RAMDAM NI NIKKI ang pagod nang makahiga sa kama. Kakauwi lang niya galing ospital. Napilitan siyang mag-extend dahil biglang dagsa ng pasyente. Mahigit apat na tatlong oras pa siyang nanatili bago nagpaalam. Naninigas na rin ang tiyan niya dahilan para umuwi na. Nangangalay na rin mga binti niya kakalakad sa malawak na ospital nila. Akmang ipipikit niya ang mga mata nang makarinig ng doorbell. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya hindi na siya nag-abalang tumayo. Pero naging sunod-sunod na hindi na siya makapagpahinga kaya napilitan siyang tumayo. Hindi pa siya nagbihis at magulo na ang buhok niya. Tinanggal na niya ang pagkakatali kanina pagpasok pa lang. Pagdating sa pintuan ay tinap niya ang screen para tingnan sa labas kung sino ang bisita. Napabuntonghininga siya nang makita ang