa,” sagot ng binata.
Kagabi nang magpaalam si Jericho sa kanyang ina, hindi ko talaga inasahan na papayag ito. Nakahanda na kaming matulog nang biglang may kumatok sa labas. Si Jericho ang nagbukas ng pintuan at nakangiting pumasok si EJ na may dalang kulambo. Naalala ko tuloy ang aking yumaong pinsan dahil ganun din si Jay dati. Hindi makatulog kung walang kulambo sa paa.
“Kanina ka pa ba nagising?” Tinanong ko siya nang mapansin ko ang coffee mug sa gilid nito.
“Hindi kasi ako makatulog,” sagot ng lalaki.
“Ganun ba? Kawawa ka naman,” sabi ko. “More coffee?”
“Okay na ako,” sabi niya. “Pasensya ka na at pinakialaman ko ang kusina mo,” humingi ito ng paumanhin dahil lang sa isang tasa ng kape. How cute!
“Sandali at may kukunin lang ako,” sabi ko dahil hindi ko kasi naibigay sa lalaki ang aking bayad kagabi dahil biglang dumating si EJ at nagkwentuhan pa saglit.
Nang makabalik ako sa kusina ay naghintay na sa akin ang umuusok na kape. “Salamat, bakit ba ang bait mo sa akin?”
“Mabait po talaga ako sa lahat,” sagot niya.
“Okay fine,” sabi ko naman na medyo na disappoint ng slight sa sagot niya. Siguro ay inasahan ko na special ako sa kanya. Nag-assume kasi kasi, eh at iyon ang mali. Jusko naman! “Heto nga pala ang bayad ko,” at ibinigay ko sa kanya ang pera.
“Mas mabuti siguro kung tuturuan na lang kitang magmaneho kasi may motor ka na, eh. Sayang kasi ‘yong pera,” pahayag ng lalaki.
“Okay lang, hindi naman ako araw-araw na umalis ng bahay talaga. Basta salamat ha,” sabi ko.
“Wala ‘yon. Ako pa nga dapat ang magpasalamat kasi kumita ako ng pera kahit konti.”
“Kung magsalita ka, parang naghihirap kayo sa buhay, ano?” Biniro ko siya kasi kilala naman ang kanilang pamilya sa lugar namin bilang maykaya. Sa pagkakaalam ko ay may mga negosyo sa Canada ang isa nitong lola at hindi rin naman magpapatalo ang parents ng lalaki. Contractor ang ama nito samantalang ang ina ay may sarili ring negosyo.
“Nakakahiya na kasi sa parents ko kung lahat na lang ng bagay ay iasa ko sa kanila,” wika ng lalaki at napangiti ako. Plus points kasi sa akin kung may sariling diskarte ang isang tao.
“Ngayon pa lang ay alam ko ng maganda ang future mo,” sabi ko.
“As long as maganda ang performance ko sa present, panigurado na maganda ang future ko.”
“Ubusin mo na ang kape mo,” mungkahi ko sa kanya dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa. Pero infairness sa kanya, alam kong matalino siyang bata at para akong kolehiyala na attracted sa pinakamatalino sa aming klase.
“Okay,” sabi ng lalaki at inubos na nito ang laman ng kanyang tasa. “Gigisingin ko lang si EJ, may gagawin pa kasi ako sa bahay.”
“Sige, puntahan mo na siya.”
Nang makaalis ang dalawang binata ay kaagad kong inasikaso ang pagluluto ng almusal dahil baka darating na sina Marian at Karla. Habang nagsasaing ng kanin sa rice cooker ay nagprito rin ako ng daing na bangus at sa kabilang burner ay nagluto rin ako ng itlog. Sunny side up kasi iyon ang perpektong ipares sa daing bangus. Pagkatapos ng itlog ay nagprito rin ako ng chicken nuggets para sa anak ko. Paborito niya kasi ‘yon.
Nang marinig ko ang isang motorsiklo na huminto sa tapat ng bahay, kaagad kong hinanda ang mesa at hinintay na lang na makapasok ang dalawa. “Hi,” binati ko si Marian at hinalikan ko ang matambok na pisngi ng aking baby girl. “Breakfast na tayo,” sabi ko.
“Tapos na kami,” sagot ni Marian. “Hindi kasi pumayag si Mama na aalis kaming hindi kakain, kaya busog na ako at pati na rin si Karla.
“Kaya pala inaantok na ang isang ‘yan,” sabi ko.
“Papatulugin ko muna siya sa silid at babalik ako para masabayan kita. So what kung busog ako eh masarap ang niluto mo?”
“Okay,” sabi ko habang naglagay ng kanin sa dalawang pinggang. Nang bumalik si Marian, nagsimula na kamig kumain.
Normal na sa aming dalawa na mag-uusap habang kumakain. Kung anu-ano na lang ang napag-usapan namin ni Marian at malaki ang pasasalamat ko sa Maykapal na hindi ako iniwan ni Marian. At least may ka-vibes ako sa lugar namin. Ang hirap kasi kapag wala. Alone na nga, lonely pa!
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta ako sa likod ng bahay upang maligo habang si Marian ay naghuhugas ng pinagkainan naming dalawa. Tinanong niya kung gusto kong maligo sa labas gayung may water supply naman sa loob. Eh mas bet kong maligo sa malamig na tubig ng ulan, eh!
Kaya lang, muntik na akong ma-frozen sa sobrang lamig kaya binilisan ko at wala pang singko minutos ay tapos na akong maligo. Nagtapis ako ng tuwalya at inilagay sa isang timba ang nabasa kong damit at babalikan ko na lang.
“Ayyyyy!” Napatili ako nang bigla akong bumagsak sa semento. Nag-ingat naman kasi ako, eh pero bakit bigla na lang akong nadulas at sumadsad sa semento?
Masyadong mabilis ang pangyayari kanina pero sinugurado ko na hindi masasaktan ang aking ulo kaya itinukod ko ang aking siko upang mabawasan ang impact sa aking pagbagsak. Kinabahan ako sa nangyari lalo na nang hindi ako kaagad nakabangon. Nakatingala lang ako sa asul na ulap at binalikan ang pangyayari. Narinig ko ang yapak at boses ni Marian na papalapit sa akin.
“Kylie, ano’ng nangyari?”
“Nadulas ako at bumagsak sa semento,” sabi ko habang sinubukan muli na tumayo. “Aray, ang sakit naman ng balakang ko, masakit din ang aking siko,” reklamo ko kay Marian.
“Patay! Sa tingin ko ay kailangan mong magpahilot, baka may nadaganan na ugat kaya masakit,” pahayag ni Marian na ikinatakot ko ng sobra dahil ayokong ma-invalid lalo na at malapit na ang kaarawan ni Karla.
“Kaya ko pa naman, eh. Mamaya na lang ako magpahilot,” sabi ko at tumango lang si Marian habang tinulungan akng makatayo.
Pagpasok namin sa bahay at dumiretso ako sa aking silid upang magbihis. Kailangan ko na kasing tapusin ang pag-layout dahil ipa-print ko pa. Tutal ay nasa bahay lang naman ako, isang maikling short na pinarisan ko ng sphagetti strap tank top ang aking napiling isuot.
Maayos pa naman ang aking pakiramdam habang nagtatrabaho kaya lang pagsapit ng hapon ay halos hindi ko na maigalaw ang aking isang kamay dahil sa sobrang sakit at medyo namamaga na siya. Lumabas ako ng silid at dumiretso sa sala kung saan nanood ng chuchu tv ang dalawa.
“Tingnan mo,” sabi ko sa babae.
“Mabuti pa ay magpahinga ka muna Kylie,” mungkahi ni Marian.
“Sa tingin mo ba ay magiging okay lang ‘to?”
“Siguro, pero kung sakaling lumala ‘yan, magpahilot ka na,” sagot ng babae.
Bumalik ako sa silid at nahiga kaya lang ay aksidente kong naitukod ang aking siko at napahiyaw ako sa sakit. Nang tumingin ako sa salamin, bahagya akong nabahala dahil ang aking kanang kamay kasi ang namamaga. Maibalik pa kaya ito sa normal?
Dahil sa takot ay kaagad akong nagtext kay Jericho na may lakad ako at kailangan ko ang tulong niya. Matagal bago nagreply ang binata kaya muntik na akong mawalan ng pag-asa. Nagulat na lang ako nang tinawag ako ni Marian dahil nasa labas daw si Jericho at hinintay ako.
Sandali akong nataranta dahil hindi ako nakabihis at syempre ayokong maghintay siya ng matagal. Ang ginawa ko ay pinatungan ko na lang ng hoodie ang suot kong pambahay. Kinuha ko ang aking wallet at lumabas na upang puntahan si Jericho.
“Hi EJ, sumama ka pala sa Kuya mo,” binati ko ang kapatid ni Jericho.
“Okay lang ba?”
“Syempre! Bakit naman hindi,”sabi ko.
“Ano’ng nangyari?Okay ka pa naman kanina, ah.” Si Jericho ang nagsalita.
“Nadulas kasi ako kanina,” paliwanag ko.
“Ang tigas kasi ng ulo, sinabi ko na sa loob na siya maligo, gusto talagang lumabas, kaya ‘yan ang napala niya.”
Pagkatapos magsalita ni Marian ay napatingin sa akin ang dalawang binata at bawat isa ay nakasimangot. “Hindi ko naman sinadyang madulas,” paliwanag ko.
“Tara na,” sabi ni Jericho.
Bitbit ang aking wallet ay umangkas ako sa motorsiklo ni EJ. “Saan ba kayo nanggaling?” Tinanong ko sila dahil hindi ako naniwala na galing sa kanilang bahay ang mga ito. “Malayo ba ang tagahilot?”
“Sa kabilang baryo, Ate Kylie,” sagot ni EJ.
Mabuti pa si EJ at marunong gumalang sa nakakatanda. Si Jericho kasi, hay ewan ko na lang sa kanya. Kung ituring kasi ako ay parang magka-edad lang kaming dalawa. Habang tumatakbo ang motorsiklo ay nakaramdam ng pangangalay ang aking problemadong kamay.
Dahan-dahan kong inilapit sa ulo ng lalaki ang aking bibig at bumulong ng, “Okay lang ba kung ipatong ko sa hita mo itong na-injured kong kamay? Kanina pa kasi ako nangangalay, eh.”
“No problem po,” mahinang sagot ng lalaki.
“Thank you, Jericho.” Kaya lang, napansin ko na para na akong nakayakap sa kanyang baywang.
“Ate Kylie, warning lang po na medyo lubak-ubak ang daan patungo sa bahay ng tagahilot, baka malaglag po kayo.”
“Hindi naman siguro,” sagot ko.
Nang mapadaan kami sa lubak-lubak na daan ay hindi na ako nag-inarte pa at hinawakan ko ang kanyang damit. Kaya lang ay biglang huminto si EJ at hindi ko na naiwasan ang paglapat ng aking dibdib sa kanyang likod.
“Malayo pa ba tayo?” Tinanong ko si Jericho nang muling tumakbo ang motorsiklo.
“Malapit na,” sagot niya.
“Mabuti na lang,” sabi ko.
Habang tumatakbo ang motorsiklo, kaagad kong pinagalitan ang aking sarili kasi nakaramdam ako ng kakaiba kanina at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kakaiba. Bigla na lang napansin ko kung gaano kainit ang balat ni Jericho at para na akong mapaso.
Ewan ko ngunit bigla na lang nabuhay ang pagnanasa sa aking katawan at sa tingin ko ay hinanap ko ang paglalambing sa akin ni Brent noon. Pinapaalala ko sa aking sarili na may asawa akong tao at hindi tama na pagnanasahan ko ang binatilyo. Naku, baka masabunutan pa ako ng kanyang ina.
Nang sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay ng tagahilot. Ako ang naunang bumaba, sumunod si Jericho at panghuli si EJ. Tinawag nila ang pangalan ng matanda at nakailang tawag na sila bago may dumungaw sa bintana.
“Hello Katrina, nariyan ba ang Lolo mo?”
Napailing na ako sa istilo ni EJ. Dumada-moves kasi ito sa dalagitang dumungaw sa may bintana kaya lang ang mga mata nito ay nakatuon kay Jericho at hindi kay EJ. Ang saklap naman! “Magpapahilot sana,” sabi ko.
“Next week pa uuwi si Lolo, lumuwas po kasi ng Maynila,” sagot ng babaeng tinawag ni EJ ng Katrina.
“Ganun ba? Sige, salamat.” Bumagsak ang aking balikat sa nalaman dahil kanina ko pa naramdaman na parang lumala ang sakit. “Paano na?”
“May hilot pa naman pa naman sa kabilang barangay,” sagot ni Jericho.
“Ano? Wala bang mas malapit dito?” Malayo na kasi ang ibiniyahe namin at nakaramdam ako ng gutom. “Gutom na ako.”
“Kumain muna tayo,” wika ni Jericho.
“Gusto ko ng siomai,” sagot ko.
“Malayo po ang siomai, nasa kabilang bayan.”
“Ah sige kahit ano na lang.”
“Puntahan na natin te, baka makunan ka pa,” pabirong sabi ni EJ.
Sa pagkakataong papunta na kami sa kabilang bayan, hindi na mabagal ang pagpapatakbo ni EJ. Halos maluha na nga ako sa sobrang bilis namin at bahagya akog natakot kaya mahigpit akong kumapit sa baywang ni Jericho.
Pagdating namin sa kabilang bayan, halos hindi ako makababa mula sa motorsiklo sa sobrang pangangalay ng aking mga hita. Kinailangan pa ni Jericho na mauna at saka inalalayan niya ako. “Salamat,” sabi ko. Panay ang ngiti ni EJ na para bang tuwang-tuwa sa mga nangyari samantalang ako ay nabahala ng konti na baka mapagalitan ang dalawa ng kanilang magulang.
Nang makapasok na kami sa mall, si EJ ang leader naming tatlo at napailing na lang kami ni Jericho habang nakasunod sa kanya. Nang makita ko ang aking sarili sa malaking salamin, napasinghap ako bigla.
“Bakit?” Nagtanong si Jericho.
“Ang suot ko,” sabi ko sa kanya.
“Huwag mo na lang isipin na ganyan ang suot mo, tara na.”
Sinunod ko ang kanyang mungkahi na kalimutan ko na muna kung gaano kaikli ang aking suot na shorts at kung paano ako tinitingnan ng mga tao sa mall. “Baka iisipin nila pokpok ako,” sabi k okay Jericho.
“Magiging pokpok kaagad dahil sa ikli ng damit? It’s fashion,” sagot ng lalaki.
Gusto kong matawa sa sinabi niya pero nag-alala ako na baka ma-offend siya dahil pinagtatawan ko siya. Nang makarating kami sa stall na may siomai, si EJ na rin ang nag-order at tahimik lang kami ni Jericho.
Pagkatapos naming kumain ay bumili kami ng zagu at inubos namin ‘yon bago lumabas ng mall. “Baka may bibilhin kayo sa loob, p’wede tayong bumalik.”
“Wala kaming bibilhin,” sagot ni Jericho.
“Ate,” tawag ni EJ sa akin.
“Bakit?”
“Tingnan mo sa salamin, parang kakaiba ang form ng braso mo,” sagot niya.
Bahagyang umangat ang aking kilay sa pag-akalang biniro lang ako ni EJ kasi nga, paano naman niya masasabi ‘yon eh nakasuot nga ako ng hoodie. Ganunpaman ay tumingin ako sa salamin at mukhan may kakaiba nga.
“I’m scared,” sambit ko sa mahinang boses.
“Kaya ni Lolo Biloy ‘yan,” panigurado ni Jericho at medyo lumakas ang aking loob.
“Tara na,” hiling ko sa kanilang dalawa.
“Okay,” sagot ni EJ at nauna na itong sumampa sa motorsiklo.
Habang nakasunod ako kay Jericho ay napansin kong gumalaw ang kanyang balikat at nang bigla akong sumulpot sa kanyang harapan ay nahuli kong tawang-tawa ito. “What’s funny?”
“Masyado ka kasing nerbyosa,” sagot ng lalaki na halatang nagulat nang bigla akong lumundag sa harap niya.
“Kung ikaw kaya ang nagkakaganito!” Inirapan ko siya at nauna na akong sumakay sa may likuran ni EJ ngunit pinababa ako ni Jericho. “Bakit?”
“Ako diyan,” giit nito.
“Bakit nga?”
“Basta!”
“Okay, fine!” Bumaba ako at hinintay na makasakay siya bago ako sumampa. “EJ bilisan mo ha para makarating tayo kaagad.” Nang binilisan ni EJ ang pagpapatakbo, muli akong nagreklamo dahil sa sobrang bilis. “Bagalan mo ng konti,”utos ko.
“Ikaw na lang kaya ang magmaneho,” sagot ni Jericho kahit hindi siya ang aking kinausap.
“Kung alam ko lang, hindi ako magpapa-drive sayo,” sabi ko kaya lang pagkalipas ng ilang sandali, bakit pakiramdam ko ay ang sagwa ng aking sinabi? Nang mapansin kong hindi umimik ang lalaki ay inilapit ko sa kanyang mukha ang aking aking mukha at bumulong ng, “Sorry na po, bati na tayo?”
Matagal bago sumagot ang lalaki kaya inakala ko talaga na hindi na niya ako muling kausapin pa. Ganunpaman, hindi ako dapat malungkot. Sino ba siya sa buhay ko? Kung ayaw niya akong kibuin, eh di bahala siya! Hindi sasakit ang tiyan ko dahil sa pang-iisnob niya sa akin.
“Bati na tayo please? Ayokong magalit ka sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Kasi wala ka ng driver, binobola mo pa ako,” sagot ng lalaki.
Tumawa ako ng malakas sabay kurot sa kanyang tagiliran. “Ang cute mo talaga kapag naiinis ka,” sabi ko. Pero teka, nakipag-flirt ba ako kay Jericho?
“Pero ikaw ay hindi cute,” tila nananadya si Jericho at gumanti.
“Salbahe nito,” sabi ko.
“Nagsasabi lang naman po ako ng totoo,” giit ng lalaki.
“Tumigil ka na, ikaw ha, malapit ka na talagang makakatikim sa akin!”
“Okay lang, mukhang masarap ka naman,” sumaot siya.
“Ano?”
“Wala,” sabi niya pero narinig ko naman ang una niyang sinabi.
“Ano’ng wala eh may sinabi ka kaya kanina, hindi ko lang narinig kanina.’
“Ang sabi ko, mukhang masarap ka naman.
Tinampal ko ang kanyang braso dahil hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi. “Bastos mo,” sabi ko.
“Hindi ka talaga mabiro. O baba na, narito na tayo.”
Ang sabi ni Jericho sa akin ay dumating na raw kami. Huminto na rin si EJ pero nagtaka ako kung bakit wala akong makitang bahay. Nabulag ba ako? Hindi naman siguro dahil nakita pa naman ang dalawang binatilyo.
“Saan? Wala namang bahay dito,eh.”
“Talagang wala kasi nasa tuktok nitong bundok ang bahay ni Tay Biloy at hindi kaya ng motorsiklo na umangat kaya lalakarin na lang natin,” wika ni Jericho.
“Ganun ba? Eh di tara na,” sabi ko sa kanilang dalawa.
“Kakayanin mo kaya?”
“Ano’ng akala mo sa akin? Weak?” Nakipagsagutan pa ako sa kanilang dalawa ni EJ ngunit ipinagtanggol ko lang naman ang aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay itinuring nila akong mabigat at malusog. Hindi ako sobrang slim na klaro na ang buto malapit sa leeg, pero hindi rin naman ako overweight. Tama lang talaga ang aking katawan kung ako lang ha, pero baka iba ang standard ng dalawang kasama ko.
“Mataba ba ako?”
“Malaman at sexy po, Ate,” tugon ni EJ.
Actually kanina ko pa napapansin na iba kung magsalita si EJ kay ni Jericho. Si Jericho kasi ay iniisip muna ang bawat kataga na lalabas sa bibig nito. Maingat ang lalaki na hindi maka-offend ng kapwa o sadyang nasanay na talaga ito dahil sa pagiging SK Chairman nito sa barangay namin.
Pakiramdam ko ay halos mabiyak na aking dibdib nang marating namin ang tuktok ng bundok. Nang lumingon ako sa aking mga kasama, chill lang silang dalawa, samantalang ako ay halos mamatay na!
“Si Tatay Biloy ba ‘yon?” Tinanong ko sila habang itinuro ang isang matandang lalaki na gumagawa ng apoy sa harap ng kanyang bahay. Nang tumango si Jericho, kahit hinihingal pa ako ay kaagad kong nilapitan ang matanda.
“Ate sumigaw ka lang ha at narito lang kami,” bilin ni EJ at biglang kumunot ang aking noo dahil ko naintindihan kung bakit kailangan ko pang sumigaw eh magpapahilot lang naman ako sa namamaga kong siko.
Napailing na lang ako habang patuloy na naglakad palapit sa matanda na kaagad namang pumasok sa maliit na balconahe ng bahay nitong gawa sa nipa kawayan nang makita akong papalapit. “Magandang gabi ho Tay, magpapahilot sana ako,” sabi ko sa kanya.
“Halika at maupo ka muna habang titingnan ko ‘yan,” sabi niya.
“Salamat po,” sagot ko at kaagad kong hinubad ang suot kong hoodie upang mas matingnan niya ng maigi. Malamig ang hanging dumampi sa aking balikat at braso nang alisin ko ang hoodie.
“Mukhang kanina pa ‘to. Kumapit ka diyan sa may haligi upang malagyan kita ng gamot,” sabi niya at sumunod naman ako. Palinga-linga ako sa paligid at nang makita ko ang isang garapa ay kaagad akong nag-assume na ‘yon ang gagamitin niyang panglunas sa namamaga kong siko.
Tumingin ako sa gawi ni Jericho at nagkibit lang ito ng balikat nang magtagpo ang aming mga mata. Nang ibinalik ko ang aking tingin sa matanda ay ngumiti pa ako sa kanya nang himasin niya ang namamagang bahagi.
“Sa tingin mo ba Tay ay magiging okay pa itong siko ko?”
“Baki naman hindi? Tinawag ka yata ng kasamahan mo,” sabi niya at kaagad kong nilingon sina Jericho at EJ na nagtatawanan at habang nakakunot ang aking noo na nakatingin sa dalawa ay bigla na lamang hinatak ng matanda ang aking kamay. As in, napasigaw ako sa sobrang sakit habang sina Jericho at EJ ay ngumisi lang.
“Tay, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na masakit?” Muntik ng tumulo ang aking luha kanina habang nakakita ng bituin sa sobrang sakit. Iyong narinig ko ang tunog ng mga butong inayos niya.
“Kasi kung sinabihan kita, baka matakot ka lang. Igalaw-galaw mo lang siya para masanay,” sabi ng matanda habang pinahiran nito ng lana o liniment ba ‘yon ang aking braso.
“Eh paano ko naman ito igalaw-galaw eh ang sakit kaya!”
“Basta ang importante ay okay na ‘yan,” saad ng matandang hilot.
“Salamat po,” sabi ko at binigyan ko siya ng dalawang-daang piso bilang donasyon. Gusto ko sanang isuot muli ang aking hoodie pero nahirapan ako kaya binitbit ko na lang ito nang ako’y lumabas. “Hindi mo man lang nabanggit sa akin na masakit ang gagawin niya,” kinompronta ko si Jericho.
“Eh matatakutin ka kasi pero at least okay na, di ba?”
“Ano’ng okay? Tingnan mo nga itong kamay ko, naka-straight na lang siya, Jericho! Ni hindi ko nga maisuot muli itong hoodie,” nagreklamo ako.
“Bukas siguro ay magiging okay na ‘yan,” sabi ng lalaki.
“Sana nga! Paano ako maliligo nito? Paano ako kakain?”
“Narito lang naman ako, pati na rin si EJ. Huwag ka ng mag-aalala kasi i-assist ka namin,” pangako ng lalaki ngunit hindi ako naniwala.
Pakiramdam ko ay para akong isang robot nang bumaba kami ng bundok. Hindi ko kasi maigalaw ang isa kong kamay, ni hindi ko siya kayang i-bend. As in naka-straight lang talaga siya! Pansamantalang nawala sa aking isipan ang layo ng aming nilakad at pagdating namin sa baba ay parang walang nangyari sa dalawa na pinaandar ang motorsiklo.
“Dahan-dahan naman po, EJ. Masakit kasi tuwing maigalaw ko siya,” pakiusap ko sa driver.
“Okay Madam,” sagot ng binata.
Hindi ko inasahan na sa aking pagbabalik a probinsya ay makatagpo ako ng mga bagong kaibigan na siyang dahilan upang magbago ang pananaw ko sa buhay. Saka ko lang napagtanto na masyado ko kasing minadali ang lahat noon kaya sa bandang huli ay nadapa rin ako.
Sinabihan ko ang aking sarili na itigil na ang aking ilusyon kaugnay kay Brent. Kaya lang ay wala ng mas masakit pa nang mapagtanto ko na never pala niya akong minahal. So ano lang ba ang role ko sa buhay niya?
My God! Nakakababa ng tingin ang mga ginawa ko kay Brent noon, kaya lang ay masaya naman ako noong panahon na pinagsilbihan ko siya ng husto. Ipinikit ko ang aking mga mata at sa aking pagpikit, isang desisyon ang aking nabuo; ang kalimutan siya ng tuluyan at magbagong buhay na lang kasama sina Karla at Marian.
Iyon talaga ang gagawin ko kasi ayoko ng mag-aksaya ng luha para sa taong wala namang pagmamahal sa akin. Tama na ang pagsasakripisyo ko para sa ngalan ng pag-ibig! Panahon na upang bumangon ako mula sa aking pagkabigo at hindi ako dapat matakot dahil bata pa naman ako sa edad na bente-sais. Kung hitsura lang din ang pag-uusapan, hindi naman ako pangit, eh! Siguro ay hindi pang Miss U ang datingan ngunit ang masasabi ko lang ay nasa taong tumitingin naman ang kagandahan ng isang tao.
Kinaumagahan, maaga akong gumising upang i-revamp an gaming bahay. Muli kong pinalitan ang mga kurtina, iyong bold na kulay na angkop sa aking personalidad, at itinapon ko na rin ang mga walang kwentang bagay.
Pagkatapos ay saka ako nagluto ng almusal. Simple lang naman ang aking niluto, eh. Ginisang corned beef lang na may maraming onions kaya wala pang trenta minutos ay nakahanda na sa mesa ang aming pagkain kasama ang umuusok na tsokolate.
Hindi ko na hinintay na lumabas sina Marian at ginising ko na siya. As usual ay tulog mantika pa rin ang aking anak kaya hinayaan na lang namin ito. “Magpapa-haircut ako mamaya,” sabi ko kay Marian habang kumuha ng corned beef.
“Classic na galawan,” tugon ni Marian.
“What do you mean?”
“Old school na masyado ang magpa-haircut tuwing heartbroken at gustong mag move on, bakit hindi mo subukang magpakulay ng buhok? O di kaya ay magpakulot? Sa tingin ko ay mas lalo kang gaganda kung may bangs ka,” suhestiyon ng babae.
“Sasamahan mo ako?”
“Si Jericho na lang, magpahatid ka sa beauty parlor. By the way, muntik ko ng makalimutan na sabihin sayo. May nasagap kasi akong tsismis kahapon mula sa mga pamangkin ko,” sabi ni Marian.
Habang nakinig ako sa kanya ay mas lalo lang akong naging interesado kung ano ang tsismis na nasagap ng babae. “Tungkol ba sa akin?”
“Hindi! Masyado kang paranoid, ano? Tungkol kay SK Chairman na driver mo,” pahayag ng babae.
“I don’t think na nagustuhan ko ang sinabi mong driver ko si Jericho. Bakit ba? Ano’ng meron? Pinagtsismisan ba kami ng mga kapitbahay?”
“Masyado kang advance mag-isip. Bakit naman kayo pag-uusapan ng mga tsismosa eh wala naman kayong ginawa? Matagal ng suma-sideline si Jericho sa pamamasada upang mabili nito ang kanyang gusto na hindi humihingi mula sa magulang niya.”
“Sabihin mo na kasi! Masyado kang pa-thrilling eh!”
“Maglalaro siya ng basketball mamaya sa plaza. Alam mo naman na malapit na ang barangay day dito sa atin,” sabi niya.
Oo nga at alam ko ang nalalapit na barangay day ngunit wala naman akong pakialam doon. “O ano ngayon kung maglalaro siya?”