CHAPTER 55 “Tok! Tok! Tok!” Paulit-ulit na katok ang naririnig niya sa pintuan ng silid niya habang siya ay nakahiga pa rin sa kanyang silid. Ilang beses na rin niyang naririnig ang tunog ng alarm niya ngunit hanggang ngayon hindi pa rin siya kumikilos. “Lenard! Wake up.” Naririnig niyang sigaw sa labas. Boses iyon ng kanyang kuya Leo. Marahil sumuko na ang kanilang katulong para gisingin siya. Pikit pa ang isang mata niya nang bumangon siya upang pagbuksan ang kapatid. “Kuya.” Sambit niya. Salubong ang kilay nito nang matanaw ang loob ng silid niya. Walang sabi-sabi itong pumasok sa loob at pinagmasdan ang loob ng silid niya. “Anong bagyo ang dumaan dito?” Sabi nito. Nakakalat kasi ang upos ng sigarilyo sa maliit na table ang bote ng alak at hindi na ubos na pulutan niya. May bas

