PABALYANG NAPASANDAL SI Nikki nang makapasok sa sasakyan ni Luka. Nagbaba siya ng tingin sa tuhod, talagang nanginginig. Kahit ang dibdib niyang nag-aalburoto na parang bulkan, gusto nang sumabog. Ang kapal ba naman kasi ng mukha na kunan sila ng video. Sana hindi mahalata ni Gabby na nagsisinunaling siya. Wala naman siyang hawak na video o kung anuman, at hindi rin niya alam kung may camera sa loob ng silid niya. Gusto lang niyang makatakas mula sa loob. Wala din siyang pakialam kung ipakita nito kay Sebastian ang nakuha nito. Baka nga, gusto pa ng asawa na gawin niya iyon, para tuluyan na nitong magawa ang gusto na makapiling si Gabby. Sa susunod na engkuwentro nila ang hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi sa lahat ng bagay aayon sa kan’ya ang kapalaran. “Tinake-out ko na lan