CHAPTER 54 HINDI mapawi ang ngiti niya habang pinagmamasdan ang kapatid niyang si Kenneth. Ito ang araw ng kasal ni Kenneth at Nicole. Finally, ito na ang pinakahihintay ng dalawang iyon. Ang Lolo niya ay bumawi sa dalawa dahil siya ang gumastos ng limang mga bansa na pupuntahan ni Nicole at Kenneth para mag honeymoon. Nagkaroon na rin ng malinaw na pag-iisip ang Lolo niya tungkol sa arrange marriage kung kaya’t pinangako nito sa kanilang angkan na wala ng magaganap na arrange marraige sa angkan ng mga Sy na labis naman niyang ikinatuwa at nang iba niyang pinsan. Sa wakas malaya na silang makakapili ng taong mamahalin nila yung magpapatibok ng puso nila. Katulad na lang ng naramdaman niya kay Arnold. Tumingin siya kay Arnold habang nakikipag-usap sa isang abay na lalaki. Lumapit siya rito

