Isang buwan na ang nakakalipas nang mangyari ang kaguluhan sa palawan. Hanggang ngayon hindi pa rin makausap si Nicole palagi pa rin siyang umiiyak. Kahit masakit kay Lenard ang makita siyang malungkot dahil kay Kenneth, wala siyang magawa dahil kahit anong gawin niya. Hindi pa rin sapat ang efforts niya para maka-move on si Nicole. Simula kasi na mangyari ang gulo sa Palawan, hindi na nagpakita pa si Kenneth kay Nicole. Nabalitaan rin nila na hindi na ito nakakalabas ng mansiyon, marami kasing bantay si Kenneth. Nagkaroon na rin ng interview sa press si Kenneth at ang pakakasalan niyang si Aya, dahilan para lalong maging malungkot si Nicole, halos araw-araw nilang pinupuntahan si Nicole sa condo niya, para pasayahin ito pero kahit anong gawin nila malungkot pa rin si Nicole at iyon ang ma

