ILANG BESES NA napapatingin si Nikki sa pintuan ng kan’yang opisina. May hinihintay siyang dumating kanina pa. Hinihintay niya rin ang text nito o tawag pero wala man lang. Alas diyes na ng gabi kaya. Nakaubos na siya ng dalawang gatas kaya inaantok na siya. Nakauwi na rin si Junniper kanina pa. Natapos yata ang araw nito na nakababad ang tainga sa telepono kakasagot dahil kaarawan niya ngayon. Kaya nga pinilit niyang lumabas sana sila ngayon ni Sebastian, pero wala pa ito. Baka busy na naman. Hindi man lang nito naalala na kaarawan niya ngayon. Naiiling na tumayo siya at kinuha ang bag. Kanina pa siya bihis na bihis, kaso sayang ang ayos niya. Napahawak siya sa dibdib niya nang kumirot iyon. Napangiti din siya ng mapakla kapagkuwan nang makita ang pumpon ng bulaklak. Si Sebastian ang