LUNA BLINKED AWAKE SLOWLY, her cheek squished slightly against something warm and…soft? Dalawang segundo yata ang lumipas nang ma-realized ni Luna na hindi unan ang malambot sa kaniyang tabi kundi si Zayden.
Her eyes widened.
Mabilis siyang napaupo. The blanket was slipping from her shoulders. “Oh my—”
Zayden stirred, eyes still closed. “ If this is a dream, please don’t scream. I’m having a great time.”
Luna looked at Zayden and glared at him. “Nakatulog tayo sa sofa.” At sa totoo lang, nakatulugan nila ang kanilang pinapanood kagabi,
“Mhm,” Zayden mumbled, his voice raspy. “Best sleep of my life.”
Luna crossed her arms. “Naalala mo ba kung ano ang nangyari?”
Zayden opened one eye and gave Luna a teasing smile. “You straddled me like a goddess and kissed me like you meant it.”
Namula si Luna. “Zayden!”
Tumawa si Zayden. “Sinasabi ko lang. And I do remember. Every detail.”
Pinulot ni Luna ang throw pillow saka hinampas ito kay Zayden. “You’re insufferable.”
“And you still kissed me.”
Napakagat labi si Luna. Her heart was fluttering at the memory. She looked at Zayden, his hair messy, hoodie rumpled, but warmth still lingering in his sleepy grin.
It hit her again. She just kissed a man whom she had only known for more than two weeks, slept next to him in the living room, and she wasn’t freaking out.
Not really.
Just floating.
Parang ang saya nga niya, eh. Gusto niyang magtatalon sa tuwa. Which was weird in her part. Hindi naman siya ganito sa ibang tao, lalo na sa mga lalaki. Parang may kung anong mahika na bumalot sa kaniya kaya ito nangyari.
Hindi naman siguro siya ginayuma ni Zayden ‘no?
Luna wanted to laugh at that thought. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kaniyang isipan.
“You want coffee?” tanong ni Luna. Tumayo siya at tinupi ang kumot.
Zayden stretched lazily on the couch. “Only if it comes with another kiss.”
Luna rolled her eyes. “Kape muna saka na ang kiss na sinasabi mo.”
Tumawa lang naman si Zayden.
Luna smiled and went to the kitchen.
“Baby, don’t destroy the coffee maker!” Pahabol na sabi ni Zayden.
Bahagyang natigilan si Luna saka nilingon si Zayden. “What did you just call me?”
Zayden smiled. “Baby.”
Luna pointed to herself.
“Yeah, ikaw lang naman ang kasama ko dito kaya ikaw ang tinutukoy ko.”
Mabilis na tumalikod si Luna para itago ang kaniyang ngiti.
Zayden chuckled sexily and followed Luna to the kitchen. Wala siyang tiwala sa dalaga pagdating sa kusina. Baka aalis sila ng apartment na ‘to na marami silang papalitan.
Sunlight spills inside the apartment. But for Luna, everything feels different—quiet, glowing, and new.
In the kitchen, Luna was being clumsy in front of the coffee maker, trying to act normal, even though her heart begged to sprint.
Zayden appeared behind her. Magulo pa ang buhok nito at gusot ang suot na t-shirt. He leaned on the counter and watched her like she was doing something fascinating instead of just pouring water.
Instead of being annoyed, Zayden found Luna like she was a cute girl, trying to make things right. She’s cute, though. Beautifully cute. Is that even a term?
“Ano?” tanong ni Luna, bahagya siyang lumingon kay Zayden.
Ngumiti si Zayden. “Ang ganda mo. Like dangerous-level ang kagandahan.”
“You’re not helping.” Hindi na pinansin ni Luna ang pamumuri ni Zayden.
“I’m not trying to help. I’m enjoying this.”
Tumalikod si Luna. Trying to hide her smile. Then she threw the spoon at him, gently. Zayden caught it midair, triumphant.
“Ikaw na nga ang gumawa ng kape. Magto-toothbrush lang ako.”
“Okay, Baby.”
A moment later, Luna was sitting on the kitchen table, a mug of steaming coffee in her hands. Pinapanood niya si Zayden na nagluluto ng agahan nila.
The sun was higher now, spilling gold across the floorboards.
Napapangiti si Luna habang pinapanood si Zayden. Sa ngayon hindi na niya muna iniisip ang tungkol sa syudad, ang tungkol sa kaniyang magulang at tungkol sa fiancé niya.
She just wanted to have time for herself.
She just wants to be happy and free, even for just a short time.
At si Zayden ang makakapagbigay ng saya na ‘yon sa kaniya. Kahit panandaliang panahon lamang.
Hindi inaasahan ni Luna na ang isang taong nakilala niya sa maikling panahon ang makapagbibigay ng saya na matagal na niyang hinahanap mula sa isang pamilya.
“Den.”
“Hmm?”
“Can we go out later?”
Zayden glanced at her. “Like a date?”
“Hmm…pwede.”
“Anong pwede? It’s date.”
Ngumiti si Luna. “Okay. It’s a date.”
Muling humarap si Zayden sa kaniyang niluluto. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Sorry, Luna. But I will make you fall for me.
“Anyway, since you mentioned a date. May naisip akong puntahan. I’ve been researching and asking our landlord. May rinekomenda siyang lugar at tiyak na magugustuhan mo.”
“Saan?” tanong ni Luna.
“Akong bahala. Basta magdala ka ng damit na pamalit mo. Maybe one or two sets. Pero mas maganda kung dalawang set na lang.”
Tumango si Luna. “Can I bring my sketchpad?”
“Kailan mo ba iniwan ‘yan?”
Natawa ng mahina si Luna saka humigop ng kape.
They ate breakfast after Zayden finished cooking. And then they went to their own room. They packed two sets of clothes.
Naghanda rin si Zayden ng mga pagkain at ilang instant food na dadalhin nila. Though may pagkain naman sa pupuntahan nila, it was better to have their own food.
Nang maihanda niya ang lahat, inilagay niya ang mga ito sa kaniyang kotse. Then he waited for Luna.
Nang makalabas si Luna ng apartment, may dala itong bag kaya kinuha niya ‘yon at nilagay sa backseat.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Luna.
Ngumiti si Zayden. “Sa langit.”
Luna stopped. “Ano? Zayden, isa.”
Natawa na lamang si Zayden. “Ibang langit ang iniisip mo ‘no? What I mean is, let’s go camping on the hilltop. May tourist spot doon at may mga paupahang cottage.”
“Oh.” Luna relaxed.
Napailing na lamang si Zayden.
Sumakay sila sa kotse. Mga thirty minutes rin ang naging biyahe nila bago nila narating ang pupuntahan nila. Pero bago ‘yo, tumigil muna sila sa isang café. The café was charming with mismatched chairs, sleepy cats sunbathing by the windows.
The owner of the café served them cold honey-calamansi and homemade pan de coco.
Luna’s eyes widened in delight, took photos of everything while Zayden just watched her.
“Hindi na ako magtataka kung mamaya may mata na ‘yang pan de coco sa sketchpad mo.”
Ngumiti lang naman si Luna.
Later, after they finished their food, Zayden talked with the owner of the café. It turns out na ito rin pala ang nagmamay-ari sa mga cottage na nasa itaas ng burol na nasa likod at nakikita mula sa café na kinaroroonan nila.
“Enjoy.” Masayang saad ng may-ari.
Ngumiti lang naman si Luna saka tumango.
Lumabas sila ng café at kinuha ni Zayden ang mga gamit nila sa kotse bago sila umakyat ng burol.
Pagdating nila sa itaas ng burol, nakita ni Luna ang mga nakatayong cottage, nasa sampu ang cottage na nakatayo sa itaas ng burol ngunit magkakalayo ang mga ito para na rin sa private space.
Maliit lang ang cottage pero maganda ito. May munting kusina, munting sala at isang kwarto. May duyan at rocking chair sa porch, tanaaw ang taniman sa ibaba at ang café na pinanggalingan nila kanina. At kitang-kita rin ang papalubog na araw mula sa bintanang nakaharap sa silangan.
Sa loob ng cottage, simple pero maaliwalas. The scent of wood and cinnamon greeted them like an old friend when they entered the cottage. Gawa sa kahoy ang sahig, isang apuyan na bato, at sofa na may maraming unan. Sa kusina, may mga ceramic mug, at isang mesa na may dalawang upuan sa tabi ng bintana.
At sa likod ng bahay, may bonfire spot.
The vibes were really from the countryside.
Ibinagsak ni Luna ang sarili sa malambot na kama. “This is life,” she said.
Ibinaba ni Zayden ang bag nila sa gilid ng kama. “Want to stroll around?”
“Sige.” Bumangon si Luna.
Lumabas sila ng cottage nila. The hilltop was wrapped in a wide, open field of soft green grass. Wildflowers peeked between the blades, and butterflies flitted lazily in the afternoon light. Not too far away from there are cottages that stand across the hill, spaced just enough to feel private.
Halos magkakasinlaki ang mga cottages pero iba-iba ang kanilang kulay. May swinging bench sa may gilid at sa lahat ng porch ay many mga maliit na ilaw, na nagsisilbing parang maliliit na bituin sa lupa.
Makikita rin ang ilang mga turista at pamilya na naglalakad-lakad, may dalang picnic baskets, o di kaya ay nagpapahinga sa duyan at kumukuha ng mga larawan. There were a set of friends taking pictures of the scenic view.
Sa kanan bahagi ng cottage, may trail papunta sa maliit na lake, kung saan may wooden dock at ilang turista na nagpapakuha ng pictures. Habang ang ilan ay nagtatampisaw sa tubig.
Maririnig rin ang huni ng mga ibon, pati na rin ang mga mahihinang tawa at kwentuhan mula sa kalapit na cottages—hindi maingay, kundi puno ng buhay at ginhawa. Parang isang maliit na komunidad na nabuo para lang sa mga taong gustong tumakas sa ingay ng syudad at makaramdam muli ng tahimik at payapang na buhay.
Naglakad-lakad si Zayden at Luna sa may gilid ng lawa. Tahmik lang sila at magkahawak ang kanilang mga kamay.
Papalubog na ang araw at malamig ang simoy ng hangin. The lake reflects the last light of the day. It’s quiet, except for the wind, the water, and the beating of two hearts.