“Ma’am Rune, dumating na po ang kotse ni Sir Romanov sa labas. Ang sabi po niya ay magbihis na po kayo at may pupuntahan daw po kayong dalawa.” Hindi ko pinansin si Eunice na humahangos pa sa aking tabi para ipaalam ang pagdating ng lalake. Nahiga lang ako uli sa malaking kama at umismid sa kisame. Umuwi pa talaga siya. Anong oras na nga ba? Alas-dose na ng umaga. Kahit isang oras ay hindi ako nakatulog dahil sa paghihintay ko sa kaniya. Kahit na nga ba sinabi kong hindi na ito uuwi dahil umaga na ay lihim pa rin akong naghintay dahil nangako siyang uuwi siya rito. “Sabihin mo sa kaniya na wala akong ganang lumabas. Umuwi na kako siya. Dapat hindi na siya nagpunta pa rito. Doon na lang siya sa asawa niyang hindi siya kayang bigyan ng anak.” Nagtalukbong ako ng kumot at nagkunwaring nat