BUMALIK na si Denise sa condo niya matapos manatili ng dalawang araw sa bahay ng Daddy niya. Balik na rin siya sa trabaho at umaktong parang walang nangyari. Inilihim muna niya sa mga kapamilya niya na si Gian ang ama ng batang dinadala niya, bagama't alam niyang may paghihinala na ang mga ito dahil sa labis na pag aalaga ni Gian sa kanya. She kept silent about it every time they tackle about her pregnancy. Unti unti pa lamang niyang tinatanggap, at ang paulit ulit nilang paalala ay hindi nakakatulong sa magulong isipan pa niya sa ngayon. Gusto niyang pag isipan muna ng mabuti ang susunod niyang gagawin para sa kanila ng anak niya. Kaya't minabuti na rin muna niyang bumalik sa condo niya. Hindi man nagsasalita si Gian patungkol doon ay alam niyang nasasaktan ito. Mapipilitan kasi sila ni