Naalimpungatan si Kenneth dahil sa sobrang lamig na naramdaman niya sa loob ng silid na tinulugan niya. Pagmulat ng mga mata niya saka niya lang naalala na wala siya sa sarili niyang kwarto. Napasarap pala ang tulog niya. Marahil sa mga araw na hindi niya pagtulog dahil sa mga problema na kinakaharap niya. Ngayon lang siya nakatulog ng mahimbing mula ng dumating ang Lolo niya. Tumayo siya upang isarado ang Bintana ng kwarto. Sa probinsya talaga masarap ang hangin at malamig, bigla niyang naalala si Nicole. "Oo nga pala! Kanina dapat hihintayin ko siyang dumating. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako." Kumuha siya ng towel sa dala niyang bag at nagtungo siya sa bathroom. Naligo at pagkatapos ay nag toothbrush. Isang oras din ang ginugol niya sa pag-aayos ng sarili niya bago siya t

