CHAPTER 5

1417 Words
ONE LATE AFTERNOON, rain taps gently against the window of the kitchen. A soft gray mist has settled over the hills from afar. Umupo si Luna sa kitchen table, sketchbook open but untouched. Kapagkuwan napatingin siya sa labas, hindi naman malakas ang ulan. Katamtaman lang ito at banayad. Hindi ‘yong tipo ng ulan na nakakatakot kundi ‘yong tipo ng ulan na nakakarelax. Mag-isa lamang si Luna sa apartment dahil may pinuntahan si Zayden. Hindi niya alam kung saan ito pumunta. Pero ang sabi nito baka mamayang gabi na ang balik nito. Napatitig si Luna sa tinapay na nasa counter. Zayden made it this morning. And she doesn’t have the heart to slice more. Baka magreklamo ang loko kapag naubusan ito ng tinapay. At baka hindi na siya nito bigyan sa susunod. Luna stared at the page in front of her. Her pencil hovered above the paper, but her fingers wouldn’t move. Hindi dahil sa hindi niya kayang gumuhit at wala siyang maisip pero dahil sa gustong iguhit si Zayden. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Luna habang inaalala ang mga pag-uusap nila ni Zayden. Wala yatang pagkakataon na nagtatalo sila lalo na sa kusina. Paano ba naman kasi… lagi siya nitong inaasar. But Zayden was confident, especially when it came to cooking. He looked at the flour like it was a sacred ritual. His hands moved with confidence. And she wants that confidence too. A confidence to fight for what she wants to have and to happen. But in the environment where she grew up, she doesn’t know if it will still be possible to have confidence like that. Luna’s phone buzzed. Natigilan pa siya nang makita kung sino ang tumatawag at nag-alangan kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi. Sa huli, pinili na lamang ni Luna na sagutin ang tawag. “Hello.” “Nasaan ka, Luna? Umuwi ka na.” Matigas na saad ng kaniyang ina. Naipikit ni Luna ang mata. Pinipigilan niya ang ina upang hindi niya ito masagot. Dahil kahit anumang mangyari ina niya pa rin ito. “Mommy, please, give me a peace of mind. Hindi naman ako tatakbo.” “Eh, anong ibig sabihin ng ginawa mo? Hindi ka tumakbo? Luna, nakakahiya sa pamilya ng mapapangasawa mo. And you left your fiancé on your date.” Malalim na napabuntong hininga si Mia. “Mommy, nagpaalam ako sa kaniya. Pumayag naman siya, eh.” “Luna, huwag ka ng rumason. Get back here!” Nagmulat ng mata si Luna. Napatingin siya sa labas ng bintana. Rain slid down the glass like tears that didn’t know where to fall. Somewhere down the road, she saw Zayden, holding an umbrella and walking back to the apartment. Luna hung up and turned off her phone so that her mother couldn’t call her. Nakaupo lamang siya sa kusina habang dinig na dinig niya ang pag tick-tock ng orasan na nakasabit sa pader. Her chest tightened for some reason. She never had the freedom to choose what to do. Her mother was dictating everything. Maliban na lang sa passion niya, sa gusto niyang ginagawa—being a children’s book illustrator. Pagkatapos ng ilang beses na pagtatalo, pinayagan siya ng kaniyang ina na gawin ang gusto niyang gawin at ‘yon ay ang maging children’s book illustrator. But there was a condition. To marry the man her mother wants for her, saying it was for her good future. A tear slid down from her cheeks. At ‘yon ang nakita ni Zayden nang makapasok ito sa kusina. “Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Zayden habang nilalagay sa counter ang dalawang cellophane na hawak. “May umaway ba sa ‘yo? Resbakan natin.” Umiling si Luna. “Wala.” “Eh, ba’t ka umiiyak?” tanong pa ni Zayden. “Wala nga.” Sabi ni Luna saka umalis ng kusina. Nagtaka naman si Zayden. Nakita niyang malungkot ang anyo ni Luna. Sinundan niya ang dalaga pero isinara ni Luna nang malakas ang pinto ng kwarto nito kaya naman hindi na siya tumuloy. Baka mamaya siya pa ang mapagbuntunan ng galit o anumang nararamdaman nito. Pero sino naman kaya ang umaway sa roommate niya dahilan upang umiyak ito? Napailing na lamang si Zayden saka hinubad ang suot na jacket at nagsuot ng apron. He played music on his phone para naman hindi tahimik. Wala si Luna na inaasar niya, eh. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa dalaga pero hinayaan niya na muna itong magkulong sa kwarto niti. Zayden chopped the onions, washed and chopped the vegetables, and the meat. The smell of garlic and onions filled the room, sharp at first, then mellowing into something comforting. Steam curled from the pot as he lifted the lid, letting the scent of simmering tomatoes and spices escape. He smiled, just a little, pleased with his effort. Gumalaw siya sa kusina na parang madali ang lahat. Add salt and olive oil to make the dish for supper taste better. He even frowned when he tasted it, and then he added a squeeze of lemon. Better. Nang matapos na magluto si Zayden, hinanda niya ang lamesa. It was like he was already a husband preparing the table for his wife. Napailing siya sa kalokohang pinag-iisip. Zayden knocked on Luna’s door. “Luna.” Pero walang sumasagot kaya inulit ni Zayden ang kumatok. “Luna.” “Luna.” Nang wala talagang sumasagot, sinubukan ni Zayden na buksan ang pinto ng kwarto at bahagyang sumilip sa loob. He saw Luna, sleeping, hugging her sketchbook. Bahagyang natigilan si Zayden. Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang takbo ng mundo. From outside, he could hear that the rain had stopped, and only the occasional rustle of leaves from the trees outside. Hindi namalayan ni Zayden ang sarili na pumasok sa loob ng kwarto ni Luna. He sat at the edge of the bed, careful not to disturb her. “Luna, what have you done to me?” Zayden asked, blaming her for the mistake she never knew she had made. Zayden took a deep breath. “This is insane,” he said. Napatitig si Zayden sa dalaga. Luna was beautiful. She looks peaceful, unburdened, and safe. And he didn’t dare look away. Hindi na nagulat si Zayden nang maramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. In just a short span of time, nahulog na agad ang loob niya sa dalaga. Halos magdadalawang linggo pa lamang silang magkakilala, and yet, he had fallen already for her. Zayden stared at Luna’s face, memorizing the lines of her face, marveling that someone like her existed. Hanggang sa hindi namalayan ni Zayden na nakalapit ang mukha niya sa dalaga at ilang dangkal na lamang ang layo ng kanilang bibig. He was tempted to press his lips against hers, but he restrained himself. Mabilis na lumayo si Zayden sa dalaga bago pa man siya makagawa ng bagay na pagsisisihan niya. At isa pa baka matakot pa sa kaniya si Luna. From that moment, Zayden pushed himself away from Luna. Kapag nasa malapit na ang dalaga, lumalayo siya. Ramdam niya kasi ang sarili niya na gusto niya itong halikan. Oo, naaakit siya na halikan ang dalaga. Napansin naman ni Luna na parang iniiwasan siya ni Zayden kaya naman kinausap niya ang lalaki. Hindi na siya makatiis, eh. “Bakit parang umiiwas ka sa akin?” “Ah, hindi naman.” Tugon ni Zayden. Naningkit ang mata ni Luna. “Tao ako. Hindi ako bato. Ramdam kong iniiwasan mo ako. Bakit? May nagawa ba ako?” Umiling si Zayden. “Wala naman.” “Sigurado ka?” Tumango si Zayden. “Eh, bakit hindi ka sumasabay sa akin sa pagkain? Dalawang araw ka ng ganiyan.” Tipid na ngumiti si Zayden. “Huwag mo na akong pansinin. May iniisip lang ako.” Aniya saka nagmamadaling lumabas ng kusina. Napasunod na lamang ng tingin si Luna kay Zayden. Nagtaka siya pero nagkibit na lamang siya ng balikat. Well, wala namang kaso sa kaniya kung iniiwasan siya ng binata. Alam naman niya sa sarili na wala siyang ginawa rito. And since Zayden didn’t cook, siya ang nagluto ng pagkain niya pero sunog na naman ito. Napanguso na lamang si Luna habang nakatingin sa sunog na kanin at hotdog. Wala na talaga siyang pag-asawa sa kusina. Luna sighed deeply. “I have no hope in the kitchen.” Nagpapasalamat na lamang siya na hindi nasunog ang kusina dahil sa kaniya. Luna ended up eating bread made by Zayden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD