Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Part 18 "Maayos na ang kalagayan ng Prinsipe Yago, mabuti na lamang dahil nabigyan siya agad ng paunang lunas. Marami salamat sa iyo Master Ned." ang sabi ng doktor habang inaayos nito ang kumot ni Yago. "Paki sabihan din sya na huwag kalimutan ang warm up at stretching bago lumangoy upang maiwasan ang mga aksidente katulad ng pulikat" "Maraming salamat po doktor." ang tugon ko. Wala naman kasing ibang mag aasikaso kay Yago kundi ako lang din dahil wala ang ama nito. Habang inaayos ko ang mga gamit ni Yago sa kanyang silid ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang mukha, gwapo pa rin ito at mukhang hindi gagawa ng kalokohan. Napaka amo ng kanyang mukha, matangos ang ilong, mapula ang mga labi at makinis ang balat. Ang kanyang katawan ay pa