“NASAAN ANG MASTERS’ bedroom?” Lingon ni Nikki sa asawa nang makarating sa sala. Nanginginig na ang laman niya ng mga sandaling iyon. Hinid niya alam kung inis ba ‘yon o galit. Hindi alam ni Sebastian kung lalapit ba sa kan’ya o hindi dahil nakataas ang kamay niya. Pinapanatili niya ang ilang pulgadang distansya nila. “The one with a golden door knob,” walang buhay na sagot nito sabay turo nito. Kita naman sa kinatatayuan niya ang sinasabi nitong may golden knob. “Diyan ka lang,” matigas na sabi niya sa asawa. “Hon,” “Don’t call me, hon, kung may kahalikan kang iba! Ang kapal niyo, sa harap ko pa talaga!” Maingay na inihakbang niya ang paa sa eleganteng hagdan. “She kissed me. Nakita mo naman–” Nilingon niya ito dahil sa narinig. “Yes! Nakita ko nga. Nakita kong humawak ka pa sa be