KAKATULAK NI NIKKI ng paperpag sa dulo, muntik na siyang mahulog sa upuan. “Busy?” Napaangat siya ng tingin nang marinig na ang boses ni Sebastian. Napalabi siya sabay tingin sa ilalim ng mesa. “H-hi. Ahm— kakatapos lang ng duty. Hindi na ako busy.” Sumulyap pa siya ulit sa baba at sinipa ulit ang paperbag. Lumapit ito sa mesa niya at ipinatong ang kamay sa magkabilaang gilid ng mesa. Tumitig ito sa kan’ya kaya alanganin siyang ngumiti. Kakaalis lang ni Luka. Sana hindi nagkasalubong ang landas ng mga ito. “Are you okay?” “Y-yes, I’m fine.” Sabay sipa ng malakas sa paperbag. “Okay,” anitong parang hindi kombinsido. “Would you mind taking me home?” pag-iba niya ng topic. “Sure,” Ngumiti siya rito at tumayo saka hinubad ang coat at isinabit iyon. Nakaupo na ito sa mesa at pinapano