“READY NA PO kayo, ma’am?” bungad ni Cedric nang pagbuksan niya ito ng pintuan. Tumango siya dito. “Ang boss mo?” “Umalis na po, Ma’am.” Hindi niya maiwasang umingos nang marinig ang sagot ni Cedric. Yeah, nag-text ang asawa na nagmamadali daw ito dahil sa emergency nito, kaya hindi siya masamahan sa mall. Balak niya ding mag-grocery ng mga ilang gagamitin sa kusina. Hindi puwedeng wala siyang kasama kaya si Cedric na lang din ang pinasama nito sa kan’ya. “Saan ba ang punta ng boss mo ngayon? Linggo naman, a!” aniya nang magpatiuna dito ng lakad. “Hindi ko po alam, ma’am. Tanong niyo na lang po siguro pagbalik niya po.” Hinarap niya ng maayos si Cedric. “Really? Hindi mo alam?” “Opo.” Pinakatitigan niya ito sa mukha. “Ma’am, magagalit si boss kapag nakita niya tayong nagtitigan.”