NAGING ABALA SI Nikki at Sebastian sa pag-aayos ng kasal nila ng mga sumunod na araw. Napagkasunduan nilang dalawa ng binata, na sa Hotel De Astin iyon gaganapin. Siya ang unang nakaisip niyon na sinegundahan naman ng binata. Hindi kasi mawala sa isip niya ang lugar na iyon. Para siyang na-engkanto na kailangan niyang balikan ang islang iyon. Pero siyempre humingi rin sila ng permiso ni Kendra kaya sinadya nila ito mismo sa Caramoan. Alam niyang matagal nitong itinago ang sarili sa pinsan niya. “Handa naman na ako, Nikki. Inaasahan ko ng darating ang araw na ito, at paghahandaan ko na lang ang pagkikita ng mag-ama,” ani ni Kendra sabay higop ng tea. “S-sure?” “Nang makarating ka rito, pumasok na sa isip ko ang bagay na ito. Connected ka sa kan’ya kaya hindi malayong malalaman niya kung