Nagising siya na wala sa tabi niya si Kenneth. Agad siyang bumangod at dinampot ang robe na nasakasabit sa gilid ng dingding at lumabas siya ng Silid. paglabas niya naamoy na niya ang mabangong amoy ng adobong Baboy. Agad siyang nagtungo sa Kusina. Napangiti siya ng mabungaran niya doon si Kenneth. Nakasuot ito ng Apron. Habang walang suot na pang itaas. Hindi tuloy niya mapigilang hindi mapahanga sa magandang katawan nito. Halata kasing alagang-alaga sa Gym ang katawan nito. "Good morning Yummy!" Nakangiting itong Yumakap sa kanya. "How's your sleep?" "Okay naman. Masarap ang naging tulog ko." "Hindi ba sumakit ang katawan mo?" pilyo niyang tanong. Nagkulay kamatis ang mukha niya sa tanong na iyon. Kaya naman yumuko siya at umiwas ng tingin. "Ayoko ng ganyang tanong Yummy." Pinisil

