CHAPTER 4

4740 Words
To be honest, nasaktan ako sa sinabi niya at kaagad na nagsisi kung bakit nagawa kong i-post sa f*******: ang aking saloobin. Hindi tama ‘yon! “Magagawa ko ba ‘yon kung gusto ko pang bumalik ka sa akin? Diyan ka na lang,” sabi ko sa kanya. “I-delete mo na ang post mo, Kylie!” Utos ni Brent. “At bakit ko naman gagawin ‘yon?” “Ikaw lang ang mapapasama sa ginawa mo,” sabi niya sa akin bago nito pinutol ang tawag. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong matakot sa sinabi ni Brent sa akin. Ako raw ang mapapasama, eh di wow! My God, sinubukan niya talaga ang pagka-impakta ko, eh! Muli kong tiningnan ang post ko at maraming hate comments para sa asawa ko. Ang kapal daw ng mukha nito pati na rink ay Aika, pero bakit hindi ako masaya na maraming nakisimpatiya sa pinagdaanan ko? Bakit masakit sa akin na minura ng husto si Brent? So, binura ko na lang ang post kahit huli na ang lahat. Marami na ang nakakita nito, at marami na ang nakaka-alam sa sitwasyon namin. Nag-deactivate si Brent at ganun din si Aika. Nag-deactivate na rin ako. My God, pinagsisihan ko talaga na nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin! Paano ko pa ibalik ang lahat sa dati? Bumalik ako sa sala at kahit nasa pambatang palabas ang aking mata, nasa kabilang dako naman ang aking utak. Ang bilis kasi ng pangyayari, eh! Nag-lunch lang kami ni Lorena, sumakit ang tiyan ko at nawalan ng malay, pagkatapos ay nawala na sa akin si Brent. Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay tumingin sa malayo. “Hays, kung ganyan ka palagi, baka matililing ka,” sabi ni Marian sa akin at napailing ito habang nakatingin sa akin. “Hayaan mo na lang ako, please. Masakit sa akin ang nangyari, pero huwag kang mag-alala, kailangan ko lang i-absorb ‘tong lahat at magiging okay rin ako,” pangako ko kay Marian. Nang tumingin ako sa aking anak, mas lalo akong kinain ng aking konsensya dahil sumagi sa isip ko na tapusin na lang ang buhay ko. “Alam ko naman na magiging okey ka, matapang ka eh,” sabi ni Marian na mas lalong nagpapalakas ng aking loob na kakayanin ang lahat. Pero sa totoo lang ay napahirap talaga! Sa loob kasi ng maraming taon ay si Brent ang naging sentro ko sa lahat. Iyong tipong, ginawa ko na siyang mundo ko! Muli akong huminga ng malalim at nangako sa sarili ko na kakayanin ang lahat ngunit nang maisip kong hindi ko na makikita pang muli si Brent, napaiyak na lang ako. “ML muna ako, gusto kong manakit ngayon,” sabi ko kay Marian. Kung hindi ko kasi mailabas ang galit ko, baka sasabog ako ng tuluyan. “Mabuti pa. Gusto mo bang igawa kita ng hotcake?” “Yes please,” sabi ko kay Marian. Habang nanood ng chuchu tv ang anak ko at si Marian naman ay nasa kusina upang magluto ng hotcake, tuluyan na akong pumasok sa mundo ng ML. Hindi naman sa nagmamagaling pero magaling talaga akong mag-core. Nakita kong inilapag ni Marian sa harap ko ang isang plato na may hotcake, at may inumin rin na malamig pero hindi ko ‘yon pinansin. Nasa laro ang aking mga mata at kapag nagko-core talaga ako, ayoko ng istorbo. “Kumain ka muna,” sabi ni Marian. “Mamaya na,” sabi ko, at iyong mamaya na ay umabot ng ilang oras. Tumigil lang kasi ako nang paubos na ang battery sa aking cellphone. Kung hindi lang kumalam ang aking sikmura, gagamitin ko pa rin ang phone ko kahit naka-charge. “Hotcake pa rin ba ‘to kahit malamig na?” Napailing na lang si Marian habang tiningnan ako ng masama. “Nagtatanong lang naman ako,” sabi ko. “Ang sabihin mo, nahihibang ka na! Kumain ka nga lang muna at pagkatapos ay magpahinga ka, itulog mo ‘yan,” suhestiyon ni Marian sa akin. “Makakatulog kaya ako?” “Isa pa at babatukan na talaga kita, Kylie!” “Oo na, Madam.” Kaya lang ay tama ako. Ang hirap matulog kung may iniisip. Habang nakahiga ako sa kama ay si Brent at Aika ang laman ng aking isipan. Nasa kama kaya ang dalawa at naglalambingan? Tumigil ka na Kylie! Pinagalitan ko ang aking sarili. Habang hinintay kong dalawin ako ng antok, naisip kong manood ng mga mukbang videos sa Youtube. Habang naglalaway ako sa mga masasarap na pagkain, biglang may nag-text sa akin. Unregistered number kaya kumunot ang aking noo. Ganunpaman, binasa ko ang mensahe. “Aika here. FYI, buntis ako. Binuntis ako ng asawa mo.” Dahil sa nalaman ay sobra akong nanghina at nagdesisyon na tumigil na muna sa pagtatrabaho at bumalik sa probinsya. Ikinagulat ng managemen ang aking desisyon ngunit wala ng kahit ano pa ang maaaring makapagbago sa desisyon kong umalis sa kumpanya ni Mr. Chavez. Approve na ang aking resignation at kailangan ko na lang na i-turnover ng maayos ang aking trabaho kay Lorena. Ang aking kaibigan na si Lorena ang papalit sa akin kaya panatag akong hindi mapapahiya sa ginawa kong rekomendasyon dahil magaling naman talaga si Lorena. Bukod sa magaling, matalino rin ito. Ilang araw na lang ang kailangan kong hintayin at maaari na kaming umuwi sa probinsya ni Marian. Kinausap ko na rin si Marian tungkol sa plano kong pagbabalik-probinsya at pumayag naman ang babae. Pagsapit ng lunchtime, normal na sa akin na mag-stalk sa account ni Aika dahil hindi naman nito napanindigan ang pag-deactivate ng account sa social media. “Lorena…,” mahina kong tinawag ang pangalan ni Lorena nang makakita ako ng hindi ko dapat makita. Tulad noong araw na nakipaghiwalay si Brent sa akin, bigla na lang nanlamig ang buo kong katawan. Kumunot ang noo ni Lorena pero hindi ako nagsalita at sinenyasan ang babae na tingnan na lang ang  aking phone. Hindi ko kasi kaya na muling makita ang larawang nakabalandra sa sss. “Binyag lang ‘to,” sabi ni Lorena. “Yes, binyag lang, pero tingnan mo kung sino ang mga magulang ng bata,” sabi ko kanya sa gumaralgal na boses. Oo nga at ilang buwan na ang nakalipas simula nang magkahiwalay kami ni Brent pero hindi pa gaanong katagal upang makabuo kaagad ito ng bata. “Matagal ka na pala niyang niloloko, Kylie.” “Kaya nga,” sabi ko habang pilit na pinatatag ang aking kalooban kasi malapit na akong bumigay at ayokong magkalat sa opisina. “Tatawagan ko muna si Rejil,” sabi ko. “Si Rejil? Bakit? Kylie, huwag na huwag mong gagawin kung anuman ang nasa isip mo, maawa ka kay Karla.” Natakot si Lorena na ipabugbog ko si Brent sa aking kapatid at sa mga tauhan nito ngunit sa totoo lang ay higit pa roon ang naisip kong gawin sa asawa ko. Ngumisi lang ako at kaagad na lumabas at nagtungo sa smoking area upang hindi niya ako maririnig. Naintindihan ko si Lorena kung bakit kinabahan ito nang banggitin ko ang pangalan ni Rejil. May pagkabarumbado kasi ang isang ‘yon! Patuloy lang sa pagri-ring ang cellphone ni Rejil ngunit hindi pa rin nito sinagot ang aking tawag. “Nasaan ka?” Kaagad ko siyang tinanong nang sumagot ito sa kabilang linya. “Sandali lang, tatapusin ko lang ‘to.” “Sige,” sabi ko ngunit nang marinig ko ang kakaibang ingay sa kabilang linya, inilayo ko ang phone mula sa aking taynga bago ito pinatay. Nagtext ako sa kanya na tawagan kaagad ako! Bwisit na lalaking iyon, hindi man lang pinatay ang cellphone nito habang nakipagtalik kahit alam nitong nasa kabilang linya ako. Habang hinintay ko ang tawag ng aking magaling na kapatid, panay ang pagkagat ko sa aking labi. Tama ba ang gagawin ko? Hindi ako alam pero gusto kong gumanti! Kung hindi man ako makaganti kay Brent, siguro kay Aika. Napailing na lang ako habang tumingala sa langit upang hindi bumagsak ang luha mula sa aking mga mata. Matagal niya na pala akong niloloko! Ang kapal ng mukha nitong nakipagtalik pa sa akin habang may pinatungang iba! Bwisit siya! Bwisit talaga siya! At dahil sobra akong naka-focus kay Brent, napaigtad ako nang tumunog ang aking cellphone. Kaagad ko itong sinagaot sa pag-akalang si Rejil ang tumawag sa akin pero hindi pala. Nang marinig ko ang boses niya, awtomatikong tumulo ang aking luha, pero puputi na muna ang uwak bago nito malamang apektado pa rin ako at hindi naka-move on. “Ano’ng kailangan mo?” “Hihiramin ko lang sana si Karla sa darating na linggo,” sabi niya. “Bakit?” “Kailangan ko pa ba ng dahilan bago makita ang anak ko?” “Nagtanong ka pa? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo Brent? Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo na huwag na huwag mong sagarin ang pasensya ko at baka mapatay pa kita!” “Ako pa rin ang ama ni Karla!” “Aba’y loko ka pala, eh! Pinanindigan mo sana sa ang pagiging ama mo, hindi iyong anak ka ng anak sa ibang babae, bwisit ka!” “Alam mo?” “At ano’ng akala mo sa akin? Sobrang tanga? Binabalaan kita, Brent. Tumigil ka na at huwag na huwag mo na kaming guluhin pa ni Karla kung ayaw mong makatikim sa akin.” Paulit-ulit ko siyang binalaan dahil nunca na papayag akong dalhin nito si Karla sa bahay nila ni Aika. “Isang araw lang naman,” giit ng lalaki. “Hindi pa rin ba titigil? Kay Rejil ka magpaalam kung gusto mo,” sabi ko. “Sinabi mo sa kanya?” “Natakot ka? Sabi mo ko  naman sayo na huwag mong sagarin ang pasensya ko pero ano ang ginawa mo? Nag-post pa sa sss na nagpabinyag na kayo ni Aika? What the f**k, Brent?”  Sinigawan ko siya bago ko pinutol ang tawag, at tama lang kasi may mga text na si Rejil na hindi raw ako makontak. Hindi ko na hinintay na tawagan niya akong muli at ako na mismo ang tumawag sa kapatid ko. “Busy ang linya mo kanina,” sabi nito. “Tumawag si Brent at gustong hiramin si Karla sa darating na linggo.” “Ano’ng desisyon mo?” “Hindi ako pumayag. Paano kung hindi na niya ibalik sa akin ang anak ko?” “Umuwi na kayo sa bahay natin at doon na muna kayo,” mungkahi ni Rejil. “Ano ba ang gusto mong mangyari, Kylie? Sabihin mo lang at ako na ang bahala sa lahat,” pangako ni Rejil. Bumuntonghininga muna ako bago nagsalita. Alam ko na masyadong impulsive ang daking desisyon pero gusto kong gumanti! Pakiramdam ko kasi, aping-api ako. Niyurakan niya ang buo kong pagkatao at hinding-hindi ko siya mapapatawad!  “Gusto kong malaman kung saan sila nakatira,” sabi ko. “Iyon lang?”Tanong ni Rejil. “Sa ngayon,” sagot ko pero hindi ko naman talaga kayang sabihin sa kapatid ko na patayin si Rejil o saktan ito. Hindi ko kaya pero alam kong naintindihan niya ang aking gustong mangyari. “Iganti mo ako,” utos ko sa kanya ngunit hindi sumagot si Rejil. “Mag-uusap na lang tayo ulit kapag makita namin siya,” wika ng kapatid ko. Nang ma-disconnect na ang tawag, nagulat ako sa biglang pagdapo ng kamay ng isang tao sa aking batok. Muntik ko ng mabitiwan ang cellphone sa ginawa nito. Nang lumingon ako, si Lorena lang pala. “Bakit mo naman ako binatukan?” “So kinausap mo talaga ang barumbado mong kapatid?” Bahagya akong nasaktan sa salitang ginamit ni Lorena upang ilarawan si Rejil. Hindi naman kasi ganun kasama ang lalaki. Kumbaga, kung basura ang lalaki, doon pa ito mapupunta sa recyclable. Isa pa, hindi naman talaga ito kriminal pero may mga kakilala itong halang ang kaluluwa. “Kapatid ko pa rin siya, Lorena kaya dahan-dahan naman sa mga salitang ginagamit mo.” “At ipinagtanggol mo pa talaga siya? Akin na nga ang cellphone mo,” sabi ng babae at kaagad nitong hinablot ang aking cellphone at saka dumistansya ng konti. Napailing na lang ako habang sinermunan nito ang aking kapatid na lalaki. Nang tumigil na ang babae sa pagtatalak, saka lang ako lumapit at kinuha ang aking phone. “Kung hindi lang talaga kayo mortal na kaaway ni Rejil, iisipin ko na kayo ang nakatadhana para sa isa’t-isa,” biniro ko siya pero kaagad na sumimangot si Lorena, pagkatapos ay bigla itong umiyak. “O, bakit? May problema ka ba na hindi mo sinabi sa akin?” “Tinawag niya akong pangit at matandang dalaga. Wala na raw magkakagusto sa akin kasi hindi na ako virgin,” sabi ni Lorena at umatungal ito ng iyak na parang bata. “Sinabi niya ‘yon? Lintik talaga itong si Rejil! Ka-lalaking tao pero napaka-intrigero!” Tumaas ang aking boses sa inis dahil walang karapatan ang lalaki na husgahan si Lorena. Eh ano ngayon kung hindi na ito virgin? Basehan ba talaga ang virginity ng isang babae upang makahanap ng tunay na pagmamahal? Kung ganun lang din ang usapan, eh di, parang sinabi na nito na wala na akong pag-asa pa! Dinayal ko ang kanyang numero ngunit panay lang ang pag-ring nito kaya sinet-up ko na ang auto-redial. “Bakla yata ang kapatid mo, Kylie! May lalaki bang ganun? Bakla talaga siya!” “Shhhh,” sinenyasan koi to na tumigil muna sa pagtatalak kasi narinig ko na ang boses ni Rejil sa kabilang linya. Mahina talaga si Lorena kasi lagi na lang itong naipit sa isang sitwasyon dahil hindi nito mapigilan ang bibig. “Totoo bang nilait mo ang kaibigan ko?” Tinanong ko ang lalaki na sa aking tantiya ay umusok na rin ang ilong sa galit. “Siya ang nauna, Kylie.” “Rejil naman, hindi ka na bata upang patulan si Lorena!” Pinagalitan ko siya dahil hindi tama na husgahan ang isang babae dahil lang sa nauna na nitong isuko ang bandila bago ang kasal. “Tinawag niya akong juts!” “Juts? Ano ba ‘yon?” “Tanungin mo ang magaling mong kaibigan kung paano niya ako minamaliit!” Giit ni Rejil. “Ano ba ang juts, Lorena?” “Maliit,” sagot ng babae. “Maliit ang ano?” “Basta, ‘yong ano niya!” “Ano nga?” Suminghal na ako kasi ako ang may problema eh, ako ang may issue sa buhay dahil kay Brent, pero bakit ako namagitan sa dalawang tao na kasing-tigas ng bato ang mga ulo? Gusto ko silang pag-umpugin sa totoo lang dahil mas lalo lang akong na-stress sa kanilang dalawa. “Hindi gifted,” paliwanag ni Lorena at saka ko lang naintindihan kung ano ang issue nilang dalawa. Sa isip ko, kung hindi gifted si Rejil, hindi naman siguro ganun kalakas ang ungol ng babaeng kasiping nito kanina. Kaya lang, umungol din naman ako kay Brent, ah! “Iyon lang? Para kayong mga tanga!” Gusto ko pa sana silang pagalitan eh pero nasa call waiting si Marian kaya pinutol ko na kaagad ang tawag ko kay Rejil. “Yes, Marian?” “Nasa labas ng bahay si Brent,” sabi nito sa mahinang boses. “Nagwawala kasi gustong pumasok, ano ang gagawin ko?” “Nadiyan siya?” Anak ng tipaklong! Nananadya ba talaga si Brent? Muli kong tinawagan si Rejil at inutusan koi tong pumunta sa amin as soon as possible! “What’s wrong?” Nagtanong si Lorena. “Nasa bahay daw si Brent at nagpumilit na pumasok,” sagot ko. Dahil sa panggugulong ginawa ni Brent sa bahay ay napaaga ang aming pag-uwi sa probinsya. Sinunod ko lahat ng mungkahi ni Rejil sa akin dahil makakabuti naman sa amin iyon. Isang araw kaming naglinis ni Marian sa buong bahay. Hindi ko lang inasahan na susulpot sa labas ng aking bahay ang lalaking nakasabay ko noon sa bus. Bigla akong napaatras nang makilala ko ang tao na nasa labas. Ano’ng karapatan nito upang ngumit sa akin ng matamis? “Why are you here?” Tinanong ko siya ngunit imbes na sagutin ako ay may kinuha siyang papel at ipinabasa sa akin. Iniwan ko ang lalaki sa sala at saka tinawagan ang aking magaling na kapatid. Sa totoo lang ay hindi ko nasakyan ang kanyang plano. Bakit kailagan ko pa ng totoy na nakabantay? Jusko naman itong si Rejil, niloko lang ako ni Brent, trinato na akong parang bata. Paulit-ulit lang na nagri-ring sa kabilang linya ang telepono nito pero hindi sinagot ng kumag. May agam-agam sa aking isipan na baka may ginagawa na naman itong milagro kasama ang babaeng nakita ko kanina. “May kailangan ka ba?” Nagpanting ang aking taynga sa kanyang tanong. “Tatawag ba naman ako kung hindi? Sino itong bagets na pinapunta mo rito sa bahay? At bakit?” “Ah si Jericho ba? Pinsan ‘yan ng kaibigan ko,” sagot ng lalaki. “O ano ngayon?” “SK Chairman ‘yan diyan sa atin kaya maraming kakilala,” nagpaliwanag ang lalaki at patuloy pa rin akong umiling dahil hindi ko maintindihan kung ano ang purpose niya. “Hindi ko pa rin na-gets kung bakit kailangan ko siyang tanggapin bilang kaibigan,” sabi ko sa kanya. Kasi nga, anong konek? “Kaya kang protektahan ng batang ‘yan,” pahayag ni Rejil at natawa talaga ako sa sinabi niya. “Eh may gatas pa sa labi ‘yon,” nagreklamo ako dahil sa tingin ko ay takot pa nga si Jericho na makurot ng nanay nito eh. Bagitong-bagito pa kasi! “Twenty-one na siya,” sabi ni Rejil. “Whatever! Hindi ko siya kailagan dito sa bahay!” “Hindi naman siya titira diyan, eh! Nakiusap lang ako na i-check ka paminsan-minsan lalo na at bago pa lang kayo diyan,” nagdahilan si Rejil. “Okay fine,” sabi ko at saka pinutol ang tawag kasi kung matigas ang ulo ko, mas matigal ang ulo ng aking kapatid at walang mangyayari kung patuloy lang kaming magkasagutan. Baka abutin pa kami ng hatinggabi dahil hindi naman magpapatalo ‘yon! Nang bumalik ako sa kusina, may bitbit akong tray dahil dinalhan ko siya ng merienda. Inilapag ko ito sa center table at saka naupo sa kabilang sofa. Kaagad akong nagde-kwatro kasi iyon ang komportable sa akin ngunit nang mapansin ko ang kanyang mga mata na nakatitig sa aking hita, nag-iba na lang ako ng posisyon sa pag-upo. Baka isipin pa nitong sinadya kong pakitaan siya ng balat. Eh alangan naman kung magsuot ako ng pantalon kahit nasa bahay lang ako! “Hindi naman masyadong malayo ang agwat ng ating edad pero hindi kita nakita dito sa lugar natin noon,” sabi ko sa kanya dahil simula pagkabata hanggang highschool ay sa lagi naman ako sa baryo ng Corazon.  “Sa city po kasi nakatira noon pero I’m sure na kilala mo ang lola ko, si Lola Cita,” sabi ng lalaki. “Cita? ‘Yong may malaking tindahan sa may kanto papuntang falls?” Wala kasi akong matandaan na ibang Cita maliban sa matandang ‘yon. Hindi naman masama ang ugali ng babae ngunit na-badshot lang ako noong hindi niya ako pinautang ng sardinas. Gutom na gutom na kasi ako noon pero wala sina Mama sa bahay. “Kumusta naman siya?” Maayos naman ang pagtatanong ko ngunit bigla na lang tumawa ang lalaki na para bang mayroong nakakatawa sa tanong ko. “Galit ka pa rin ba sa lola ko hanggang ngayon?” Bahagyang umangat ang aking kilay at nagtaka ako kung bakit nito napansin na galit ako sa lola niya. Nahalata kaya niya sa tono ko o may lahi siyang manghuhula. “Hindi ako galit!” Syempre, nagsinungaling ako. “Galit ka,” sabi ng lalaki. “Hindi nga sabi!” Tumaas bigla ang boses ko ngunit mas lalo lang siyang natawa kaya inirapan ko siya. May problema yata sa utak ang lalaki, eh! “Hindi ka niya pinautang noong kasi iyon ang bilin ng Mama mo,” paliwanag ni Jericho at nagtaka ako kung bakit niya nalaman ang tungkol doon. “Sinabi ng lola mo?” “Minsan,” sagot ni Jericho. Oh well, hindi ko inasahan na naging topic din pala ako ng tsismis. “Iyan lang ba ang sinabi sayo?” “Marami pa, actually.” My ghad, ang arte talaga niyang magsalita. Iyong tipong pinag-iisipan ng husto ang bawat katagang lumabas mula sa bibig nito. Sabagay, SK Chairman nga raw, eh. Baka doon siya sanay o komportable. “Like what?” “Hmmm na mabait ka raw, masipag at matulungin sa mga magulang. Noong nasa kolehiyo pa raw kayo, nagtrabaho rin daw kayo ng parttime upang makatulong sa mga magulang mo.” Napalunok na lang ako ng laway habang nakinig sa lalaki. So, marami na pala siyang alam tungkol sa akin, eh di wow! Ganunpaman, hindi ko kailangan ang isang bantay. Baka magiging bantay-salakay pa ito, mahirap na. “Nagpauto ka naman sa pinsan mo?” “Hindi naman sa nagpauto pero parang ganun na nga,” nahiyang sabi nito. “Pero nang malaman ko na ikaw ‘yong babaeng nakita ko noon sa bookstore at pati na rin sa coffeeshop, pumayag na kaagad ako.” “Crush mo ako?” Namula ang lalaki sa diretsahan kong tanong. Oh my goodness, hindi na ako teenager upang magpatumpik-tumpik pa! “Siguro,” sagot nito. Ang ikli naman ng sagot niya at hindi pa sigurado. Nakakababa ng self-esteem! Hindi, joke lang. “Twenty-one ka lang?” Gusto ko lang makasiguro dahil matangkad kasi siya at medyo matino  namang kausap. Si Rejil nga, mag twenty-five na ‘yon kasi isang taon lang naman ang gap namin pero wala eh, mema pa rin kausap. “Yes po,” sagot nito. “Nabanggit ni Rejil na ikaw daw ang SK Chairman dito sa atin,” sabi ko sa kanya at tumango naman ito. “That’s great, pero hindi ko pa rin kailangan ng gwardiya, Jericho.” Iginiit ko na hindi ko kailangan ng tagabantay. Hindi iyon pwede. Nakakatakot! “Sundin na lang po natin ang kapatid mo,” mungkahi ng lalaki. “I said no!” Muli kong iginiit sa kanya na hindi ko nga kailangan ng gwardiya. “May kasama naman ako rito sa bahay,” sabi ko sa kanya sa kalmadong boses upang hindi naman siya ma-offend. Walang kasalanan si Jericho kung tutuusin at kung may tao man na dapat kong pagalitan, si Rejil ‘yon! “Okay, I understand. Kung ganun ay hindi na ako magtatagal pa. Ipagpatuloy n’yo na lang po ang iyong ginagawa at babalik na lang ako bukas,” sabi ni Jericho at kaagad na itong tumayo. Babalik siya bukas? Bakit? Gusto ko sana siyang tanungin ngunit nakalabas na ang lalaki at ayokong sumigaw kaya hinayaan ko na lang siya. Kung sakali man na  babalik siya bukas eh di uulitin ko na lang ang aking paliwanag na hindi ko kailangan ng bantay. Isa pa, ayokong makipag-close sa ibang tao lalo na at lalaki. As much as possible, pipilitin ko talagang umiwas sa kahit na anong klase ng tukso lalo na at medyo marupok ako kahit slight lang. Nang makaalis ang lalaki ay kaagad kong isinara ang pintuan  at bumalik sa kusina. Kaya lang, hindi pa ako nakapagsimula ay muli na namang may kumatok. Sa pag-akala ko na bumalik si Jericho, hindi ko ito pinansin ngunit hindi ito tumigil kaya’t pinuntahan ko na lang. “Ikaw pala, Lola Cita,” sabi ko sa matandang nakatayo sa labas ng bahay at kaagad itong pinapasok. “Maupo na muna kayo at kukuha lang ako ng makakain.” Saglit ko lang na iniwan ang matanda ngunit nang bumalik ako sa sala, may kasama na ito; si Jericho. “Mabuti naman at naisipan mong bumalik dito sa atin, Kylie.” Sabi ng matanda habang ininom nito ang ibinigay kong juice. “Dito na muna kami ng anak ko,” sagot ko naman. “Hindi ko yata napansin na sumama si Brent.” “Busy po siya,” nagsinungaling na naman ako tungkol kay Brent. Ewan ko ba ngunit hindi talaga masabi sa karamihan na hiwalay na kami. Bukod kay Marian at Brent, tanging ang mga kasamahan ko lang sa trabaho ang nakakaalam na hiwalay na kami ni Brent. “Busy? Bakit sinabi ni Jericho na nagpa-annul na raw kayo?” Tiningan ko ng masama ang binata dahil sa pangingialam nito. Sinira nito ang aking diskarte, eh. Kailangan ko pa ba talagang ipaalam sa buong baryo na nangaliwa ang aking asawa at hindi nito napanindigan ang pangako nitong habambuhay? “Iyon po ang inasikaso niya,” sinakyan ko na lang ang sinabi ni Lola Cita at nang tumingin ako sa gawi ni Jericho, tila natutuwa pa ito na nagisa ako ng buhay! “Sayang pero kung hindi na ninyo mahal ang isa’t-isa, mabuti na rin ‘yon.  Bata ka pa naman, maganda at seksi pa rin kahit may anak na, natitiyak kong may magkakagusto pa rin sayo.” “Mayroon nga po,” sabi ko habang nakatingin kay Jericho at nang magtagpo ang aming mga mata ay bigla itong namula at panay ang kamot sa buhok nitong makapal. “Sabi ko na sayo, eh. O siya, hindi na ako magtatagal at may lakad pa ako. Ito kasing si Jericho, nagpasama pa sa akin dahil kasalanan ko raw kung bakit hindi mo siya gustong maging kaibigan.” “Sinabi niya ‘yon?” Si Lola Cita ang aking tinanong per okay Jericho ako nakatingin. “Normal lang sa mga bata ang ganyan, Lola.” “Sabagay,” sagot ng matanda. “Bweno, aalis na muna ako at ikaw na ang bahala sa apo ko, magpapaturo raw eh.” Gusto ko pa sanang tanungin si Lola Cita pero umalis na ito at nagmamadali. Nang maiwan kaming dalawa sa sala, hinarap ko ang binatilyo. “Ano’ng meron?” “Gusto lang kitang maging kaibigan,” sabi ng lalaki. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Vice Ganda sa Showtime na hindi raw dapat abusuhin ang salitang pagkakaibigan. “Kaibigan? Bakit? Malalapitan ba kita kung may problema ako?” “Oo naman po,” sagot ng lalaki. “Tigilan mo na nga ang pagpu-po mo sa akin! Twenty-six pa lang ako at five years lang ang gap natin,” reklamo ko sa kanya dahil pakiramdam ko kasi ay mas lalo kong maalala na may age gap nga kami.  “Age doesn’t matter naman po sa pag-ibig. May libro pa nga si Gabriella Castillo tungkol diyan,eh.” “Sinong Gabriella?” “Basta manunulat ‘yon sa w*****d,” sagot ng lalaki. “Wattpader ka pala, eh kaya ganyan ka umasta. Tigilan mo ako, Jericho dahil hindi ka nakakatuwa,” binalaan ko siya. “Heto pa, muntik ko ng makalimutan, bakit ba mahilig ka sa tsismis? Bakla ka ba?” “Hindi ako bakla,” sabi niya. “Aw good for you. Pero sana ay huwag ka ng makialam sa pribado kong buhay,” paalala ko sa kanya. “Type kasi kita,” sabi ng lalaki. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa sinabi niya pero isa lang sigurado. Gusto ko munang mapag-isa. “Kung wala kang magawa sa inyo, bakit hindi ka magbasa ng libro o di kaya ay mag workout?” “Hapon pa po ang schedule namin sa gym at nagbabasa naman talaga ako ng mga books ko  sa school,” sagot ng lalaki. “Eh di mabuti kung ganun nga, at least hindi masasayang ang gastos ng parents mo,” sabi ko sa kanya. “Hindi naman siguro at isa pa, miscellaneous lang naman ang kailangan kong bayaran sa school.” “Ah, iskolar ka siguro. Saan ka ba nag-aaral?” “CIT.” “I see,” sabi ko habang tumango. Hindi ko na kasi kailangang tanungin pa kung ano ang kursong kinuha nito kasi sigurado ako na engineering ang kinuha nito. “Gusto ko ng magpahinga, okey lang?” Tumango ang lalaki bago ito tumayo. “Kung ganun ay magpapaalam na ako,” sabi niya at kaagad na nagtungo sa may pintuan. “Hmmm Kylie, wait lang po. P’wede ba kitang ligawan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD