NAPAKAPA SI NIKKI sa labi pagkagising na pagkagising. Nanunuyo ang labi niya. Nasa ospital pala siya ng mga sandaling ‘yon. Familiar siya sa disenyo ng interior kaya alam niyang nasa loob siya ng ospital nila. Gising na siya kanina pa. Hindi lang siya nagmulat dahil naroon ang asawa, at kausap nito si Axel. Ayaw niyang makita ang asawa dahil hindi niya alam ang sasabihin. Doktor ang gusto niyang makausap para alamin ang kalagayan ng anak niya. Muli siyang napapikit nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Sana doktor na para makausap niya. Wala siyang ibang naririnig na nagsasalita maliban sa naglalakad kaya alam niyang walang doktor. Eh ‘di sana, maingay ang buong paligid. Pigil ang hininga niya nang maramdaman ang paghawak ng kamay sa kan’ya sabay dala niyon sa labi nito. Si Sebastian