“Gusto ko iyan. Iyan. That too. Itong buong aisle na ito, bigyan mo ako lahat ng small size tapos pa-counter na agad.” “Lahat po ito, ma’am,” gulat na tanong ng umaasisteng saleslady sa akin nang ituro ko ang halos kalahati ng mga damit sa parteng iyon ng department store. “Yup.” Binalingan ko si Nina. “Tulungan mo na rin siya.” Lumipat ako sa mga sapatos pero wala akong matipuhan kaya pumunta na ako sa counter at kinuha ang card sa bag para magbayad. Suminghap ang mga kapwa ko shoppergoer ko sa likod nang makita ang dami ng mga pinamili ko. “Grabe naman. Parang binili na niya ang buong mga damit dito.” “Geez, why spent too much on these low qual clothes?” “What does she do kaya?” “I bet she’s a mistress. Pormahan pa lang alam mo ng hindi alta.” Nagpanting ang tenga ko sa mga nar