Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Part 17 Halos mag iisang oras na kami ni Yago na mag tabi sa loob ng kanyang sasakyan ngunit hindi pa rin kami nag kikibuan, wala itong ginawa kundi sumipol ng sumipol habang ako naman ay pinag mamasdan lang ang tawanin na aming nadaraanan. Sa ganitong paraan ay nalilibang ako bagamat may katabi akong demonyo kaya parang bale wala rin ang aking ginagawa kong pag lilibang sa sarili. "Wag mo sanang isipin na humarap ako sa media upang ipag tanggol ka at pag takpan ang kalaswaan at pag tataksil mo sa mata ng publiko. Ginawa ko lang iyon dahil iyon ng utos ng aking ama at wala nang iba pang dahilan. Kung ako ang masusunod ay pinatawan na kita ng pag tataksil upang maparusahan ka" ang sabi ni Yago na may pag yayabang ang tono "Sana nga ay pinarusaha