SINALUBONG NIYA SI Sebastian nang makita itong papalapit. Kinabig siya ito at hinalikan sa labi ng mabilis. “How’s the meeting?” “Let’s go home,” anito imbes na sagutin siya. “Home? ‘Di ba, bahay mo din ‘to?” “This house belongs to my father; I don't own it. I have a villa of my own here,” seryosong sabi nito. “Oh,” ani na lang niya. “Let’s go?” Tumango siya sa asawa. Hinuli nito ang kamay niya at iginiya siya papalabas ng bahay. Kung saan naghihintay na pala doon si Cedric. Kaya pala biglang nawala nang libutin niya kanina ang malaking bahay. “Pakiramdam ko talaga, nakapunta na ako rito.” Napalingon sa kan’ya ang asawa nang marinig ang sinabi niya. Nasa sasakyan na sila noon at papalabas na ng villa ng ama nito. Matagal bago ito nagsalita. “Are you sure?” Tumango ilit siya. Ma