CHAPTER 3

4930 Words
As much as possible, ayokong pagtaksilan si Brent. Nasa kanya na ‘yon kung hanapin niya sa iba ang aking pagkukulang. Ewan ko ba, nabuking ko na nga sa messenger, nagdalawang-isip pa rin akong iwanan siya. Habang kumakain ako sa pantry ng aming opisina, biglang tumunog ang aking messenger. Nagtaka ako kung bakit nag-message si Brent sa akin at hindi na lang tumawag eh alam naman ng lalaki na mas gusto ko ang tawag kaysa text or chat. Kung kanina ay matamis ang hot choco, bigla na lang nawala ang lasa nito nang mabasa ko ang mensahe ni Aika gamit ang account ni Brent. Ako ang legal na asawa ngunit wala akong access sa socmed ni Brent at pati na rin sa cellphone nito. “Palayain mo na si Brent, Kylie.” Ayoko sanang patulan si Aika ngunit sumusobra na ito. Napa-sana all na lang talaga ako sa mensahe ni Aika. As in, sa akin talaga niya hihingin ang bagay na ‘yon? Napakaboba naman! Nanginginig man ang aking mga daliri sa sobrang galit, ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-type ng aking response. “Sorry Danilo ha kung kailangan mo pang mamalimos sa akin para mapasaiyo si Brent,” sabi ko.   “Sino si Danilo?” “May access ka na sa account ni Brent, bakit di mo hanapin pangalan mo? By the way Aika, tungkol kay Brent, siya ang kausapin mo, ‘wag ako.” Pagkatapos ay kinunan ko ng screenshot ang convo naming dalawa at nag-inemail ko kay Brent. Mahirap na sa messenger at baka hindi makarating sa kanya. Nagtext na rin ako sa kanya kung bakit kailangan kong i-block siya sa messenger at i-check na lang email niya. Nang makita ko ang isa pang set ng breakfast meal ay iyon ang napagtuunan ko ng pansin. Na-stress ako ng very light sa pagkontak ni Aika sa akin, pero teka, bakit hindi ako masyadong nasaktan? Dahil ba inasahan ko na dati pa na humantong kami sa ganito ni Brent? Nakakapanghinayang lang ang ilang taon na iginugugol ko para sa asawa ko, ngunit ganunpaman, mas mabuti na rin ‘yong maaga pa lang ay nalaman ko na ang tunay niyang kulay. Mabuti na lang talaga at isa lang anak namin kasi kaya ko itong buhayin mag-isa. Kung higit sa isa, naku, patay ako. Baka kinailangan ko ng irampa ang aking beauty upang makahanap ng afam. “Hoy!” Bigla akong napalingon nang marinig ko ang malakas na boses ni Lorena. “Kain tayo,” sabi ko sa kanya ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon lang sa isang breakfast meal set na tapos ko ng kainin. “May problema ka ba?” Nagkibit lang ako ng balikat at sinenyasan siyang i-check na lang ang aking phone kasi kakain ako. Ayokong i-narrate sa kanya ang pag-uusap namin ni Aika sa messenger at gaya ng inasahan ko, umusok ang ilong ng aking kaibigan. “Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yon! My God Kylie, hindi pa rin ba nawalan ng pag-asa na magiging okay kayo? Maawa ka naman sa sarili mo!” “Kaya nga hindi ako nagpa-stress ng husto dahil sa ginawa niya,” sabi ko. “Sabihin na natin na kalmado ka lang pero mali naman yata ‘yong hinayaan mo lang siyang magkalat,” pahayag ni Lorena. “At ano ang gusto mong gawin ko? Pagalitan siya? May magbabago ba kung ganun ang ginawa ko?” “Last na ‘yon,” sabi ko kay Lorena at tumango lang ito habang nakatingin sa akin. “Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan,” sinaway ko siya kasi kung makatingin parang kinawawa ako ng husto. “Huwag kang maawa sa akin.” “Hindi naman ako naawa sayo kasi alam ko na kaya mo. Andami mo ng pinagdaanan sa buhay at kinaya mo naman lahat. Ang sa akin lang, bakit mo inubos ang pagkain? Wala pa kasi akong breakfast,” sabi ni Lorena. Lukaret ka talaga, ano? Marami pa, andun o!” At itinuro ko sa kanya kung saan ko nilagay ang pagkaing ibinigay sa akin ni Jestoni gamit ang aking nguso. “Lagyan mo na lang ng mainit na tubig ang tsokolate kung malamig na.” “Okay madam! Ano’ng nakain mo at nag take-out ka pa?” “Si Jestoni ang bumili n’yan,” sabi ko at biglang nabitin sa ere ang pagsubo ni Lorena. “Naalala mo na naman ang ka-fling mo.” “Jestoni rin kasi ang pangalan ng mokong na ‘yon,” sagot ni Lorena. “Hay naku, syempre may kapareho ng pangalan ‘yon. May artista pa nga na Jestoni, eh! Hayaan mo at sa susunod na magkita kami, irereto kita. Tropa ‘yon ni Brent “Loka-loka! Importante ba ‘yon? Mas mahalaga siguro kung nagmamahalan kayong dalawa,” saad ko sa kanya. “Kaya tinanggap mo na lang kung anong meron si Brent dahil mahal mo siya. Eh ikaw, masaya ka ba?” Oo nga, ano? Lagi ko kasing inuuna ang kasiyahan ni Brent at kadalasan ay nagpaubaya lang ako. Sa lahat ng ginawa ko para sa kanya, ipinagpalit pa rin ako sa ibang babae. “Ang kapal talaga ng mukha niya upang hanapin ang pagkukulang ko sa ibang babae eh siya nga nagkulang din naman,” himutok ng aking damdamin. “Sa wakas ay na-realize mo na rin ang iyong pagkakamali. Hay ewan ko na lang talaga sayo Kylie kung mag-stay ka pa sa piling ni Brent.” Pinilit kong ngumiti sa harap ni Lorena kahit na nagdurugo ang aking puso. Hindi siya gaanong masakit pero nag-alala ako na baka hindi pa lang nag-sink in sa akin ang kababuyan ni Brent. “Natatakot ako, besh.” “Naintindihan ko pero mas matakot ka na tuluyang lamunin ni Brent ang iyong pagkatao, Kylie. Tandaan mo lang na kung ano man ang mangyari sa inyong dalawa, narito lang ako. Kaya huwag ka ng matakot. Teka, gusto mo pa bang ipaglaban ang iyong karapatan bilang asawa? Afterall, malaki rin ang kita ni Brent ngayon,” pahayag ni Lorena. “Wala akong pakialam sa sahod niya. Nasanay na akong hindi siya nagbibigay talaga. Mamaya ay kakausapin ko siya,” sabi ko ngunit mukhang malabo ng mangyari ‘yon nang tumunog ang aking phone at pangalan ni Brent ang tumatak sa caller id. “I-loudspeaker mo,” utos ni Lorena. Ayoko sanang sundin si Lorena pero wala namang masama kung maririnig nito ang pag-uusap namin ni Brent. Tinanggap ko ang tawag ni Brent at saka nag-loudspeaker. “Bakit?” Tanong ko sa kanya. “Bakit kailangan mo pang guluhin si Aika? Nananahimik ‘yong tao, Kylie! Alam mo bang umiiyak siya ngayon?” Nakita kong kumurap ng ilang beses si Lorena dahil hindi rin ito makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Brent. Lumabas kasi na ako pa ang may mali! “Eh ako, hindi mo ba ako tatanungin kung umiyak ba ako? Hiniling niya na pakawalan kita gamit ang account mo, o baka naman ikaw ang nag-message sa akin at ginamit mo lang ang pangalan ni Aika.” “Huwag ka ngang gumawa ng kwento! Last warning na ‘to Kylie ha, huwag mo ng pakialaman pa si Aika dahil wala siyang kinalaman kung may problema man tayo,” giit ni Brent. “Talagang last na ‘to Brent kasi hindi ko na rin kaya ang mga ginagawa mo, ninyong dalawa ni Aika.” “Paulit-ulit na lang ba tayo? Sinabi ko na nga na walang kinalaman si Aika sa akin!” Habang nakinig ako sa paulit-ulit niyang pagsisinungaling, tuluyan ng humulagpos ang aking galit. Sa loob ng maraming taon na nagsama kami, simula noong nagdi-date pa kami, never pa nangyari na sinagot-sagot ko siya o napagsalitaan ko siya ng masama. Sinikap kong hindi siya ma-offend dahil alam kong medyo pabebe nga ang kanyang damdamin. Siguro nga ay kasalanan ko rin kung bakit hindi siya nag-improve kasi masyado ko siyang bini-baby. Kung nasa ML lang kami, ako ‘yong tank at support lang siya. “Hoy Brent! Sumusobra ka na talaga! Huling-huli ka na nga, tatanggi ka pa rin? My God! Kung ayaw mo na sa akin, go!  Hindi kita pipigilan pero tandaan mo na once na umalis ka, never ka ng makabalik pa,” binalaan ko siya at kahit na medyo pumiyok ang aking boses, hindi ako tumigil. “Umuwi ka ng maaga mamaya at mag-uusap tayo. Aayusin natin ‘to,” sabi ni Brent. Hindi ako sumagot at pinatay ang tawag. Pinilit ko ang aking sarili na ngumit pero hindi ko mapigilan ang sarili kong kamay sa panginginig. Pati buong katawan ko ay nanlamig na para bang nakababad ako sa bathtub na puno ng yelo. Huminga ako ng malalim bago tumayo upang bumalik na lang sa desk ko ngunit biglang nanghina ang aking mga tuhod at bumagsak ako sa aking kinauupuan. “Kylie!” Kaagad akong inalalayan ni Lorena at nang makatayo na ako ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ito nagsalita ng kahit ano at basta niyakap na lang niya ako. Pero kung alam ko lang ang magiging reaksyon ko, hindi na sana ako pumayag na yakapin niya. Lahat ng tapang na mayroon ako ay biglang naglaho na parang bula at hindi ko na namalayan na kusa na palang umagos ang aking mga luha. Tumulo lang siya at kahit anong ginawa kong pagpupunas ay hindi ito tumigil. Panay ang pag-comfort niya sa akin kaya mas lalo lang akong naiyak. “Parating si sir,” bulong niya sa akin kaya mabilis kong pinahid ang aking mga luha. Paglingon ko, wala namang tao kaya hindi ko sinadyang mabatukan ang aking kaibigan. “Bwesit ka talaga!” “Ayaw mo kasing tumigil, eh! Hindi mo siya dapat iyakan, ano ka ba? Masyado ka namang excited eh buhay pa naman ‘yong tao! ” “Bad ka talaga kahit kailan,” sabi ko at kahit papaano ay guminhawa ng konti ang aking pakiramdam. Kanina kasi, ang bigat ng dibdib ko! Pagbalik ko sa desk, hindi ko na inisip si Brent at nag-focus sa trabaho. Mas malaki ang mawawala sa akin kung pa-chill-chill lang ako sa work. Libo-libo kasi ang penalty sa Customs kung may mali at salary deduction ‘yon! Usually kapag may inquiry ay kaagad kong ipapasa ‘yong sa inhouse sales namin pero dahil malungkot ako at kailangan kong maging sobrang busy, iyong wala ng oras upang isingit ang kalungkutan, nag-assist na rin ako sa mga inquiries at saka ko isali sa email ang taga Sales. Buong araw akong subsob sa trabaho at kung hindi pa ako pinilit ni Lorena, malamang na hindi ako makakakain ng tanghalian. Wala kasi akong balak na kumain sana dahil walang gana. Kaya lang si Lorena ay sadyang may topak sa ulo. Dinala ba naman ako sa bagong bukas na restaurant malapit sa office at sikat ‘yon para sa kanilang lechon. Supposed to be ay wala akong gana dahil kay Brent pero pagpasok pa lang namin, naamoy ko na kaagad ang mga aroma ng pagkain sa loob ng restaurant at kaagad na kumulo ang aking tiyan. Pinili ni Lorena ang lechon kasi iyong ang available kaagad. Kung ibang ulam kasi ang gusto ay kailangan pang maghintay ng ilang minuto. “Walang gana pero nag-extra rice,” kinantyawan niya ako. “Tumigil ka na!”Binalaan ko siya. Habang naglalakad kami pabalik sa opisina ay paulit-ulit akong pinangaralan ni Lorena na pakawalan ko na raw si Brent ng tuluyan dahil wala akong mapapala. Wala naman talaga! Pero, kakayanin ko kaya? Nasanay na kasi ako na magkasama kami sa loob ng ilang taon. Kaya lang ay biglang sumakit ang tiyan ko! Napayuko ako sa sobrang sakit at feeling ko ay nanlamig ang buo kong katawan at unti-unting nagdilim ang aking paningin. Inabot ko ang kamay ni Lorena bago ako bumagsak sa gilid ng kalsada. Paggising ko, nasa isang ospital na ako at may nakakabit na dextrose. Nang mapansin ko na mag-isa lang ako sa room ay muli akong nagdrama. Alam kaya ni Brent na nasa ospital ako? Nakakalungkot pala ang mahiga sa isang hospital bed tapos walang kausap. Ewan ko pero nang mga sandaling ‘yon, nag-wish ako na sana ay buhay pa ang aking ina. “Gising ka na pala.” Nagulat ako nang biglang lumabas si Lorena mula sa banyo. “Akala ko ay mag-isa lang ako dito.” Gumaralgal ang aking boses habang nagsasalita dahil na-appreciate ko ng husto ang ginawang pag-stay ni Lorena. “Iiwanan ba naman kitang mag-isa? So, kumusta na ang pakiramdam mo?” “Medyo okay na,” sabi ko. “Huwag ka kasing magpa-stress ng husto. Hindi ka raw natunawan ng pagkain kaya ganun ang nangyari. Aminin mo, bakit ka hinimatay kaagad?” “Ano kasi,” sabi ko dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Lorena na natakot lang ako ng husto kanina. “Akala ko kasi ay may matinding sakit na ako kaya natakot ako,” paliwanag ko sa kanya. “Alam ba ni Brent na narito ako?” Nagtanong ako at nang tumango si Lorena ay pinagsisihan ko kaagad kung bakit nagtanong pa ako. Mapait akong tumawa dahil naawa ako sa aking sarili. Alam ng lalaki na nasa ospital ako ngunit ilang oras na simula nang ipaalam ni Lorena ang tungkol sa akin pero hindi pa rin siya dumating. Alam ni Brent na nasa ospital ako pero hindi man lang ako pinuntahan. Asawa pa kaya ang turing niya sa akin? Bakit ganun? Wala na ba akong halaga sa kanya? Maraming mga bagay ang gusto kong itanong sa kanya kaya kailangan ko ng makalabas kaagad. “Ano’ng sabi ng doctor? Maaari bang uuwi na ako kaagad?” Tinanong ko si Lorena. “Yes, iyon ang sinabi niya. Pero okey ka na ba talaga? Tinakot mo ako kanina, eh!” “Pasensya ka na ha at nadamay pa kita,” humingi ako ng dispensa kay Lorena dahil katulad ko ay naghalf-day na rin ito sa trabaho. “What are friends for? Kung okey ka na talaga, aayusin ko muna ang bills sa baba,” sabi ni Lorena at kaagad na itong lumabas. Nang maayos na ang lahat ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Si Lorena ay umuwi na rin. Habang lulan ako ng taxi, kung anu-ano na lang naiisip ko. May eksena kung saan kinompronta ko si Brent at nagkasagutan kami. Naroon din ang eksena na posibleng pinuntahan niya ako sa hospital ngunit nakaalis na pala ako kaya hindi kami nagpang-abot. Sa sobrang dami ng mga posibleng nangyari sa aking imahinasyon, hindi ako nakahuma nang makita ko si Brent na masayang nakikipag-usap sa isang kapitbahay namin. What the f**k? Lihim akong nagmura habang bumaba mula sa taxi. Ngumiti lang siya sa akin na para bang walang nangyari at saka nagpaalam sa kanyang kausap na papasok na ito sa amin. Magkasunod lang kami ngunit hindi man lang ako kinumusta. Gaano na ba ako kasama upang tratuhin ng ganito? Sumunod siya sa akin hanggang sa marating namin ang aming silid. Isinara niya ang pintuan at sinigurado na naka-lock. Inasahan ko na may masama siyang balak sa akin pero maaga pa naman para magtalik. Ganunpaman, hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Maghiwalay na lang tayo, Kylie.” “W-what?” “Maghiwalay na lang tayo. Hindi na ako masaya sa relasyon nating dalawa, masyado ng imbalance ang pagmamahalan natin,” sabi niya. “Dahil ba kay Aika?” Tinanong ko siya ngunit hindi siya sumagot ng direkta at umiwas ng tingin. “Bakit hindi ka makatingin sa akin? Wala na ba talaga akong kwenta na pati respeto mo ay naglaho na rin?” Umiling si Brent pero hinintay kong magsalita siya. “Hindi na ako masaya sa piling mo,” inulit ni Brent ang kanyang sinabi kanina. Masakit na nga ‘yong unang beses kong narinig ang linyang ‘yon, inulit pa niya. Bakit hindi na lang niya ako saksakin sa puso kasi pareho rin naman ang resulta? “Ganun kadali? Naramdaman mo lang na hindi ka na masaya sa akin, hihiwalayan mo na ako kaagad? Ang babaw naman ng dahilan mo, Brent.” “Bakit pa natin ipipilit kung hindi na tayo masaya?” “Ikaw lang naman ang hindi masaya. Ano ba ang gusto mong gawin ko? Pasayahin kita araw-araw? Eh ikaw, may ginawa ka upang pasayahin ako? Mula noon, hanggang ngayon, hindi mo narinig sa akin na nagreklamo ako dahil ganito, ganyan. Hiniwalayan ba kita dahil nagkulang ka? Hindi ko ginawa ‘yon dahil  mag-asawa tayo, nanumpa tayo sa harap ng altar na kahit anuman ang mangyari ay dadamayan natin ang isa’t-isa!” “Kylie…,” binanggit niya ang aking pangalan ngunit sinenyasan ko siyang manahimik muna. “Makinig ka muna, tangina mo!” At sa unang pagkakataon ay namura ko talaga siya ng harapan. “Pakiulit nga ‘yon? Hihiwalayan mo ako dahil hindi ka na masaya? Bakit hindi mo na lang kasi aminin ang totoo na ginamit mo lang ako? At ngayon na malaki na kinikita mo, feeling mo, hindi mo na ako kailangan! Ang sama-sama mo, Brent! Alam mo kung ano ang mga isinakripisyo ko para sayo,” sinumbatan ko siya. Alam kong mali na sumbatan siya sa lahat ng bagay na ginawa ko dahil sa sobrang pagmamahal ko pero kinain na ako ng sobrang galit para kay Brent. “Hiniling ko ba na gawin mo ang mga ‘yon? Huwag mong isumbat sa akin ang mga bagay na kusa mong ginawa,” pahayag ni Brent. “Pero bakit? May nagawa ba akong mali? Bakit bigla na lang nagbago ang pagmamahal mo sa akin?” “Masasaktan ka lang kung sasagutin ko ang tanong mo,” sabi ni Brent. “At ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Masaya ba ako? Tingnan mo ako, lintik ka! Masaya ba ako sa ginawa mong ‘to?” “Tumigil ka na,” utos niya sa akin at pagkuwa’y nagtungo ito sa closet at kumuha ng maleta. Nanikip ang aking dibdib habang nakatingin ako sa kanya na nag-empake ng kanyang mga gamit. Hindi ako makagalaw sa aking kinatayuan habang patuloy na nag-empake si Brent ngunit nang marinig ko ang pagsara ng maleta, tumakbo ako palapit sa kanya at lumuhod. Yes, nagmakaawa ako na huwag siyang umalis, na huwag niya kaming iwan pero patuloy na umiling si Brent. Tumanggi siyang manatili sa tabi namin ni Karla. Nang mga sandaling ‘yon ay para akong binagsakan ng langit. “Maawa ka naman sa akin, sa amin ng anak mo,” pakiusap ko sa kanya at hindi na ako nahiyang umiyak sa  kanyang harapan. Masakit sa akin na magpakita ng kahinaan ngunit sa mga oras na ‘yon ay desperada ako ng hindi siya aalis. “Brent please…,” patuloy akong nakiusap sa kanya. Nang tumayo ang lalaki, para itong Diyos na aking sinamba. Kinawawa ko ng husto ang aking sarili pero hindi pa rin siya natinag. “May atm sa drawer, nakapangalan sayo, at doon ko ihuhulog monthly ang suporta ko kay Karla,” sabi ni Brent at saka ito umalis. Umasa akong lumingon siya at magbago ang desisyon pero sa pelikula lang yata ay may ganun. Tuloy-tuloy na lumabas ang lalaki at hindi man lang ako tinapunan ng tingin na para bang isa akong basura. “Brent…,” tinawag ko ang kanyang pangalan ngunit wala na siya. Hindi na niya ako narinig. Tuluyan na siyang umalis papunta sa kerida niya at iniwan na niya kami ni Karla. Pinahid ko ang aking luha at sinundan ang lalaki sa pag-akalang dadaan ito sa silid ng anak namin. Mas lalo lang akong nanghina nang madatnan kong naglalaro lang si Karla at Marian. “Nagpunta ba si Brent dito?” Nang umiling si Marian, kaagad akong tumalikod dahil bigla na lang umagos ang aking luha. Hindi lang pala ako ang niyurakan ni Brent kundi pati na rin si Karla. “Nag-undertime ka ba?” “Yes! Gagawa na muna ako ng merienda natin sa baba.” Pinilit kong pasayahin ang aking boses dahil ayokong mahalata ni Marian na nag-away kami ni Brent o malaman nito na iniwan ako ng lalaki. “Ako na maghanda ng merienda natin,” alok ni Marian at bago pa man ako makatanggi ay umalis na ang babae. Kami na lang dalawa ni Karla ang naiwan at nang ngumiti ang bata sa akin, pinigilan ko ang aking sariling umiyak. Hangga’t kaya ko, hindi ko ipapakita sa anak ko ang aking kahinaan. “Mama…!” “Baby…,” sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Habang pinaglaruan ng bata ang aking mahabang buhok, wala itong kaalam-alam na sumakit na ang aking lalamunan sa pagpipigil na hindi maiyak. Kaya lang, nang gumanti ng yakap si Karla sa akin, hindi ko na nagawang pigilan pa ang aking sarili at humagulhol ng iyak. “Tayo na lang dalawa…,” sabi ko sa kanya kahit na hindi pa niya ako maintindihan. “Tayo na lang dalawa.” “Hindi ba ako kasali?” Nang lumingon ako sa may pintuan, nakita ko si Marian na nakatayo at may dalang merienda. “Alam mo?” “Bakit naman hindi? Matagal na tayong magkasama sa bahay na ‘to kaya alam ko, hindi ba ako kasali?” Inilapag ni Marian sa study table ni Karla ang dala nitong merienda at saka tumingin sa akin. “Bakit kayong dalawa na lang? Paano naman ako?” Tumingin lang ako sa babaeng tumayong pangalawang ina ng anak ko. Ni isa sa amin ay hindi nagsalita, pero nang magsimulang tumulo ang aking luha, bigla niya akong hinampas sa braso. “Bakit mo ginawa ‘yon?” Tinanong ko siya sa pumipiyok kong boses dahil masakit pa rin ang aking lalamunan sa pagpipigil na umiyak pero naiyak pa rin. “Bakit naman hindi? Dahil lang kay Brent ay magkakaganyan ka na? Maraming lalaki sa mundo, Kylie!” “Mahal ko siya,” sabi ko. “Litseng pagmamahal ‘yan! Gumising ka na sa katotohanang matagal na siyang gustong kumalas sa relasyon ninyon dalawa ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob.” “Ang sakit!” Nakita kong umismid si  Marian at naintindihan ko naman kung bakit ayaw na niya akong damayan sa aking kadramahan. Nagulat na lang ako nang bigla nitong kinuha ang aking daliri at inilublob sa umuusok na tsokolate. Napasigaw ako sa sakit. “Iyan ang masakit, sige na magmeryenda ka na, pagkatapos ay mag-shower ka o di kaya ay magpahinga,” mungkahi ni Marian. Umiling ako kasi hindi iyon ang gusto kong mangyari. “Gusto ko na lang mamatay,” sabi ko sa mahinang boses ngunit narinig pa rin ako ni Marian at bigla akong binatukan. “Tingnan mo ang anak mo, Kylie. Hindi ka ba maaawa sa sarili mong dugo? Ipagpalit mo ‘yan kay Brent? Magkano ba ang sahod mo diyan sa pagiging tanga mo?” Akala ko ba ay matapang ako pero bakit parang hindi ko yata kaya ang nangyari. Gusto ko na lang mawala sa mundo upang hindi na magdurusa ang aking puso. Nang ngumiti ang bata sa akin, saka ko lang nahanap ang s**o taking katanungan kung ano ang sunod kong gagawin. “Tulungan mo ako,” hiniling ko kay Marian na huwag niya akong iwan tulad ng pag-iwan ni Brent sa akin. “Ikaw na ang bahala kay Karla,” sabi ko at mabilis kong nilisan ang silid ng anak ko. Bago pa man ako makapasok sa aking silid ay nagulat ako nang pinigilan ni Marian ang aking kamay. “Bakit?” Tinanong ko siya. “Huwag na huwag mong itutuloy ang balak mong gawin,” sabi ni Marian sa akin. “Gusto ko pa sanang mag-stay sa kabilang silid na kasama ang anak ko pero hindi ko na talaga kaya.” “Nahihibang ka na ba talaga?” Sumigaw si Marian at hindi pa rin nito binitiwan ang aking kamay. “Tantanan mo muna ako, Marian. Hindi ko na kayang pigilan ang tawag ng kalikasan, gusto ko ng magbawas,” sabi ko sa kanya at isang malakas na hampas sa braso ang aking natamo mula kay Marian. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ako ng silid na preskong-presko. Nag-shower ako upang kahit papaano ay lumamig ang aking ulo. Naabutan ko si Marian at Karla na nakaabang sa labas ng aking silid. “Ang tagal mo naman,” reklamo ni Marian. Kinuha ko mula sa kanya ang bata at nauna na akong bumaba. “Inisip mo ba talagang magpapakamatay ako?” “Syempre! Alam ko naman kasi kung gaano ka importante sayo si Brent tapos iniwan ka lang dahil may bago na siya,” sagot ni Marian. “Hindi niya inamin na may relasyon sila ni Aika,”sabi ko ngunit iningusan lang ako ni Marian. “May magnanakaw bang aamin? Wala di ba? Kaya huwag ka ng umasa pa na aamin siya tungkol sa kanila ni Aika,” paliwanag ni Marian. “Huwag na nga lang natin siyang pag-usapan,” mungkahi ko kasi hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na talaga si Brent sa buhay ko. “Mabuti pa nga, i-ban na ang pangalan niya sa pamamahay na ‘to!” Hindi ako nag-comment sa sinabi ni Marian na i-ban ang pangalan ni Brent kasi hindi ko naman kaya ‘yon. Syempre, hindi ko pa kaya! “sss muna ako,” sabi ko kay Marian “Mang-stalk ka na naman?” “Of course not!” Nagsinungaling ako dahil nang buksan ko ang aking account ay kaagad kong hinanap ang account ni Aika. Pero nang mabasa ko ang relationship status niya sa f*******: ay bigla akong napamura ng malakas. “Bakit?” Tumayo si Marian at lumapit sa akin kaya ipinakita ko sa kanya ang status ni Aika at sabay na rin naming binasa ang mga comments mula sa mga kaibigan ng babae. Ang nangyari, mas nagalit pa si Marian kaysa sa akin. “Papatulan ko na talaga ‘to!” Nanginginig ang aking mga kamay habang nagta-type ng aking komento para sa isang post ni Aika. Paulit-ulit kong binasa ang kanyang post at sa bawat pagkakataon ay naiimbyerna pa rin ako. Gusto pala nito ang isang buhay na masaya lang at walang ka-stress-stress, eh bakit pumatol ito sa aking asawa? “Happy ka na ba sa asawa ko? Kokolektahin ko na lang ang renta kada katapusan, ciao!” Wala na akong pakialam kung lumabas akong bastos at walang pinag-aralan pero ipinamukha ko talaga sa kanya at sa mga kakilala niya na isa siyang dakilang kabit! Kahit na-post ko na ang aking comment ay malakas pa rin ang kaba sa aking dibdib. Gaya ng inaasahan ko, tumawag si Brent. “Bakit?” Tinanong ko siya na para bang wala akong ginawa kay Aika. “Akala ko ba ay hindi ka na manggugulo?” Tumayo ako nagpunta sa kusina dahil ayokong marinig ng bata na tumaas ang aking boses. Baka matakot pa ito. “At ako pa  ang may kasalanan? Bakit hindi mo sabihin kay Aika na magkaroon naman siya ng konting delikadeza, o talaga bang sinusubukan mo ako Brent? Sa mata ng diyos at sa mata ng tao ay mag-asawa pa rin tayo! Hangga’t hindi na-annul ang kasal natin, wala siyang karapatan na ibalandra sa social media ang relasyon ninyong dalawa! Huwag mong sagarin ang pasensya ko at baka sampahan ko kayo ng kaso!” Binalaan ko siya. Siguro ay natakot ang dalawa dahil nang muli kong tingnan ang account ni Aika, wala na itong relationship status. Binura na rin ng babae ang post kung saan ako nag-comment kanina. Feeling ko, panalo ako sa unang round, pero bakit ganun? Hindi pa rin nakita ni Brent na sa aming dalawa ni Aika ay ako ang dapat niyang piliin. “Uminom ka muna ng malamig na juice,” sabi ni Marian sa akin at para akong bata na walang kamuwang-muwang sa ginawa niya. Kinuha ko ang baso mula kay Marian at inubos ang laman nito. “Salamat,” sabi ko sa kanya. “Kalma, Kylie. Ang puso mo,” paalala ni Marian sa akin. “Huwag kang mag-alala, kaya ko pa naman. Pero tama ba naman ‘yong sinabi ni Brent sa akin na ako ang nanggulo sa kanila? My God, Marian! Ako na nga ang na-agrabyado, ako pa ang mali! Nakaka-bwisit!” “Ano’ng plano mo?” “Wait lang,” sabi ko habang nagta-type. Talagang sinaniban na ako ng maitim na hangin at paulit-ulit kong na-mention ang pangalan ni Aika at Brent sa aking post. Tagged pa nga, eh! “Done,” sabi ko pagkatapos ma-post ng aking status update sa sss. Muli na namang nag-ring ang aking telepono at si Brent uli ang tumawag. “Miss mo na ako kaagad?” Biniro ko siya ngunit halos mabingi ako sa lakas ng kanyang sigaw. Inilayo ko sandali ang cellphone mula sa aking taynga at sinenyasan si Marian na si Brent nga ang kausap ko. “Ano na naman  ‘to Kylie? Ipinapahiya mo ako, kami ni Aika sa lahat ng tao!” Sigaw ni Brent sa kabilang linya. “Ah marunong ka rin palang mahiya, eh bakit hindi ka nahiyang lokohin ako,punyeta ka?” Gumanti ako ng sigaw, baka akala niya na hindi ako marunong magtaas ng boses. “Alam mo ba ang epekto nito? Bakit kailangan pang ipaalam sa publiko ang tungkol sa family problem natin?” “Feel ko lang!” “Feel mo lang? Ano ka, bata? Sa ginawa mong ‘to, sa tingin mo ba ay babalikan kita?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD