Chapter 1

1062 Words
“Rune, kailangan ko na ang sagot mo ngayon. Papayag ka ba sa iniaalok ko o ibibigay ko ito sa iba?” Napalunok muna ako ng laway bago nag-angat ng ulo para salubungin ang naiinip na tingin nang naninigarilyong si Cordata. “Wala talaga itong involve na iba pa? Usapan lang talaga ito?” paniniguro ko uli. Ipinaikot nito ang mata sa akin bago ibinuga ang usok sa mukha ko. Napaubo ako. “Ano ba? Ang bastos mo naman. Nagtatanong lang ang tao,” sabi ko at pinaypayan ang mukha para mawala ang amoy. “Ikaw naman kasi. Sabing wala. Paulit-ulit ka. Wala ngang involve na tsuktsakan at iba bang keme keme na iniisip mo. Malinis itong transaction na ito. Companionship lang talaga ang hanap ng kliyente.” Napaisip uli ako sa sinabi nito. Kung usapan lang pala ang hanap ng sugar daddy na ito ay walang problema. Magaling akong kumausap ng tao. Para saan pa at best speaker ako sa mga pageants na sinasalihan ko. Huminga uli ako nang malalim habang nakatingin ako sa iba pang customers na nagsisipagkain sa kabilang table ng kinaroroonan naming fastfood restaurant. Hindi ko maiwasang muling alalahanin kung bakit ba ako nasadlak sa sitwasyong ito. Noong isang linggo lang ay na-diagnose ang ama ko na may aneurysm. Kailangan niyang operahan para hindi tuluyang pumutok ang ugat nito sa utak. In short, fifty-fifty na ang kalagayan ng ama ko pero heto pa rin ako at nag-iinarte kung papayag ba ako sa alok ng kaibigan. Actually, binibigyan na nga niya ako ng special treatment para mapasaakin ang oportunidad. Ang ibang “talents” ay nag-o-audition pa nga. “Kailan ko makukuha ang bayad?” wala nang paliguy-ligoy ko na tanong. “On the spot. Magustuhan ka man niyang kausap o hindi, malaki pa rin ang magiging bayad sa iyo kaya galingan mo sa pagbola para may tip ka pa. Alalahanin mong hindi basta-basta ang mga kliyente namin. Lahat dito kung hindi bilyonaryo ay milyonaryo. Marami na ngang mga babae akong kilala na nabago ang buhay dahil nagustuhan sila ng mga matatanda. Ang iba ay ibinahay, pinag-aral, at binilhan ng sariling condo. Baka suwertehin ka rin. Ang ganda mo kaya.” Marami na nga ang nagsabi sa akin na maganda ako kaya halos pag-agawan ako ng mga talent scout para isalang sa mga beauty pageants kaso hindi ko kayang mag-commit sa mga malalaking kompetisyon kaya sa mga barangay levels lang ako sumasali. Pinagsasabay ko kasi ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang on-call waitress sa mga malalaking gatherings. “Usap lang ang kaya ko, Cordata. Hindi ako magpapa-take home. Hindi naman siguro ako pipilitin kung ayaw ko di ba?” “Siyempre naman. Wala kaming mga kliyente na namimilit. Protektado rin ang mga babaeng ibinibigay namin sa kanila. So ano na? Kung ako sa iyo, patusin mo na ito. Ewan ko ba at nag-iinarte ka ngayon. Tinawagan mo ako last week para sabihing ready ka na kung mag-all the way man kayo ng kliyente. Bakit ngayon ay nababahag ang buntot mo?” Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. “Natural lang naman siguro ang magbago ng isip. Pinag-isipan ko talaga ito nang mabuti. Sa huli, nagpasya akong wag nang ituloy. Hindi ko pala kaya.” Tumango lang ito bago humithit uli sa sigarilyo. “Alam mo, kanina pa ako nagtataka kung bakit wala ni isa ang nagtangkang lapitan tayo para sawayin ka. Bawal manigarilyo dito, ano ka ba.” Ngumisi lang sa akin si Cordata bago nananadyang nagbuga uli ng usok sa mukha ko. “Kasosyo ko ang may-ari nito kaya kilala na nila ako. Hayaan mo na sila tutal malayo naman tayo sa karamihan. So ano na? Okay ka na para ma-confirm ko na ikaw ang haharap sa kliyente bukas?” “Kilala mo ba kung sino ang makakaharap ko bukas? Pictures? Meron ka ba diyan? Gusto ko lang na makita siya.” Nginitian ko siya. Kanina pa ako anxious sa usapan namin. Baka kapag nakita ko ang mukha ng kliyente ay makatulong ito sa decision ko. “Hindi kami naglalabas ng mukha nila. SOP iyan namin. Alam mo Rune, sabihin mo lang kung hindi mo talaga ito gusto. Marami pang babae na katulad mo ang hindi magdadalawang-isip na patusin ang oportunidad na ito. Bilisan mong magdesisyon. May trabaho pa ako.” Natahimik ako sa sinabi ni Cordata. Tama nga ito. Ako na nga ang tumawag at humingi ng pabor dito tapos pinapatagal ko pa ang lahat. Mahina akong tumango. “Oo. Sigurado na ako. Saan ba bukas? Anong oras?” Nilunok ko ang laway kasabay nang paglunok ko sa pride at moralidad na matagal kong iningatan. “Sure ka na ba talaga niyan? Wala nang magbabago ng isip? Final na? Baka ako ang mapahiya nito bukas. Malaking kliyente pa naman ito. Ayokong masabon bukas, Rune.” “Hindi. Sigurado na ako rito, Cordata. Kailangan ko talaga ng pera kaya kukunin ko na ito. Sabi mo nga na hindi lang ako ang tanging desperadang babae sa mundo kaya susunggaban ko na ito. Saan ba ako pupunta bukas?” “Ako ang bahala. Susunduin kita bukas para makasigurado. May naka-stand by na rin na babae na papalit sa iyo kung sakaling magbago ang isip mo. Hindi ko ito ginagawa sa iba pero dahil kaibigan kita, magiging maluwag ako sa iyo. Saan ba kita kukunin bukas? Dapat nandoon na tayo sa venue bandang 7:30 ng gabi kaya kikitain kita ng 6.” “Wag sa bahay. Pwede bang magpunta ako sa apartment mo ng mga 3 p.m. para doon mag-ayos? Para hindi ka na rin mahirapang puntahan pa ako.” Tumango ito at may kinuha sa bag na isang susi saka ibinigay sa akin. “Wala ako diyan bukas kaya solo mo na ang bahay. Alam mo naman siguro ang address ko ‘di ba?” Kinuha ko ang susi sa mesa kung saan nito iyon inilapag. “Oo, ako na ang bahala.” Tumayo na si Cordata pagkatapos patayin ang upos na na sigarilyo sa ash tray. “Galingan mo bukas, Rune. Maganda ka at sexy. Madali na para sa iyo ang mga magaganap. Baka ito na ang swerte para sa iyo. Sige na. Aalis na ako. Susunduin na lang kita bukas sa apartment.” Hindi ko na nagawang magpaalam pa dahil tuluyan na itong tumalikod at lumabas ng pinto. Naiwan akong tigagal at natitilihan sa katatapos lang na pag-uusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD