NAPASUNOD ANG TINGIN ni Nikki kay Luka nang maupo ito sa tabi niya, matapos itong makipagbeso sa magulang niya. Hindi niya maiwasang magtaka. Base sa mga reaksyon ng mga naroon, magkakakilala na ang mga ito. At nakompirma niya nang magsalita ang ina tungkol sa farm nito. So, magkakilala pala talaga ang mga ito talaga noon pa man? Kita naman niya sa mga mata ng magulang at kay Luka. Mukhang napagkaisahan na naman yata siya. Siya, na laging walang kaalam-alam sa paligid. Ang dami pa ngang katanungan sa isipan niya na wala pa ring kasagutan hanggang ngayon. “Hi,” anitong nakangiti sa kan’ya. “H-hey,” alanganin ang sabi niya sa binata. Hindi pa rin niya inalis ang tinging may pagkaalangan sa binata habang naglalagay ito ng table napkin sa kandungan nito. Napansin siguro nito na nakatingin