ROSETTA FLORES NAKA-ALIS na si Boss Darion sa kuwarto pero hawak-hawak ko pa rin ang pisngi ko kung saan n'ya ako nilapatan ng halik. Ang tagal na talaga ng panahon bago ko ulit naramdaman ang ganitong mga sensasyon na nakakagising ng kaluluwa. Hindi agad ako naka-tulog, naabutan ko pa ngang umiyak si Roscoe. Pinadede ko na s'ya at sabay na kaming natulog na dalawa sa kama. At pag-sapit ng umaga, nagising ako sa mga huni ng ibon na dumadapo sa balkonahe. Hindi ko pa minulat ang mga mata ko pero marahan kong kinapa-kapa si Roscoe at naka-tulog s'ya sa tabi ko kagabi pero nang mapagtanto kong wala akong makapa, doon ako napa-dilat ng husto at napa-balikwas sa pagkakabangon. "Miss Rosetta? Gising na po ba kayo?" Napa-tingin ako sa naka-bukas na pintuan ng banyo. Boses ni Ate Cindy. "N