CHAPTER 5

4855 Words
Napailing na lang ako habang nakatanaw sa binatilyong papaalis. May saltik yata sa ulo ang isang ‘yon, eh! Baka sa sobra nitong seryoso sa pag-aaral kaya nawala na ito sa sarili. Minabuti kong kalimutan na lang muna ang sinabi ni Jericho kanina. Actually, hindi ko naman siya dapat isipin eh o seryosohin man lang. Bumalik ako sa aking ginawa kanina sa kusina at binilisan ko ng konti ang aking mga kilos dahil balak kong bumili ng scooter na magagamit namin sa araw-araw. Hindi ako marunong pero kaya ni Marian na magmaneho. Pagsapit ng alas-tres ay naisipan kong umalis na lang ng bahay kasi natulog pa sina Marian at Karla. Syempre, ayokong maistorbo ko ang kanilang pagtulog kaya hinayaan ko na lang at mag-isa akong umalis. Malapit na ako may eskina nang makasalubong ko si Jericho. Awtomatikong kumunot ang aking noo dahil sa tingin ko ay pupunta siya sa amin o di kaya sa kapitbahay namin. Maliit lang ang daanan kaya wala akong ibang choice kundi ang ngumiti sa kanya. “May lakad po kayo?” “Malamang,” sagot ko. “Pupunta sana ako sa inyo eh, heto o, nagluto kasi kasi ng biko si Lola,” sabi nito habang ibinigay sa akin ang lagayan na may biko. “Akin na,” at inilagay ko ito sa aking bag dahil maantala na ng husto ang aking lakad kung babalik pa ako sa bahay. “Saan ba ang punta mo?” “Bibili ng motorsiklo,” sagot ko. “Marunong ka?” “Hindi. Pero babayaran ko na at ipapakuha ko kay Marian bukas,” paliwanag ko sa kanya at mukhang naintindihan naman nito ang aking sinabi kasi tumango ang lalaki. “Sige ha,” sabi ko. “Sasamahan na kita,” alok ng lalaki. “Bakit?” “Marunong akong magmotorsiklo kaya tara na,” sabi pa nito at hindi man lang nag-alinlangan na hawakan ang kamay ko. Hinila ko ang aking kamay mula sa lalaki dahil nag-alala ako na baka may makakakita sa amin, ma-tsismis pa kaming dalawa. “Bata ka pa pero andami mong alam na mga ninja moves,” sabi ko sa kanya nang makawala ako mula sa kanyang mahigpit na pagkahawak. “Sinubukan ko lang kung gagana, pero mukhang hindi naman,” sagot  nito at napailing na lang talaga ako. “Magpaalam ka muna sa inyo,” mungkahi ko kasi kilala ko ang mga magulang ng lalaki at ayaw niyang mag-alala ang mga ito. “Hindi ka takot sa mga parents ko?” “Ha? Bakit naman ako matatakot eh wala naman tayong gagawing masama,” sabi ko. “Kung hindi sila papayag, ibig sabihin ay hindi ka p’wedeng sumama sa akin,” sabi ko sa kanya at kaagad na nakasimangot ang lalaki. “Alam naman nilang pupunta ako sa inyo,” nagpaliwanag ang lalaki. “Oo nga pero hindi naman nila alam na sasamahan mo ako,” paliwanag ko sa kanya. “Kay Lola na lang ako magpapaalam, nasa tindahan siya. Hintayin mo ako Kylie ha, promise, mabilis lang ako,” sabi ng lalaki. Tumango lang ako pero ang totoo ay wala akong balak na hintayin talaga siya dahil sigurado naman ako na hindi ito papayag. Nang makaalis ang lalaki ay muli akong naglakad papuntang highway pero nagulat ako nang biglang huminto ang isang motorsiklo sa aking tapat. “Ano’ng ginagawa mo?” “Sabi ko na nga ba at iiwan mo ako,” sabi nito at napairap na lang ako. “Bakit naman kasi kita hihintayin?” “Kapatid ko nga pala, si EJ. Halika na, sakay na,” alok ng lalaki. Napatingin ako sa dalawang binatilyo na halos magkasing-edad lamang ngunit mas malaki ang pangangatawan ni EJ kaysa kay Jericho. Kung ako lang ha, masasabi ko na araw-araw silang nagpupunta sa gym upang ma-achieve ang kanilang mga katawan. Kaagad akong nag-iba ng tingin nang mapatitig ako sa dibdib ni EJ at napahiya ako ng konti nang mapansin ito ni Jericho. Pinagalitan ko ang aking sarili dahil hindi dapat ganun. Mas lalong walang mangyayari sa amin ni Brent kung sakaling buksan ko muli ang aking puso at hita. “Saan ako sasakay? Eh kayong dalawa pa lang ay siksikan na, kawawa naman ang motor,” sabi ko. “Okey lang tutal sa pag-uwi natin ay may motorsiklo ka na naman at ako ang mag-drive,” sabi ng binata. “To be honest, hindi mo na kailangang gawin ‘to,” paalala ko sa kanya. “Gusto naming makatulong Kylie,” sagot ng binata. Ilang ulit akong tumanggi ngunit mapilit si Jericho at ewan ko ba kung bakit nagawa nitong baguhin ang aking desisyon. Si EJ ang nagmaneho at kasunod nito si Jericho. Nasa likod naman ako ng lalaki at habang tumatakbo ang motorsiko ay pilit kong ihinarang ang aking kamay sa likod ng lalaki upang hindi nito maramdaman ang aking dibdib. Ganunpaman, ang hirap ng posisyon namin. Pagdating namin sa DES, sabay na kaming pumasok at kaagad na tiningnan nag mga scooter na naroon. May kamahalan ang MIO lalo na at kailangan ko sanang maghinay-hinay sa gastos. Kaya lang, kailangan ko ang motor dahil hindi naman uso ang jeep o trisikel sa baryo ng San Roque. “Nakapili ka na ba?” Si Jericho ang nagtanong. “Itong kulay pink ang gusto kong bilhin,” sabi ko, at kaagad na nitong tinawag ang agent na mag-assist sa amin. Pagkatapos kong bayaran ang MIO ay iminungkahi ni EJ na mamasyal muna kami o di kaya ay kumain. May isang stall daw malapit sa simbahan na nagtinda ng mga fried na pagkain at iba pang turo-turo. Sumang-ayon naman si Jericho sa plano ng kapatid nito at wala akong magawa kundi ang sumama sa kanila. Pagkatapos kong sumampa sa motosiklo ay kaagad na kaming umalis. Iba si Jericho dahil swabe itong magpatakbo, hindi katulad ni EJ kanina na halos biyaheng impyerno na para bang may humahabol sa amin. Si Brent din ay biyaheng impyerno rin kung magmaneho pero teka nga muna, bakit may comparison? I should spank mysel for doing so!  “Bakit naghiwalay kayo ng asawa mo?” “Basta,” ang tanging sagot ko sa kanyang tanong ngunit nilakasan ko ng konti ang aking boses upang magkarinigan kaming dalawa. “Hmmm, p’wede mo bang bilisan ng konti? Ang init kasi eh, nakakatuyo ng eyeballs,” reklamo ko sa kanya. “Sabi mo, eh.” “Ay!” Napatili ako at biglang yumakap sa baywang ng lalaki. From 30kpm to 80kpm na kaagad ang takbo namin at bahagya akong natakot kasi nasa-highway pa naman kami at maraming bus. Nang tumingin ako sa gawi ni EJ, ngumisi lang ito bago binilisan ang pagmamaneho at nauna na ito sa amin ni Jericho. Isang umaga, habang diniligan ko ang mga san franciso na bagong itinanim ni Marian ay nakaramdam ako ng matinding kalungkutan. Pakiramdam ko ay para akong binagsakan  ng buong mundo. Sino ba naman kasi ang hindi malungkot sa sinapit ko? Ang bata ko pa ngunit ipinagpalit na at iniwan ng asawa.  “Good morning, Kylie, bakit ka nakasimangot?” Hindi ko na kailangang lumingon pa upang makilala ang nagsalita kasi alam ko na si Jericho ang bisita ko kahit hindi pa sumikat ang araw. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti sa kanya kahit na gusto kong mang-snob. “Bawal ba?” “Hmmm hindi naman pero nakakabawas ng kagandahan,” sabi ng lalaki. “Ipinapatanong ni Lola kung gusto mo raw ba ng Tableya? Marami kasi kaming harvest last month kaya hayun at maraming nagawa na Tableya,” paliwanag ng lalaki. “O nasaan ang Tableya?” “Nasa bahay. Ipinapatanong pa lang po kasi,” sumagot ito. Pinatay ko ang tubig at hinarap siya habang nakapamaywang. “Hindi ko alam kung nananadya ka ba o ano! Umamin ka, nagsinungaling ka lang tungkol sa Tableya no?” “Hindi ah!” Giit ng lalaki. Tumaas ang aking kilay sa sinabi niya dahil parang may ideya na ako kung bakit pabalik-balik ang lalaki sa bahay.  “O kunin mo na,” hinamon ko siya. “Okay, saglit lang.” Nang makaalis ang lalaki ay ilang beses akong napailing sa inasal nito. Mali ang akala ko na nagsinungaling ang binata dahil nakabalik ito kaagad na may dalang Tableya at may bonus pang puto-maya. Sandali kaming nagkatitigan habang ibinigay niya sa akin ang lagayan at saka ko lang napansin kung gaano kahaba ang kanyang mga pilikmata. My god, nahiya naman ang eyelash extension ko na malapit ng ipa-retouch!  “Next time kasi, i-text mo na lang ako upang ako na ang kukuha, hindi iyong pabalik-balik ka rito na parang tanga,” sabi ko sa kanya ngunit biglang nag-iba ang ekspresyon nito nang masabihan ko siyang tanga. “I didn’t mean it that way, I’m sorry.” “Okay lang, naintindihan ko naman. Gusto nga kitang i-text eh pero hindi ko naman alam ang number mo,” pahayag ng lalaki. “Ang smooth mo talaga, sanay na sanay,” sabi ko bago idinikta sa kanya ang aking mobile number. “Next time kung may sadya ka sa akin, i-text mo lang ako,” sabi ko. Actually, ilang araw ko ring pinag-isipan kung tama lang ba na tanggapin ko siya bilang kaibigan. Naisip ko lang na bakit nga ba hindi eh magkapitbahay lang naman kami? “O bakit ganyan ang mukha mo? Heartbroken ka ba?” “Huwag mo na lang akong pansinin, Kylie.” “Kylie ka diyan! Tawagin mo akong ATE kasi mas matanda naman ako sayo ng ilang taon,” sabi ko sa kanya. “Ate Kylie? Hindi bagay, p’wede bang BABY  na lang ang itawag ko sayo?” Tinapik ko ang kanyang balikat bago ko siya tiningnan ng masama. “Umalis ka na,” utos ko sa kanya. Siguro ay nadala sa masamang tingin ang lalaki kasi kaagad itong tumalima. “Ang aga naman ng mangliligaw mo,” tinukso ako ni Marian kaya umani rin ito ng masamang tingin mula sa akin. “Biro lang,” sabi nito. “Mabuti pa ay mag-almusal na tayo,” suhestiyon ko kay Marian dahil tapos na rin naman akong magluto at mas makakain kami ng maayos kung kami lang. Mas makakapagkwentuhan kaysa kasama namin si Karla sa hapag. “O sige, ihanda ko lang ang mesa,” sagot ni Marian at kaagad itong bumalik sa loob upang ihanda ang mesa. Hindi ko pa nga naibalik ang water hose sa lagayan nito, nakita kong parating si Jericho at kasama nito ang kanyang kapatid na si EJ. Kumunot ang aking noo nang mapansin ko na may mga bitbit itong Tupperware. At dahil sigurado ako na sa bahay ko ang kanilang destinasyo ay hinintay ko na lang sila. “Ano ‘yan?” Tinanong ko ang lalaki tungkol sa laman ng tupperware. “Paksiw na lechon at cake naman ang dala ni EJ,” sagot ni Jericho. “Para sa akin?” “Opo. Welcome gift daw sabi ni Mama,” sagot ni EJ. Napabuntonghininga na lang ako habang inanyayahan ang dalawa na pumasok at sumabay na sa amin ni Marian. Mabuti na lang at may extra servings sa niluto kong ulam at kanin. At dahil first time pa ni EJ sa bahay ay palinga-linga ito sa paligid. “Dumulog na kayo sa kainan,” sabi ko sa kanilang dalawa at nagsimula na talaga akong magtaka sa tripping ng magkapatid. “Kuya, seafood,” sabi ni EJ. “Mukhang masarap,” wika ni Jericho at kaagad na sumandok ng ulam mula sa mangkok. “Ayaw mo ba?” Tinanong ko si EJ dahil akma nitong pinigilan si Jericho na kumuha ng ulam. Nagkatinginan ang magkapatid at tinawag ko ang kanilang atensyon na magsimula ng kumain. Paborito ko ang garlic butter shrimp kaya iyon ang aking niluto maliban sa sinabawang isda. Nauna ng kumain si Marian at ganun din si EJ ngunit parang nag-alinlangan si Jericho. “Kain na po,” sabi ko sa kanya. “May allergy po siya sa hipon,” sabi ni EJ. Tumigil ako sa pagsubo ng pagkain at tiningnan si Jericho. Yumuko ito. “Tinolang isda na lang ang kainin mo,” sabi ko at kaagad na kinuha ang ilang piraso ng hipon na nasa plato nito. “Mukha kasing masarap kaya natukso na ako,” paliwanag ng lalaki. “Syempre, masarap ‘yan kasi ako ang nagluto n’yan,”sabi ko sa kanya. Hindi naman sa nagmamagaling ngunit magaling po talaga ako sa kusina at kahit ano’ng ulam ay kaya kong pasarapin. Dati ay hindi talaga ako marunong magluto ngunit nag-aral ako upang walang masabi si Brent sa akin. “Ayaw mo rin ba sa lechon?” Sabay na tumanggi ang magkapatid at naintindihan ko naman ‘yon. “Saan ba kayo nag-gym?” “Sa kabilang lungsod po,” sagot ni EJ. “Pero hindi n’yo naman po kailangang mag-workout, sexy na po kayo.” “EJ!” Pinagalitan ni Jericho ang kanyang kapatid. “Salamat. Mabuti ka pa at na-appreciate mo ang kaseksihan ko,” nagpasaring ako kasi si Brent kasi eh, hindi man nito napansin ang aking alindog na hindi nasira kahit nagkaroon kami ng isang anak. Habang kumakain ay panay ang aming kwentuhan at hindi ko inasahan na muling napag-usapan ang tungkol sa sardinas. Tawang-tawa si EJ sa kwento ng kanyang kapatid habang ako ay nanggagalaiti na sa galit. “EJ, favor naman please.” Si EJ ang aking kinausap kasi mas bet ko siyang kausapin kaysa kapatid nitong si Jericho na mukhang nasira yata ang mood. Ewan ko lang pero bigla na lang siyang nakasimangot at tumahimik. “Sure, ano po ‘yon?” “Hindi ba at may mga namamasadang motorsiklo na laging nakatambay malapit sa tindahan n’yo? Pakisabi naman na kailangan ko ng isang driver mamaya kahit hanggang ano lang, sa may sakayan ng bus.” “Ako na,” sumingit si Jericho at kapwa kami nabigla ni EJ. Kanina pa kasi ito tumahimik, eh. “Okay. Mga before lunch ako aalis kasi kailangan ko pang maligo,” sabi ko sa kanya at hindi ito sumagot, bagkus ay tumango lang ito. Nang makaalis ang magkapatid, kaagad kong inatupag ang laundry upang makaalis ako ng mas maaga. Nabanggit ni Marian sa akin kagabi na bibisita ito sa kanyang mga magulang at gusto nitong dalhin si Karla. Pabor sa akin ‘yon kaya kaagad akong nagdesisyon na mamili ng mga bagong kurtina at bedsheets.  Habang ibinabad ko sa Ariel ang aming mga labahan, minabuti kong magwalis muna sa labas ng bahay. Konti lang naman talaga ang mga nagkalat na dahon pero wala kasi akong magawa. Sa totoo lang, ang hirap mag-adjust kapag galing sa pagiging career woman into a plain housewife. Kung anu-ano na lang ang aking ginawa upang aliwin ang sarili. Bumalik na rin ako sa pagbabasa ng mga romance novels at paborito kong basahin ang mga libro nina Maverick Miguel, Jwayland at Jersey Gabrielle. Hindi kasi ako maka-arangkada sa panonood ng Korean drama dahil pangit ang signal sa lugar namin. Pagkatapos kong magwalis ay kaagad kong binalikan ang aking labahan at inasikaso ito. Hindi pa ako tapos magsampay nang dumating si Jericho na mas lalong nagmukhang bagets sa suot nitong walking shorts na kulay asul at pinaresan ng putting v-neck na t-shirt. May suot din itong sombrero bilang pananggalang sa init ng araw. “Ang aga mo naman, hindi pa ako tapos magsampay, tapos maliligo pa ako.” “Maligo ka na at ako na lang magpatuloy sa pagsasampay ng mga nilabhan mong damit,” alok ng lalaki na hindi ko natanggihan. Kaagad kong ipinaubaya sa kanya ang pagsampay ng mga damit at tumakbo papasok sa bahay upang maligo. Nasa loob na ako ng banyo ng maalala ko na may mga underwear pala doon sa basket. Naku po! Gusto ko sanang lumabas pero sigurado akong nakita na nito ang ayaw ko sanang makita. Binilisan ko na lang ang pagligo at kaagad na nagpalit ng damit. Asul na skinny jeans at puting blouse ang aking napili na isuot at pinaresan ko ng flat shoes upang komportableng gumala sa mall. Nakasuot na ako ng shades nang lumabas ng bahay. Hindi ko nakita si Jericho kaya kaagad akong nagtungo sa likod ng bahay at napanganga ako sa aking nadatnan. Tinakbo ko an gaming distansya at kaagad na hinablot mula sa kanyang kamay ang aking itim na underwear. “Ako na,” sabi ko at inutusan siyang ihanda na ang motorsiklo at aalis na kaming dalawa. Mabuti na lang talaga at nakasuot ako ng shades kanina at kahit papaano ay hindi ako masyadong napahiya. Ewan ko ba ngunit para sa akin ay mas nakakahiya kung nagtagpo ang aming mga mata kanina. “Mahilig ka pala sa itim,” nakangising sabi ng lalaki nang lumapit ako sa kanya. “At kailangan mo talagang sabihin sa akin ‘yan?” “Why not? Normal lang naman ‘yon kasi lahat ng tao ay nagsusuot ng underwear,” nagdahilan ang lalaki kung bakit kailangan nitong banggitin ang tungkol sa aking underwear. “Iyong ang normal pero ang ginawa mo kanina, hindi iyon normal,” sabi ko sa kanya dahil hindi normal ang pagtitig nito sa aking mga damit panloob. “Normal ‘yon na magulat ako kasi so-en lang naman ang gamit ni Mama,” sagot ng lalaki. Nasapo ko na lang ang aking ulo dahil sa kakulitan ni Jericho. “Shut up,” hiling ko sa kanya dahil hindi ako komportable na gawing sentro ng aming pagkukwentuhan ang mga kakaibang design ng mga underwear ko. “Hindi ka ba ma-issue kung makikita ka nilang may angkas na katulad ko?” “Katulad mo? Na ano?” “Iniwan ng asawa,” sagot ko. “May dahilan kung bakit nangyari sayo ‘yan,” sabi niya. “Such as?” “Pinalaya ka para sa akin.” Pinili kong huwag na lang patulan ang sinabi ni Jericho kanina upang hindi na hahaba pa ang usapan. Baka isipin pa nito na naghahanap talaga ako ng kapalit ni Brent. Kung sakali man na muli akong ma-inlab, matagal pa ‘yon. Hindi ko alam kung bakit natagalan ako sa mall gayung kurtina at bedsheets lang naman ang sadya ko. Mga twelve yata ako dumating sa mall pero nang lumabas ay malapit ng mag-alas sais ng gabi. Mabilis ang aking mga hakbang papunta sa nakaparadang traysikel na maghahatid sa akin sa may sakayan. “Kuya, mga ano’ng oras po ang last trip?” Alas sais,” sagot ng driver at mas lalo akong kinabahan. Hindi naman talaga ako dapat mabahala kasi may mga traysikel naman na maaaring bayaran upang ihatid ako sa bahay pero sa panahon kasi na talamak ang rape, mahirap magtiwala lalo na sa gabi. “Bilisan na lang po natin,” sabi ko sa kanya. “Ihatid na lang kita sa inyo, Ma’am. Five hundred lang,” alok ng lalaki. “Titingnan ko muna kung may bus pa akong masakyan,” sabi ko sa kanya dahil singkwenta lang kasi ang bayad sa bus tapos limandaan naman ang sa kanya. Lugi ako, eh. Pagdating namin sa terminal ay kaagad kong hinanap ang bus na dadaan sa lungsod namin. Alam na rin ng driver nung traysikel na hindi ako magpapahatid sa kanya dahil nang tanungin namin ang guard kanina, may biyahe pa naman daw, last trip ang sabi. Ako na lang yata ang huling pasahero na hinintay nila dahil nang makaupo na ako ay kaagad na umalis ang driver. Ang usapan namin ni Jericho ay maghintay siya sa aking mensahe bago ako puntahan sa may waiting shed sa lungsod kung saan ang babaan ng bus. Ang nauna kong plano ay itext lang siya ngunit may pangamba sa aking puso na baka hindi niya ito mabasa. Kaya’t minabuti ko na tawagan na lang siya upang mas klaro ang aming usapan. “Kylie, pauwi ka na ba?” Sagot ng lalaki sa kabilang linya. “Nasa bus na ako ngayon, pwede mo ba akong sunduin ng mga six thirty?” “Sige po. Hihintayin na lang kita sa waiting shed,” sabi ng lalaki. “Salamat.” “May bayad po ang serbisyo ko,” pabirong sabi ng lalaki pero hindi ako natawa. Gasgas na kasi ang linya nito at hindi na bago sa akin. “Alam ko naman ‘yon,” sagot ko. Noong una ay ginawa kong malaking isyu ang limang-taon na agwat namin ngunit nang makausap ko ang lalaki, hindi ko siya nakitaan ng immaturity. Kung tutuusin ay mas mature pa nga itong magsalita sa akin, eh! Pagbaba ko ng bus ay kaagad kong nakita si Jericho na nakasuot ng itim na hoodie at kahit naka-shorts lang ito ay napaka-attractive nitong tingnan. Siguro ay marami na itong pinaiyak na babae dahil hitsura pa lang ay artistahin na. How much more sa qualities nitong daig ang leading man sa mga kwentong nabasa ko. Nilapitan ko siya at tinapik ang kanyang balikat. “Kanina ka pa ba?”  “Kararatig ko lang din po,” sagot nito. “Baka gutom ka na, kain muna tayo,” inanyayahan ko siyang samahan ako papuntang karinderya ngunit mariin itong tumanggi. “Sa bahay na lang po ako kakain,” wika ng lalaki ngunit hindi iyon natupad kasi nang dumating kami sa bahay ay walang katao-tao at hindi ko siya pinauwi kaagad. “Hindi pa yata sila nakauwi,” sabi ko. “Gusto mo na puntahan natin? Malapit lang naman ang bahay ni Ate Marian,” sabi ng lalaki. “Mamaya na, kakain na muna ako kasi kanina pa ako nagugutom eh.” Ayaw niya sanang kumain na kasama ako dahil masisira raw ang kanyang diet pero hindi ako pumayag. “Paano kung hindi uuwi si Ate Marian ngayong gabi? Eh di mag-isa ka lang,”sabi ni Jericho. “Syempre,” sagot ko pero kaagad akong natakot sa posibilidad na mag-isa lang ako mamaya. “Hindi mo ba ako sasamahan mamaya?” Sinubukan kong ibalik sa kanya ang mga hokage moves na ginamit niya sa akin at kaagad kong napansin na hindi komportable ang lalaki sa topic naming dalawa. “Sasabihin ko muna kay EJ kung payag a siyang samahan ka namin,” sabi ni Jericho at lihim akong napangiti. “O bigla ka yatang natakot sa akin. Kanina lang ang lakas ng loob mo, eh.” “Hindi naman po sa ganun,” sagot ng lalaki at bahagya akong nailang  sa palagi niyang pag-po sa akin dahil pakiramdam ko ay sobrang layo ang agwat naming dalawa. “Okay,” sagot ko sa kanya. “Paano kung biglang susulpot dito ang asawa mo? Ano ang gagawin mo?” Nagulat naman ako sa biglaang pag-change ng topic namin. Paano nga ba? “Hindi ba at iyon naman ang dahilan kung bakit ka kinausap ni Rejil?” “Sabagay. Kaya huwag mo na lang siyang problemahin pa kasi kaya naman kitang protektahan,” pahayag ng lalaki. “Sus, hayaan ka na naman, eh takot ka namang makurot ng nanay mo,” biniro ko siya ngunit napakamot kaagad ang lalaki sa kanyang ulo. “Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo?” “Hindi pa naman po,” sagot niya. “Good. Balak kong puntahan na lang natin sina Marian. Nami-miss ko na kasi ang anak ko,” sabi ko. “Sure, ngayon na ba tayo aalis?” “Saglit lang,” sabi ko. Iniwan ko siya saglit sa may sala at kumuha ako ng makakain sa kusina. May slice bread pa naman at nutella kaya mabilis akong gumawa ng sandwich para sa aming dalawa. Nang maibigay ko sa lalaki ang para sa kanya, nag-atubili itong tanggapin ang pagkain. “Hay naku, hindi ka naman tataba kaagad kung kakainin mo ito.” Hindi siya nakatanggi at kinain ang sandwich na ibinigay ko sa kanya. Mabuti naman kasi malilintikan ko talaga siya. Pagkatapos naming mag-snacks ay kaagad na kaming umalis upang puntahan sina Marian at Karla. Makalipas ang ilang minuto ay papasok na kami sa isang eskinita na napapalibutan ng maraming kahoy. Bahagya akong kinilabutan habang ini-imagine na posibleng may ahas sa ibabaw ng puno. Ano kaya ang mangyayari sa akin kung biglang may ahas na babagsak papunta sa leeg ko? Jusko! Mas lalo akong kinilabutan kaya napahawak ako bigla sa damit ng lalaki. “Pwede mo bang bilisan ng konti? Nakakatakot naman dito,” hiling ko kay Jericho. Hindi sumagot ang lalaki pero bigla na lang nitong pinalipad ang motorsiklo. Gusto ko sanang tumili sa pagkagulat ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil iyon naman ang gusto kong mangyari. Pagdating namin sa bahay nina Marian, maraming bata ang naglalaro sa labas, at ang una kong napansin ay ang bulaklaking damit ni Karla. Aliw na aliw ito sa paglalaro kaya’t hindi ako pinansin nang dumating kami. “Tatawagan na sana kita,” sabi ni Marian sa akin. “Why?” “Magpapaalam sana na dito kami matutulog ni Karla ngayong gabi. Tingna mo siya, aliw na aliw.” Tumango ako pero hindi ako sigurado kung papayagan ko ba si Marian. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na nasa ibang bahay si Karla, eh. Kaya lang ay nakita ko naman kung gaano kasaya ang bata habang nakipaglaro sa ibang bata kahit gabi na. Gusto ko sanang sabihin kay Marian na patigilin na ang bata kasi gabi na pero hindi koi yon magawa. “So bukas na kayo uuwi? Mag-isa lang ako?” “Kung gusto mo ay dito ka na rin matulog,” alok ni Marian. Kung p’wede lang sana pero hindi naman kasi ako sanay na matulog sa ibang bahay kaya tumanggi ako. “Basta bukas, dapat ay sa bahay na kayo mag-almusal,” bilin ko sa kanya. “Salamat Kylie,” sabi niya. “Dito ka na magdinner, nagluto kami ng tinolang manok, di ba paborito mo naman ‘yon?” “Sure,”sabi ko kasi pagdating sa tinolang manok ay hindi ako makatanggi. “Ang loyal naman ni Chairman,” panunukso ni Marian sa akin. “Shhhh, intrigera ka. Baka kung ano pa ang iisipin ng binatang ‘yon,” sinaway ko si Marian dahil ayokong pagtsismisan kami ng mga tao at baka makarating pa it okay Brent. “Malapit na birthday ni Karla, anong plano mo?” Nag-change topic si Marian pero hindi ko naman nakalimutan ang birthday ng anak ko. Sa katunayan, kaya ako namili ng mga bagong kurtina ay upang paghandaan ang nalalapit nitong kaarawan. “May konting handaan syempre,” sabi ko ngunit bigla akong nagkaroon ng ideya kung paano kokontakin si Brent. Nasabi kasi nito last year na siya raw ang bahala para sa ikatlong kaarawan ni Karla kasi ako naman palagi noon.    Nainggit ako sa pamilya ni Marian kasi kahit marami sila ay nagkakasundo pa rin. Bibo masyado ang dinner ngunit mas bibo ang dating ni Jericho. Tuwang-tuwa ang mga dalagitang pamangkin ni Marian dahil bihira lang daw nila makita ang Chairman. Bagama’t active ito sa serbisyo, masyado raw private ang buhay. Gusto ko pa sanang magtagal pero may gagawin pa kasi ako. Kailangan ko pang tapusin ang pag layout sa tarpaulin para sa birthday ng anak ko. Nasa kakahuyan na kami nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Inakala ko kasi na mamaya ang ulan dahil may nakita pa naman akong bituin nang nagpaalam ako kay Marian. “May dala ka bang raincoat?” “Wala Kylie. Maligo ka na lang pag-uwi mo upang hindi ka magkasakit,” mungkahi ng binata. “Ano pa nga ba? Basang-basa na ako,” sabi ko pero bigla kong naalala na may dala pala akong cellphone at wallet. “Pakilagay naman sa ubox itong cellphone at wallet ko,” pakiusap ko sa kanya  at nang marinig niya ako ay kaagad siyang huminto sa ilalim ng isang puno. Pagkababa namin ay mabilis niyang binuksan ang u-box at inilagay ko ang aking valuables. “Tara na,” sabi ko at muling umangkas sa kanyang motorsiklo. “Okay po,” sagot niya bago kami umalis. “Kylie, kumapit ka ha, medyo madulas kasi ang dadaanan natin. Ganito kasi rito kapag umuulan,"”paliwanag ng binata. “Ay!” Napatili ako nang muntikan ng sumimplang ang dali niyang motorsiklo. “Dahan-dahan  naman, baka madisgrasya pa tayo!” “Kaya ko ‘to, basta kumapit ka lang, okay?” “Eh kung bababa na lang kaya ako at maglakad?” Muntik na kasing lumabas ang aking puso sa sobrang takot kanina. Sa totoo lang ay takot pa akong mamatay dahil magiging kawawa ang anak ko lalo na at may bago na si Brent at ‘yong in-laws ko naman ay mga tipikal na kontrabida. “Akala ko ba ay takot ka sa dilim?” “Yup, pero mas takot akong madisgrasya, ano!” “Sus, ipanatag mo na lang ang sarili mo. Trust me, hindi tayo madidisgrasya. Ako pa!” “Hambog mo, makakatikim ka talaga sa akin!” Binalaan ko siya. “Hmmm,” sagot ng lalaki. “Ano?” “Wala,” sabi nito at hindi na ito muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD