CHAPTER 42

2114 Words

"I love the way she look at me." Sabi ni Aya habang nilalaro ang alak na nasa kupita niya. Kanina habang nasa mall silang dalawa ni Kenneth para sa interview. Nakita niya si Nicole doon habang matalim na nakatitig sa kanya. Nang tingnan niya si Kenneth, balot ito ng lungkot dahil hindi nito magawang lapitan ang babaing mahal nito. At iyon ang labis na ikinatuwa niya ngayon. Mag-isa siyang umiinom ng alak habang pinagbubunyi ang kanyang tagumpay. Ilang beses na niyang nakita ang dalawang magkasintahan na naghihirap dahil sa kaniya at iyon ang nais niyang mangyari ang pahirapan ang dalawa. "Hmm... Napakasarap talaga ang makitang sila naman ang nasasaktan." Parang baliw niyang kausap sa sarili habang umiinom ng alak. Ilang saglit pa nakarinig siya ng katok mula sa pintuan ng silid niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD