CHAPTER 43 Kitang-kita ni Lucas ang lungkot na mukha ng asawa at mga anak niya. Mula ng dumating ang Daddy niya nawala ang mga ngiti nila. Ang tawanan nilang magpapamilya. Hindi na rin sila nagkakasabay na kumain sa habang kainan tulad ng ginagawa nila noon. Nakakalungkot isipin na ang masayang pamilya niya noon ay napalitan ng lungkot dahil sa Daddy niya. Lumabas siya ng silid at tinanaw ang labas ng bakuran nila. Pati ang panahon ay nakikisama sa lungkot na nararamdaman nila. "Lucas," Nilingon niya ito at tipid na ngumiti. "Pinuntahan mo ba si Kenneth mahal ko?" Tanong niya sa asawa niya. Tumulo ang luha nito na ikinalungkot niya. "Ilang araw ng hindi kumakain ang anak natin natatakot akong baka magkasakit siya." Sabay punas nito ng luha sa mata. Huminga siya ng malalim. "Kasal

